Sana magustuhan niyo..
###
Ako nga pala si Ashley Santiago.
Pitong taon palang ako ng maulila ako sa mga magulang ko.
Papunta kami sa lola ko ng araw na iyon.
Papasok na kami sa gate ng subdivision nila lola ng bigla nalang may malaking truck na nawalan ng preno at mabilis na tumama sa aming sinasakyang kotse.
Yun lamang ang paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko hanngang ngayon.
Ilang araw din akong tulala matapos maganap ang aksidente.
Kahit kasi bata palang ako naiintindihan ko na patay na ang mga magulang ko.
Mula noon ay ang lola na ang nag alaga sa akin.
Maglilimang taon ng patay ang magulang ko.
Naging masaya naman ako sa piling ni lola dahil hindi naman siya nagkulang sa pag aalaga at pagmamahal niya sa akin.
First day of school namin ngayon at grade 6 six na ako.
Hinatid pa ako ng aking pinakamamahal na lola Lourdes sa sking classroom.
Bago niya ako iniwan ay hinalikan niya pa ako sa pisngi.
"Ingat ka apo ko, Sunduin nalang kita mamaya. "
"Sige po lola, Kahit na huwag niyo na po akong sunduin. Sabay na kami ng bestfriend kong si Vanessa malapit lang naman yung bahay nila sa atin."
"Sige na nga. Teka huwag ka munang magkakacrush o magpapaligaw ah? "
"Si lola talaga. Wala pa po sa isip ko ang mga bagay na iyon.Ingat po kayo sa pag-uwi. "
Minsan pang hinalikan ni lola Lourdes ang kanyang pinakamamahal na apo bago niya ito tuluyang iniwan.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang kanilang teacher.
Habol naman si Vanessa na late na agad first day palang ng klasi nila.
"Best! Dito wala pang naka upo. " si Ashley ang tumawag sa late na estudyante.
"Best! Salamat sa upuan! Hay grabe napasarap ang tulog ko akala ko bakasyon pa natin eh. " si Vanessa na tatawa tawa pa.
Si Vanessa ay bestfriend niya mula pa nung grade 3 sila.
Galing itong Maynila, Black beauty, matakad at mahaba ang buhok nitong straight.
Sa murang edad niya ay may boyfriend na pero hindi alam ng mga magulang niya.
Malayo siya kay Ashley na hindi alam ang salitang crush.
Si Ashley naman ay hindi masyadong matangkad.payat,maputi.hanggang balikat ang medyo kulot na buhok. browneyes.
Mukha itong barbie kung titignan sa sobrang cute nito.
Nag-umpisa nang magturo ang teacher nila.
Naging masaya naman ang first day nila.
Halos kalahati ng mga kaklasi niya ay bagong lipat sa kanilang paaralan.
Lumipas ang isang linggo at may humabol pa na late nag enroll.
Kasama nito ang kanyang mama.
medyo mahiyahin pa ang batang lalaki.
"Ma'am, papakiusap ko lang ang anak ko. Pasensya na lastweek lang siya na discharge sa hospital nagkalagnat kasi siya. " ang bagong dating na magulang kausap ang teacher nila Ashley
"Okay po sige.. Dito nalang siya. Okay na ba siya kahit bukas niyo na siya papasukin. Pahinga na muna siya. "
"Thank you po ma'am. "
Sa pangatlong row ng upuan ng mga estudyante ay tahimik naman na pinagmamasdan ni Ashley ang magulang ng magiging kaklase niya.
Napatingin pa siya sa anak nito.
Sakto naman ang pagtingin sa kanya ng lalaki sabay ngiti pa nito sa kanya.
Namula naman si Ashley at napangiti narin siya dito.
Pagkaalis ng mag-ina ay doon na nag daldalan ang mga kaklasi ni ashley at dinig na dinig paniya ang iba.
"Wow. ang gwapo niya at ang tangkad" sabi ng pinakamaarte niya kaklasi na si Celine Dimatulac
Wala naman nakakaaway si Ashley sa mga classmate niya.
Dahil tahimik lang ito at mabait.
Si Vanessa lang talaga ang lagi niyang kasama.
Kinabukasan dumating sina Ashley at Vanessa sa kanilang classroom na nakapalibot ang mga girls na classmate niya sa isang estudyante at hula niya ang bago nilang kaklase.
"Ako nga pala si Celine."
"Ako naman si Glaiza. "
Dinig pa nang dalawa ang nagpapakilalang magbestfriend sa bago nila kaklase.
Hindi na nila ito pinansin.
Ilang minuto lang ng dumating na ang teacher nila.
"Halika dito pakilala ka muna. " tinawag ng teacher nila ang bago nilang classmate para magpakilala.
"Hi sa inyong lahat. Ako nga pala si Dave Castillo. Sana maging friend ko kayong lahat. "
"Salamat Dave. Sa tabi ni Ashley nalang ang vacant seat doon kana muna. "
Sumunod naman si Dave sa kanilang teacher.
Walang kaalam alam si Ashley na may katabi na pala siya sa left side niya dahil busy ito sa pagkuha ng books niya sa math na firsr subject nila.
TBC
SNAKEPRINCESS
###
Thankyou po sa mga bumasa pa comment po at pa vote po
BINABASA MO ANG
UNANG PAG-IBIG (ongoing)
Romancekwento ito ng babaeng nagkaroon ng unang pag ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. subalit nawala ito ng ilang taon,hindi niya alam kung makikita pa niya itong muli pero wala ng ibang minahal si Ashley Santiago kundi si Dave Castillo lang.