Ilang linggo ng hindi pinapansin ni Ashley si
Dave.
Nakahalata din si Dave sa pag iwas ni Ashley.
Ewan ba niya kung bakit ganon na lamang
ang inis niya.
Kung bakit hindi siya kinakausap ni Ashley
dahil hindi na makaya ng kanyang puso.
Mula ng iwasan siya ni Ashley na realize niya
ang nararamdaman niya para dito.
Kaya hindi na niya talaga matiis ang hindi
pagpansin sa kanya ni Ashley.
Gumawa siya ng paraan para lang makapag
usap sila.
Nakiusap siya kay Vanessa na siya nalang ang
sasabay sa pag uwi kang Ashley.
Naawa naman si Vanessa kay Dave kahit pa
ginamit nito ang bestfriend niya kaya
pinagbigyan niya ito.
Si Ashley naman ay nainip na sa kakahintay
sa bestfriend niya sa labas ng gate ng school
nila.
"Ashley.! " narinig ni Ahley ang isang pamilyar
na boses mula sa kanyang likuran.
"Pinauna ko na si Vanessa. Ako nalang ang
sasabay sayo. "
Wala ng nagawa si Ashley sa kakulitan ni
Dave.
"Sorry na kung may nagawa man ako sayo.
Gusto kong maging close ulit tayo. "
Tahimik lang na naglalakad si Ashley hindi
niya alam ang kanyang gagawin.
"Ah Dave kalimutan mo na yun. Sorry din kasi
bigla nalang kitang iniwasan. Baka kasi
magalit ang girlfriend mo. "
"Girlfriend? Wala kaya. Na busted ako kay
Celine aha. Kinalimutan ko na siya. At sa
palagay ko may iba na akong nagugustuhan. "
Patuloy lang sa paglalakad si Ashley at
nagkaayos na sila pero hindi na naman maalis
sa isip niya ang sinabi ni Dave na may bago
itong gusto.
"Paano kung sabihin ko sayong I LOVE YOU? "
Lalong nagulo ang isip ni Ashley sa narinig.
Binilisan niya ang paglalakad.
"Kung kailan hindi ko na siya crush dun lang
niya sasabihin yun. "
Mahina lang niyang sinabi.
"May sinasabi ka ba? " nagulat ulit siya ng
bigla sumulpot sa tabi niya si Dave
"Ah? Wala. "
"Totoo ang sinasabi ko. Mahal talaga kita at
na realize ko yun nung iwasan mo ako. "
"Sige Dave mauna na ko. Ayun na ang bahay
namin. Bukas nalang. "
Tumakbo na kaagad si Ashley sa bahay nila at
mabilis na sinarado ang pinto.
Nagpalipas siya ng ilang minuto bago
lumabas ng bahay.
"Lagot sa akin ang Vanessa iyon. Basta
nalang akong iniwan. "
Isang minuto lang ang layo ng bahay nila
Vanessa sa kanila.
"Bakit mo ko iniwan? Alam mo bang nagtapat
sa akin si Dave. Sabi niya mahal niya ako. "
nasa pinto palang ay nagkwento sa kaagad ni
Ashley kahit pa napago ito sa pagtakbo.
"Edi maganda. Mukha naman siyang seryoso.
Kanina nga naiiyak siya habang nakikiusap sa
akin kaya naawa ako sa kanya. "
"Hindi ko na kasi siya crush eh. "
"Talaga lang ah? Baka mahal mo na siya at
hindi crush. "
"Ewan ko. "
"Sige lang kung hindi mo na siya naiisip sa
mga darating na araw totoong hindi mona
siya crush. "
At hindi na nga maalis sa isip ni Ashley si
Dave.
Patuloy naman si Dave sa panliligaw sa kanya
at ang paulit ulit na pagpaparamdam niya kay
Ashley na Mahal na nga niya ito.
"Maniwala ka human sa akin Ashley na mahal
kita. Pero maghihintay naman ako kung kailan
mo ako matatanggap. "
Kakadating lang ni Ashley ng umagang yun sa
school.
Para siyang kinukuryente sa twing makikita si
Dave.
"Mahal din kita Dave. "
Sinadya namang hinaan ni Ashley ang pagsabi
nun.
Pero narinig parin ni Dave ang sinabi niya.
TBC
#####
BINABASA MO ANG
UNANG PAG-IBIG (ongoing)
Romansakwento ito ng babaeng nagkaroon ng unang pag ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. subalit nawala ito ng ilang taon,hindi niya alam kung makikita pa niya itong muli pero wala ng ibang minahal si Ashley Santiago kundi si Dave Castillo lang.