Nagmamadali ng pumasok si Ashley, nang
bigla nalang siyang napahinto sa harapan ng
kanilang classroom.
Nakita niya rin kasi ang mga estudyante sa
kabilang classroom na patakbo rin ang mga
ito.
Lalo siyang natigilan ng mapansin niya ang
pinakahuli sa mga ito.
Huminto rin ang lalaki at nakatingin pa sa
kanyan.
Nagtitigan ang dalawa na halos umabot ng
ilang minuto.
Sa huli ay ang lalaki ng ang bumawi ng tingin
at pumasok na sa kanilang classroom.
"Dave!" sa isip lang na tawag ni Ashley dito.
Tinatanong niya sa sarili kung si Dave nga ba
ang lalaking iyon.
Pero bakit ang sungit nito at malayong malayo
ang ugali sa kakilala niyang si Dave.
Breaktime ng magkita sila ni Vanessa para
sabay ng maglunch.
Hindi na kasi sila magkaklasi ngayong first
year sila dahil magkaiba na sila ng kinuhang
kurso.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na Classmate
mo si Dave?" nagtatampong tanong ni Ashley
kay Vanessa habang kumakain sila sa Canteen.
"Wala akong classmate na Dave. Baka si Gab
Turla ang tinutukoy mo. Yung blonde hair na
suplado. Hindi si Dave iyon akala ko nung una
siya din si Dave pero hindi. Magkamukha lang
sila pero hindi pareho ng ugali. " paliwanag
naman ni Vanessa
"Kaya pala hindi niya ako kilala at sinungitan
pa niya ako. "
"Huwag kang magkaka crush doon kahit
kamukha pa siya ni Dave. Hay naku walang
gusto sa mga babae dyan ang daming
nagkakacrush at nagbibigay ng love letter sa
kanyan pero pinapahiya niya lang. Pero hindi
parin nauubos yung mga papansin sa kanya. "
Lumungkot ang mukha ni Ashley sa sinabi ni
Vanessa sa kanya,ipinagpatuloy na lang niya
ang kanyang pagkain.
Bumalik na sila sa kanya kanya nila classroom
matapos sila maglakad lakad.
Mula ng mapansin ni Ashley ang kamukha ni
Dave na si Gab ay palagi na niya itong
nakikita.
Minsan nga ay muntik na naman silang
magbanggaan kaya sinigawan na naman siya
ng lalaki.
"Nakakainis ang lalaking iyon! Siya kaya ang
hindi nakatingin sa dinadaanan. " inis na
nasabi ni Ashley sa kanyang sarili.
Kahit na yata umiwas si Ashley dito walang
araw na hindi niya ito makasalubong.
Kita niya rin ang mga babaeng nagpapapansin
kay Gab twing dumadaan pa ito sa harapan ng
classroom nila.
Ewan niya ba kung bakit hindi na niya ngayon
maalis sa isipan niya ang lalaking ito.
Araw araw at gabi gabi na niya kasi itong
naiisip.
Nagkakagusto na nga siya dito kahit pa alam
niyang napakasuplado nito. at binalaan din
siya ng bestfriend niyang si Vanessa.
Hindi niya inaasahan isang araw na bigla
nalang may lalapit sa kanya.
"Ikaw ba si Ashley? " isang estudyanteng lalaki
ang lumapit sa kanya habang nakaupo siya sa
tabi ng bintana ng classroom nila.
Wala kasi silang teacher ng mga oras na iyo.
"Oo, bakit? " napatingin siya sa estudyante at
nakilala niya ito na isa sa mga kaibigan ni
Gab.
"Pinapabigay ni Gab. Sige alis na ko. "
Isang maliit na papel na nakatupi ang inabot
ng lalaki sa kanya.
"Pwede ba kitang maging kaibigan? Mag usap
tayo sa canteen mamayang lunch break. gab"
Napangiti siya sa kanyang nabasa. Totoo kaya
na gustong makipag kaibigan sa kanya ni Gab?
Nang dumating ang lunch break nila ay kaagad
na siya pumunta sa canteen.
Papasok palang siya ay nakita na niyang
naghihintay sa bandang dulo si Gab sa kanya.
"Ashley! " tawag agad ni Gab ng makita niya si
Ashley
"Maupo ka. Sana gusto mo parin akong maging
kaibigan kahit pa sinusungitan kita nitong mga
nakaraang araw. "
"Oo naman gusto rin kitang maging kaibigan. "
Naging magkaibigan na nga ang dalawa at
halos silang dalawa na palagi ang magkasama.
TBC
BINABASA MO ANG
UNANG PAG-IBIG (ongoing)
Romancekwento ito ng babaeng nagkaroon ng unang pag ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. subalit nawala ito ng ilang taon,hindi niya alam kung makikita pa niya itong muli pero wala ng ibang minahal si Ashley Santiago kundi si Dave Castillo lang.