Dumating ang araw ng graduation nila Ashley.
Huling araw narin nang pagkikita nilang
magkakaklase.
Hindi narin pinansin pa ni Ashley si Dave kahit
pa tinatawag siya nito.
Natapos ang graduation iyakan lahat sila dahil
baka sa ibang school na mag-aaral ang iba.
"Congrats! " tinig ni Dave
Napaharap naman ai Ashley sa kanya habang
nagpapaalam sa ibang mga kaklase.
"Dave! Conrats din. " medyo nahihiya pang bati
ni Ashley dito.
"Kung pwede sana usap muna tayo. "
Pumayag naman si Ashley.
Na miss niya rin kasi ang lalaking ito kaya
pinagbigyan na niya ito.
"Sorry kung nasaktan kita. Mahal na mahal
naman talaga kita. Pero nasaktan mo rin ako. "
"Dave. " hindi na niya napigil ang kanyang
luha.
"Huwag ka nang umiyak. Sorry na nga eh. Mga
bata pa naman tayo. Promise ko pag nagtapos
na tayo ng pag aaral babalikan kita. "
"Mahal na mahal din kita Dave. Tuloy ba kayo
sa U. S? "
"Oo. bukas na bukas aalis na din kami. "
May inabot pang drawing book si Dave kay
Ashley.
"Ginawa ko lahat yan diba favorite mo rin siya.
"
Binuksan ni Ashley ang drawing book at nakita
niya ang mga drawing ni Dave na puro si
Killua.
"Salamat itatago ko ito. Hihintayin kita sa
pagbalik mo. "
Nagkayakap pa ang dalawa bago tuluyang
maghiwalay.
Lumipas ang apat na taon.
"Tignan mo best palaging puno ng flower at
love letter yung locker mo bakit kasi wala
kapang sagutin sa kanila. "
"Hay naku! Vanessa pag aaral muna ang iniisip
ko. Hindi naman ako tulad mo na monthly or
weekly pa ata kung mag palit ng boyfriend! "
"Ito naman! Mga collection ko kaya iyon! Haha!
Alam ko naman na kaya hindi ka
nagboboyfriend umaasa kapa na babalik ang
Dave na iyon! "
Natahimik lang si Ashley.
Maya maya ay kinuha niya ang drawing book
na binigay ni Dave sa kanya.
Siya na lang mag isa sa locker room ng mga
oras na iyon dahil nauna ng umalis si Vanessa
dahil may meet pa daw sila ng ka chat niya sa
facebook.
"Si Vanessa talaga hindi parin tumitigil sa
pagiging playgirl niya "
Nasa labas na siya ng bigla siyang may
nabangga.
Laking gulat niya ng makilala ang lalaki.
Matangkad, maputi, blonde ang
buhok,matangos ang ilong. "GWAPO"!
"Dave! "
sabay yakap niya pa sa lalaki ng makatayo
sila.
Pero tinulak lang siya nito.
"Pwede ba miss huwag mo akong hawakan! "
Galit na sabi pa ng lalaki sa kanya.
"At hindi rin Dave ang pangalan ko! Sana lang
hindi na kita masalubongvsa susunod! Hindi ko
alam na may tanga pala sa schopl na to. "
Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Ashley.
Hindi siya pwedeng magkamali.
Tumangkad man ang lalaking nakita niya
walang dudang si dave iyon.
Pero bakit hindi niya ito nakilala.
At sinabi pa niyang hindi siya si Dave?
TBC
BINABASA MO ANG
UNANG PAG-IBIG (ongoing)
Romancekwento ito ng babaeng nagkaroon ng unang pag ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. subalit nawala ito ng ilang taon,hindi niya alam kung makikita pa niya itong muli pero wala ng ibang minahal si Ashley Santiago kundi si Dave Castillo lang.