###
"Hi! Ikaw yung nginitian ko kahapon diba? Ako
nga pala si Dave Castillo. Ikaw anong
pangalan mo?"
Hindi naman kaagad nakapagsalita si Ashley
dahil sa pagkagulat neto.
"A-ah.. Ako naman si Ashley. "
Pulang pula naman ang mukha ni Ashley dahil
nahihiya ito kay Dave.
Hindi kasi siya sanay na nakikipag usap sa
mga lalaking classmate niya.
Nagkaroon naman ng pagkakataon
magkwentuhan sina Ashley at Vanessa ng
breaktime nila.
"Palagay ko Ashley crush ka ni Dave. Kita mo
ngiting-ngiti siya sayo."
"Hay naku Best. Tigilan mo nga ako sa Dave
na yan. At wala akong alam sa crush crush
no."
"Hala. Bahala ka nga tignan mo lang isang
araw maiinlove kana lang sa Dave na yan."
Lumipas ang isang buwan ng klase.
Lalo naman naging close sina Dave at Ashley.
Lagi silang magkasama.
Mas madalas pa ngang kasama ni Ashley si
Dave ngayon kaysa kay Vanessa.
Busy naman kasi palagi si Vanessa sa
kanyang boyfriend.
Pauwi na sina Ashley noon ng bigla siyang
tinawag ni Dave.
"Ashley, pasyal muna tayo sa plaza. "
"Ah? O sige wala rin naman si Vanessa pasyal
na muna tayo. "
"May itatanong pala ako sayo. "
"Ano yun Dave?"
"Si Celine? Diba medyo close naman kayo
nun?
"Oo, Bakit?
"May boyfriend na ba yun? "
"Wala na ata sila nung boyfriend niya eh. "
"Mabuti naman. Gusto ko kasi siyang ligawan.
Pwedi mo ba akong tulungan sa kanya? "
"Okay. Sige. "
Hindi alam ni Ashley kung bakit parang may
kumirot sa kanyang puso sa sinabi ni Dave.
Pero hindi nalang niya iyon pinansin.
Araw-araw naman pinapaabot ni Dave ang
mga love letter niya kay Ashley para kay
Celine.
"Ano ba yan best? Bakit ginawa kang tulay ng
Dave na yan? Alam mo iwasan mo na lang
siya. "
"Iniiwasan ko na nga eh. Kaso lagi niya akong
tinatawag. "
"Ginagamit ka lang niya. Akala mo mabait yun
pala manggagamit. "
"Alam mo best hindi ko kasi siya
matanggihan. Para kasi palagi ko rin siyang
hinahanap.Pag nakikita ko siya parang ang
bilis ng tibok ng puso ko. "
"Ano? Huwag mong sabihing naiinlove kana sa
kanya. Hindi pwede manggagamit siya. "
Gulat na gulat na sagot ni Vanessa kay
Ashley.
Niyaya nitong maglibang at pilit niya itong
iniiwas kay Dave.
Hindi naman nakakahalata si Dave sa kanilang
dalawa.
Pero dahil nga hindi na natyetyempuhan ni
Dave si Ashley ay siya na ang lumalapit kang
Celine.
"Dave. magkita tayo sa canteen mamaya bago
umuwi. "
Sulat iyon ni Celine kay Dave.
Nagkita na nga ang dalawa.
"Pasensya na Dave kung ngayon lang ako.
May dinaanan lang kasi ako. "
"Okay lang naman sakin yun Celine. Pwedi ko
bang malaman kung kailan mo ako sasagutin?
Natawa pa ng konti si Celine bago sumagot sa
tanong ni Dave.
"Alam mo kasi Dave, Oo crush kita nung una
kaya lang hanggan dun lang iyon dahil hindi
ko gusto ang ugali mo. Maghanap ka nalang
ng ibang liligawan mo. Wala akong
nararamdaman sayo. Sige una na ako
hinihintay kasi ako ni Glaiza sa labas ng gate.
"
Naiwan mag-isa si Dave sa canteen at hindi
na nagawang pigilan si Celine.
Sobrang nasaktan si Dave sa mga narinig niya
kay Celine.
Kaya naman halos isang linggo din itong hindi
pumasok.
Pagpasok niya ay si Ashley ang kanyang
hinahanap.
Pero hindi naman niya ito kaagad nakita.
"Baka kasama ni Vanessa. "
"Dave! "
Tawag ng mga kaibigan niyang boys.
Lumapit siya sa mga ito.
Ikinwento niya ang dahilan kung bakit absent
siya ng ilang araw.
Pinagtawanan naman siya ng mga ito dahil
nalaman nilang busted siya kay Celine.
"Best, diba si Dave na iyon? Pumasok na siya.
"
"Hayaan mo siya kailangan mo siyang iwasan.
"
Tuloy tuloy lang sa paglalakad ang dalawa.
Napansin sila ni Dave at tinawag niya pa si
Ashley.
Hindi siya nilingon nito.
Araw-araw alam niyang iniiwasan siya ni
Ashley.
Nalulungkot siya sa ginagawa ni Ashley sa
kanya.
TBC
###
BINABASA MO ANG
UNANG PAG-IBIG (ongoing)
Romancekwento ito ng babaeng nagkaroon ng unang pag ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. subalit nawala ito ng ilang taon,hindi niya alam kung makikita pa niya itong muli pero wala ng ibang minahal si Ashley Santiago kundi si Dave Castillo lang.