Hindi matigil sa kakaiyak si Elle matapos marinig ang malungkot na balita. Agad syang umalis ng opisina at dali daling pinuntahan ang kanyang sasakyan sa parking lot. Pagkasara ng pinto ng sasakyan hindi magkamayaw ang pagtulo ng kanyang mga luha."Pa.. Papa.. bakit?..."
Biglang tumunog ang kanyang celphone at nangangatal na boses ng kanyang ina ang bumungad.
"Ana-ak. Nasa-nasaan ka?"
"Papunta na po ma.. Ano po bang nangyari? Ano pong nangyari kay Papa?", halos mamaos na sya kakaiyak.
"Natagpuan na lang syang nakahandusay sa ilalim ng puno ng acacia. Ang sabi sa autopsy, heart attack daw. Anaaak... wala na si papa moooo.."
"Mama , papunta na po ako dyan. Nag early out po ako sa opis. Sige po ma."
Sinisinok na si Elle sa kakaiyak. Ibinaba na nya ang telepono at pinatakbo ang sasakyan.
........
Naupo sya sa kama ng kanyang ama. Pinagmasdan nya ang larawan ng kanyang ama. Sa larawan makikita itong abot tenga ang ngiti at karga karga ang batang Elle. Sa isang larawan ay kasama nila ang kanyang ina sa tabing dagat.
Minana nya sa kanyang ama ang taglay nyang kagandahan. Maamong mukha, matangkad at magandang pangangatawan. Ang tawag nga sa kanya ay si Ms. Perfect. Kasi kagaya ng kanyang ama, walang mapipintas sa mga ito sa anyong pisikal at ugali.
Naalala pa nya, madalas syang pasalubungan ng papa nya ng paborito nyang sorbetes nung bata pa ito. Mahilig din syang isama ng papa nyang magsungkit ng prutas sa puno ng mangga sa kanilang bukirin. Mas malapit sya sa kanya ama kaysa sa kanyang ina. Pero pareho nya itong pinahahalagahan at mahal kasi nag iisa lang syang anak.
Hindi nya namalayan , katabi na pala nya sa kama ang kanyang ina na hindi magkamayaw sa pagpunas ng luha. Niyapos sya nito.
Ramdam nya ang lungkot ng kanyang ina. Inakap nya din ito.
"Wag ka na malungkot mah. He is in a better place with God. Ayaw nya tayong nalulungkot."
Pinahid ng kanyang ina ang mga luha.
"Anak , wag mo nang iwan si mamma mo. Mag isa na lang ako dito. Samahan mo na lang akong magintindi sa farm natin. "
Napaisip si Elle sa tinuran ng kanyang ina. Naiintindihan nya ang kanyang ina sa dinadanas nitong lungkot. Dahil sa awa nito sa ina agad syang pumayag.
"Sige ma. Kausapin ko po boss ko. "
.................
" Are you sure about this Elle?" , nalulungkot na saad ng boss nya. Hawak hawak nito ang resignation letter. "You've been here for quite a long time. And you are one of our best employees. "
"Mabigat naman po sa kalooban ko. Pero I need to do this for mama. Kamamatay lang po ng papa ko and she needs someone to be there for her. Kaylangan ko din pong magmanage ng farm namin."
"Ok then. I hope you and your mom are ok. My condolences dear. Mamimiss ka namin dito sa office. I wish you all the success in your future."
Malungkot ang mukha ni Elle. Matagal na din syang nagtratrabaho sa banko na kanyang pinasukan. Isa syang Internal Audit Lead dito. Madami din syang kaibigan sa opis na talagang mamimiss nya.
Inakap sya ng kanyang boss. Pagkalabas na pagkalabas nito ay agad namang pumasok si Clair na matalik nyang kaibigan sa opisina.
"Elle, I'm gonna miss you...hmmm"
Inakap din sya nito.
"Mamimiss din kita mamshie. Bisita ka sa farm ah."
"Don't worry besh , me and Cara will visit you. Lalo na sa 25th birthday mo. "
YOU ARE READING
Your Universe
RomanceSabi nga ng kanta ni Rico Blanco "You can thank your stars all you want but I'll always be the lucky one". Yes , I am the lucky one. Cause I had you. But I have to say good bye. Because you have your universe. Rewind. Mula sa kalangitan at bumuluso...