Matagal na tinititigan ni Eric ang chip na kanilang nakuha sa lugar kung saan bumagsak ang kanyang sasakyan. Malakas ang kanyang kutob na ito ay isa sa mga magiging daan para bumalik ang kanyang ala-ala.
Ibinalik nya ito sa loob ng maliit na kahon. At ipinasok sa loob ng kanyang kabinet.
Kumatok sa pinto si Elle. Agad itong pinagbuksan ng lalaki. Pagbukas nya ng pinto ay bumugad si Elle na nakapantulog at may dalang mga tasa na may tsaa.
"Tea?"
................................
Naglatag ng malambot na sapin si Elle sa gitna ng malapad na bermuda grass. At agad silang naupo. Napakatahimik ng kapaligiran. Ang tanging ilaw na kanilang nasisilayan ay ang gintong lampara sa katabing poste at ang mga nagagandahang mga bituin.
Namangha sila sa ganda ng kalangitan. Punong puno ito ng mga bituin.
"What if ang chip talaga na nakita natin ang sagot kung bakit ako nandito?", saad ni Eric sabay higop ng tsaa. " Aw! Ang init", agad nyang inilayo ang tasa sa kanyang labi.
Napatawa naman si Elle. Napatitig sa kanya ang lalaki. Napatigil si Elle.
"Bakit? ", namumula ang kanyang mukha sa ginagawa nyang pagtitig.
"Wala. Parang lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka. Dapat ganyan lang. "
"Ewan ko sayo! "
Tumingin silang dalawa sa kalangitan.
Napabuntong hininga si Elle. " I need this."
"Ang alin?" , tanong ng binata.
"I need this rest talaga. I have been working really hard. Dito sa probinsya, lahat fresh. Payapa. Hindi kasing gulo sa Maynila."
"Mabuti naman at nakapahinga ka. At tsaka kung hindi ka nagpunta dito hindi kita makikilala. "
"Tama ka. Hindi ko makikilala ang isang lalaking kayang bumuhat ng isa trak ng kain ng mangga. Ang isang lalaking ubod ng kisig at lakas pero napatiklop ng tsaa."
Napatawa silang dalawa. Napatingin sya sa binata.
"You know what , I know someone who can check the chip."
"Talaga?"
..............................
Maagang lumuwas ng Maynila sina Elle at Eric. Sakay sila ng kotse ni Elle. Habang nagdradrive si Elle ay panay naman ang masid ni Eric sa binta at manghang mangha sa mga gusaling nakikita.
"Wow! Ang lalaki ng mga gusali dito at ang daming mga tao. "
Napatigil ang sasakyan nila sa haba ng traffic sa Edsa.
Nagulat si Eric ng may batang kumatok sa kanilang bintana.
"Pagbuksan mo sya Eric. "
Agad na inabot ni Elle ang isang plastic ng mga burgers.
"Bata, bigyan mo ang mga kasama mo. ", saad ni Elle.
Lalong humanga si Eric sa kabutihan ni Elle.
Pagkasara ng bintana. Agad na nagtanong si Eric.
"Bakit may mga ganyang bata? Katulad ko din ba silang nagahahnap ng mga tanong?"
"Ganyan talaga sa mundong tinitirahan ko. May mga taong nahihirapan dahil mas pinili ng ibang tao na saktan sila at iwan. Yang mga batang yan, kung responsable sana ang kanilang mga magulang , dapat may safe at happy life sila. And don't give them money, kasi minsan kinukuha ng sindikato or parents nila. Mas maganda kung bigyan mo sila ng food at laruan."
Napabuntong hininga si Eric. Bilang may nagflashback sa kanya.
.........
" Ang mundo ay punong puno ng kahirapan. Mga taong sakim. Mga taong iresponsable. Mga taong abusado. Sinisira nila ang nagiisa nilang tahanan. Kaylangan natin itong baguhin at tayo ang mamuno dito.", saad ng lalaking nakapulang talukbong.
Sa harapan nya ay ang lalaking nag aantabay sa kanyang utos.
..........
"Eric? Eric!!!! Ano nangyayari sayo?"
"Sumakit ulo ko.. at.. " Kanina pa pala nya hawak ang kanyang sentido at nagpupumiglas.
"At ano?"
"May naalala ako. Isang lalaking nakahoody na pula. Malaki at mababa ang kanyang boses. Hindi ko naaninag ang kanyang mukha. "
" Anong inuutos nya? "
" Kaylangan , baguhin ang mundo at sila ang mamumuno."
"What?! So they will conquer the earth? Kaylangan talaga itong malaman ni Professor. Medyo malapit na tayo.", nagaalalang saad ni Elle.
...................
Mula sa nagtatasang gusali ay pumasok sila sa isang eskinita. Tumingala si Eric at nakita sa poste ang numero ng lugar, 1987 Road.
Nilingon ni Elle ang buong paligig at siniguradong wala sa kanilang nakakakita.
Sa gitna ng mahaba at makipot na eskinita ay inilapat ni Elle ang kanyang mga palad sa sahig at lumiwanag ang bakat ng kanyang mga kamay.
Sumara ang lagusan ng eskinita at bumukas ang parisukat na lagusan ng sahig. Bumaba sila sa hagdan nito.
Agad na sumara ang pinto at bumukas ulit ang lagusan ng eskinita.
Pagkababa nila ng hagdan ay napansin nila ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair. Naliliwanagan ng kanyang lampshade ang aklat na matiim nitong binabasa. Agad nitong binaba ang kanyang aklat at dahan dahang humarap sa mga panauhin
" Elle!" , nagulat ito sa kanyang nakita.
YOU ARE READING
Your Universe
RomanceSabi nga ng kanta ni Rico Blanco "You can thank your stars all you want but I'll always be the lucky one". Yes , I am the lucky one. Cause I had you. But I have to say good bye. Because you have your universe. Rewind. Mula sa kalangitan at bumuluso...