Chapter 2 : XX2

28 1 0
                                    

Napatigil saglit si Elle sa pagtakbo dahil sa narinig na pagsabog. Nilingon nya ito at nakita nyang hirap sa paglalakad ang lalaking lulan ng sasakyang pangkalawakan. Dahil sa awa ay muli nya itong binalikan. Umakbay sa kanya ang lalaki at tinulungang maglakad. Napagod si Elle at saglit silang naupo sa ilalim ng acacia. 

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito? ", saad ni Elle na habol pa rin ang hininga. 

"Ako? Hindi ko alam. Nagising na lang ako at ikaw ang una kong nakita."

"Wala ka bang naalala?"

"Wala.. wala.."

"Ano ba yun spaceship?"

"Hindi ko alam... "

Napansin ni Elle ang kumikininang na mga letra sa baraso ng lalaki.

"Eks..eks.. two.. Ano ang ibig sabihin nyan?"

"Hindi ko alam. Wala talaga ako matandaan."

Napatayo sil Elle ng mapansin na wala na ang sasakyang sumabog ilang minuto lang ang nakararaan. 

"Halika. " Umakbay sa kanya ang lalaki. " Sumama ka sakin sa bahay ng makapagpagaling ka. May mga sugat ka sa katawan."

..................

Bumukas ang malaking tarangkahan ng kanilang malaking ancestral house. Sa may pinto ay nanduon ang kanyang ina na alalang - alala sa kanya.

"Anaaak.. " Napalingon si Elisa sa kasama ng kanyang anak.

"Alalang alala ako sayo. Sino yang kasama mo. Mukhang malubha sya!"

"Hindi ko po kilala mah. Nakita ko po sya sakay ng space... Nakita ko po syang nakahandusay sa ilalim ng punong acacia kaya tinulungan ko po sya."

"Halika. Ipasok mo sya sa loob ng magamot natin."

....................

Isang nurse ang kanyang ina kaya alam ng ina kung paano gamutin ang mga sugat ng lalaki. Marahang nilapatan nya ng mga gamot ang mga sugat nito. Sa gilid naman ng kama ay andun si Elle na hindi pa din makapaniwala sa mga nangyari.

"Hindi naman malala ang mga natamo nyang sugat. Pero mas makakabuti pa din na dalhin natin sya sa ospital. Kaylangan din nating tumawag ng pulis. Para ireport ang nangyari."

"Wag na po muna mah. Wala din kasi sya maalala. Wala ding impormasyong makukuha sa kanya ang mga pulis. Hayaan muna natin syang makapagpahinga. At malay natin makaalala sya kahit sa yung lugar manlang na pinanggalingan nya."

"Naku baka napatama ang ulo nya kaya wala sya maalala. Mas makakabuti na dalhin natin sya sa ospital bukas ng umaga. Sa ngayon hayaan na muna natin sya makapag pahinga."

"Sige po mah. ", Tumitig sya sa lalaki at napansing may pangamba sa mga mukha nito.

"Iho. Magpahinga ka muna. Kaylangan mo muna matulog at bukas ay dadalhin ka namin sa ospital."  , mahinahong saad ng kanyang ina.

"Sige. Salamat po sa inyong pagtulong." 

"Wala yun. Basta magpagaling ka. Tsaka natin hanapin kung saan ka ba talaga nanggaling." , saad ni Elle.

.............

Naabutan ni Elisa ang kanyang anak na nakaupo sa may malaking capiz na bintana hawak ang paborito nitong mug at nagtsatsaa. 

"Anak. Dis oras na ng gabi hindi ka pa din natutulog?"

"Wala mah, nagpapahinga lang po ."

Naupo ang kanyang ina sa silyang nara. Lumapit naman si Elle.

"May sasabihin ka ba anak?"

"Opo mah. Yung lalaki... Hindi ko alam kung maniniwala po kayo pero nakita ko po sya sakay ng spaceship."

"Ano? Spaceship? !"

"Opo mah. Nakaupo ako sa ilalim ng acacia ng bumagsak sya malapit sa puno. "

"Totoo ba yan anak? "

Hindi pa din makapaniawala si Elisa sa tinuran ng anak. 

"Kaya nga po hanggang ngayon hindi pa din ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Para syang isang panaginip. "

"Sa totoo lang anak. Nung bago pa kaming kasal ng Papa mo may nakikita din kami malilikot na bituin. Tumatakbo itong pakanan at pakaliwa. Kaya hindi malayong totoo ang nakita mo."

"At hindi po malayong nangaling sa ibang planeta si eks eks two?", mabilis na saad ni Elle.

"Eks - eks -two?"

"Tama po mah. Ayan yung letrang asa kanang braso nya. Kumikinang po ito nung makita ko sya sa loob ng spaceship."

"Wala dapat makaka alam nito anak. Kasi baka isipin ng ibang tao ay nababaliw tayo. Hayaan na muna nating makapagpagaling sya at tsaka na natin isipin ang susunod nating gagawin. Samahan mo sya bukas sa bukirin para makarelax kayo pareho. Matapos ang nangyari sa inyo ay kaylangan nyo talagang makapagpahinga. "

"Sige po mah.", agad na inakap ni Elle ang kanyang ina.

"Mabuti at walang nangyari sayo anak. "

"Oo nga po mah. Andyan naman si Papa at pinagprepray nya tayo sa langit."

" Oo naman . Hindi nya hahayaan na may mangyaring masama sa atin... ", huminga ng malilim si Elisa . "Oh sya sige. Halika na at matulog na tayo. "


Your UniverseWhere stories live. Discover now