NOTE:
This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Events, Places and incidents are either the product's of the Author's imaginations or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
•••••
10 YEARS AGO
"HAPPY BIRTHDAY hija. Here, take a look at this. I know this is your favorite." Anang Don Mondragon sa unica hija niya habang iniaabot dito ang isang pulang kahon na nag lalaman ng kaniyang regalo. Sa halip na kumilos ang dalagita at lumapit sa kaniyang ama, nanatili lamang ito na nakaupo sa kaniyang puwesto na tila walang naririnig sa kaniyang paligid at kaylalim ng iniisip. "Maisha...can you hear me Princess? Come to papa." muling saad ng matandang Mondragon. Sa pagkakataong iyon ay nag baling sa kaniya ng tingin ang kaniyang anak. Ngunit naroon pa rin ang lungkot sa hitsura nito.
"I don't want your gifts, Papa. Gusto ko si mama. Please!" Anang dalagita at biglang pumiyok ang boses nito sa dulo. Mabilis na namalisbis ang mga luha sa mata nito. "Papa, alam n'yo naman po na kayo ni mama lang ang kailangan ko. Bakit n'yo po siya hinayaan na umalis dito sa mansion? Hindi n'yo na po ba siya mahal? Ayaw n'yo na po ba sa kaniya?" Sunod-sunod na tanong nito sa kaniyang ama.
Mabilis na nag pakawala ng malalim na buntunghininga ang matanda pagkuwa'y suminyas sa kaniyang mga kasambahay na lumabas ang mga ito sa kusina. Naiwan silang mag-ama roon sa harap ng mahabang hapag na puno ng iba't ibang masasarap na pagkain.
"Hija, you know how much I love you and your mom. Kahit anong pigil ko sa mama mo na huwag umalis at iwan tayo...she made her choice. Wala akong magagawa roon kung ayaw niya ng tumira dito sa mansion kasama tayo." Muling pagpapaliwanag ng matanda sa dalagita niyang anak. "This is your big day, Princess. You should be happy. Huwag mo nalang muna isipin ang mama mo."
"No. I can't be happy hanggat hindi bumabalik si mama rito." Mariing saad nito sa ama. Agad itong tumayo sa kaniyang puwesto at walang paalam na tumakbo para pumanhik sa kaniyang silid at doon ay patuloy na pinakawalan ang mga luhang kanina pa pilit umaalpas sa kaniyang mga mata.
Napapailing na lamang ang matandang Mondragon habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain sa harapan niya. It was her daughter's favorites. Pinaluto niya lahat ng mga pagkaing gusto nito para lamang maging masaya ito sa kaniyang kaarawan. Ngunit kagaya sa mga nagdaang araw, ang ina pa rin nito ang hinahanap-hanap. He can't blame Maisha. Bata pa ito para maintindihan ang sitwasyon nilang mag-asawa. He loves his wife very much, pero ano naman ang kaniyang magagawa kung ito mismo ang paulit-ulit na humihingi sa kalayaan nito?
"Don Julio-"
Ang baritinong boses ng isang binata ang muling pumukaw sa malalim na pag-iisip ng matanda. Mabilis itong nag pakawala ng malalim na buntunghininga bago tinapunan ng pansin ang bagong dating na binata.
"Gatdula, hijo! Come here. Saluhan mo akong kumain." Anito.
Agad namang tumalima ang binata at umupo sa iniwang puwesto ng dalagita kanina.
"Nasaan po si Maisha?" Tanong nito.
"You're right. Ayaw nga niya sa mga pagkaing ito. Mabuti na lamang at hindi ko itinuloy ang plano ko para sa malaking selebrasyon ng kaniyang kaarawan." bagkos ay saad ng matanda at nagsimula na ring kumain. "Hayaan na lang muna natin siya. I know, lilipas din 'yang nararamdaman ng batang 'yan. Let's eat." Aniya.
BINABASA MO ANG
WE GOT MARRIED
Romance"Grow up faster sweetheart, so you can kiss me anytime you want." Dahil sa matinding galit at pag seselos niya sa lalakeng ampon ng kaniyang ama. She left her home town. She even left her father sa pag-aakalang ang buong atensyon nito ay nailipat n...