MALIWANAG ang buong paligid ng Mansion ni Don Julio dahil sa mga taong nagkakasiyahan doon. Naroon lahat nang mga tauhan nila sa Planta at sa Hacienda. Pinasadya talaga iyon ng matandang Mondragon para sa pagsalubong sa pagbabalik bayan ng binatang si Gatdula. Puno ng iba-iba at masasarap na pagkain ang mga nakahelerang lamesa roon. Gano'n din ang mga inumin na binili pa ng Don Julio galing ng Maynila.
"Mag-saya kayo at huwag kayong mahihiya. Para sa inyo ang lahat ng ito." sasayang pag-aanunsiyo ng Don sa kaniyang mga tauhan.
"Maraming salamat po Don Julio. Maging sa 'yo señorito Gatdula. Muli ay ikinalulugod po namin na makita kang muli at makasama rito sa Sts. Isabela." anang isang lalake na may edad na.
Isang tango na may kasamang ngiti naman ang ibinigay na tugon ni Gatdula rito bago nagpaalam sa kanilang mga bisita at sumunod sa matandang Mondragon.
"Bakit hindi na lang kayo mag pahinga sa kuwarto ninyo? Ako na lang ang bahala sa mga tauhan natin sa labas." anang binata nang makapasok na sila sa malawak na library. Umupo sa isang swivel chair na nasa tapat ng lamesa ang matanda, habang nananatili pa ring nakatayo sa harapan nito ang binata.
"Yeah! Mag papahinga na rin ako mayamaya lang. I just want to talk to you, hijo." anito pagkuwa'y may kinuha itong brown envelop mula sa drawer ng lamesa. "Here." aniya.
Kunot noo namang naglakad ang binata palapit sa lamesa ni Don Julio. "What is this?"
"A Private Island." saad nito na siyang mas lalong nag pakunot ng noo ni Gatdula. Kinuha ng binata ang papel na nasa loob ng envelop at binasa iyon. Oo nga. Isa iyong titulo ng pribadong isla sa Hawaii. Kalakip din doon kung magkano nagkakahalaga ang isla na 'yon maging ang dalawang Yate na halatang nagkakahalaga rin ng milyon. "I know, you've been dreaming that kind of island, noon pa man."
"How did you know?" nagtataka pa ring tanong nito sa matanda.
Natawa naman ng pagak ang huli pagkuwa'y muli itong may inilapag sa ibabaw ng lamesa. Isa itong susi. Hindi niya alam kung para saan ang susi na iyon.
"You know me, hijo. Walang bagay dito sa Sta. Isabela na hindi ko nalalaman. Lalo na at nasa poder kita. Noon pa man ay 'yan na ang pangarap mong buhay, hindi ba? Ang tumira sa isang tahimik na isla. Magkaroon ng sarili mong Yate. Mag alaga ng kabayo na siyang mag lilibot sa 'yo sa buong isla na pag-aari mo. Correct me if I'm wrong, my son." saad pa nito.
Tama. Bata pa man siya ay 'yon na ang kaniyang ideya sa buhay na gusto niya. Ang mamuhay malayo sa napakaingay na syudad. Sawa na siguro siya sa maingay at maraming tao ang nakikita sa paligid niya. Noon pa niya balak na bumili ng Isla para sa sarili niya. Ngunit hindi naman gano'n kadaling humanap ng malaking pera para ipang-bili niya niyon. Siguro kailangan niya pang mag-ipon para mabili ang isla na nakita niya noon sa Spain.
"Then, why are you giving this to me?" muli ay tanong niya sa matanda.
"Para hindi mo tangihan ang hihingiin ko sa 'yong pabor." anang Don Julio sa binata.
Mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gatdula pagkuwa'y pinakatitigan ng mataman ang matanda. "What is it?"
"I want you to marry my daughter, Gatdula." walang pag-aalinlangan na saad nito.
Halos matupi pa ang mga tuhod ni Gatdula dala sa pagkabigla sa mga itinuran nito sa kaniya. Jesus! Nag bibiro ba ang matandang ito sa kaniya? Who would ever thought na pauuwiin siya nito galing Spain para lamang hilingin sa kaniya na pakasalan niya ang nag-iisang anak nito? This is crazy. Why on earth na siya pa ang napili ni Don Julio? Alam naman nito na simula pa lamang ayaw na ni Maisha sa kaniya.
"You're kidding right?" tanong ni Gatdula sa seryosong matanda.
"Do I look like I'm kidding, hijo?" sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. Muling napabuga ng malalim na buntong-hininga ang binata pagkuwa'y ginulo nito ang sariling buhok at umupo sa silyang nasa gilid ng lamesa ng Don. "Matanda na ako, Gatdula. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lamang ang itatagal ko sa mundong ito. Ayoko naman na iwanan ang anak ko na mag-isa."
BINABASA MO ANG
WE GOT MARRIED
Romance"Grow up faster sweetheart, so you can kiss me anytime you want." Dahil sa matinding galit at pag seselos niya sa lalakeng ampon ng kaniyang ama. She left her home town. She even left her father sa pag-aakalang ang buong atensyon nito ay nailipat n...