"MALIGAYANG pagbabalik sa Sta. Isabela, señorito Gatdula. Masaya po kaming makita kang muli."
Bati kay Gatdula nang mga tauhan nila sa Hacienda pagkababa niya pa lamang sa kaniyang sasakyan. Agad na sumilay ang matamis niya ngiti pagdaka'y inilibot ang paningin sa buong paligid. Napapikit ito ng mariin pagkuwa'y nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa malawak na Hacienda na pag-aari ng mga Mondragon.
It's been a long time. Matagal na panahon din siyang nawala sa lugar na iyon. Pero gano'n pa man, nananatili pa rin ang magandang hitsura ng Hacienda. Lalo na ang Mansion ng mga Mondragon na tila walang mahabang panahon ang lumipas at nananatili pa rin iyong maganda at kaakit-akit sa mga mata.
"I'm happy to see you again." anang binata na tiningnan pa isa-isa ang mga tauhan nila na noon pa man ay naroon na sa Hacienda. "Masaya akong malaman na nandito pa rin kayo sa Mansion at sa Hacienda nagtatrabaho." dagdag pa niya.
"Karangalan po namin na pagsilbihan kayo, maging ang Don Julio, señorito." anang Ka Esme. Ang pinakamatagal ng tauhan ng kaniyang Papa sa Hacieda nila.
"Maraming salamat Ka Esme. Pasabihan na lamang po ang ibang trabahante sa Planta at maging sa Hacienda na may salo-salo po tayo mamayang gabi." anang binata bago nagpaalam sa mga ito at nag tuloy na sa loob ng mansion.
Nasa bulwagan pa lamang siya ay natanaw niya kaagad sa may puno ng hagdan ang Don Julio. Pababa na ito ng hagdan habang may nakaalalay na dalawang nurse sa likuran nito. Hinintay niya ito hanggang sa makababa na ito ng tuluyan ng hagdan.
"Hijo. I'm glad to see you again." hindi maikakaila ang galak sa hitsura nito.
"How are you? Dapat hindi ka na muna bumangon sa higaan mo. Baka makasama pa 'yon sa 'yo." sa halip ay saad niya sa matanda. Hindi niya man aminin dito... pero namiss niya talaga ang matandang Mondragon. Kahit pa sabihing, sa loob ng walong taon na pamamalagi niya sa Spain ay wala itong palya sa pagpapadala sa kaniya ng sulat noon. Iba pa rin talaga ang nasa harap niya ito at personal na nakakausap. Kung hindi nga lang dahil sa kahilingan nito na umuwi siya ng Pilipinas, wala pa siyang balak na mag balik sa lupang kinalakhan niya dahil naroon ang kaniyang trabaho sa Spain.
"Give me a hug, my son. I know how much you missed me." anang Don Julio sa kaniya.
Kahit kailan talaga ang matandang ito. Basang-basa pa rin nito ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Napapangiti na lamang na lumapit ang binata at mahigpit na niyakap ang kinikilala niyang ama mag mula noon pa man.
"Salamat at pinaunlakan mo ang kahilingan ko sa 'yo, anak."
"You know I can't resist when it comes to you Don Julio." natatawa pang saad niya rito. "So, don't beat around the bush. I know this is not your reason kung bakit mo ako pinauwi ng Pilipinas."
"Come on, Gatdula. You haven't changed. Atat ka pa rin lagi kapag alam mong may kailangan ako sa 'yo." turan nito. "Well, yeah that's true. But I don't think this is the right time to talk about that matters. Bakit hindi ka muna mag pahinga. At mamayang gabi natin pag-usapan ang tungkol sa hiling ko sa 'yo." anito na tinapik pa ang kaniyang balikat pagkuwa'y inakbayan siya at iginiya paupo sa mahabang sofa na nasa sala ng mansion.
"I missed you." sa halip ay saad niya rito.
"I know, I know." natatawa pang sagot ng matanda sa kaniya pero mayamaya ay agad din itong natigilan.
"What about Maisha?" hindi mapigilang tanong ni Gatdula sa matanda. Mula kasi noong umalis siya ng bansa, ang huling balita niya tungkol sa anak ni Don Julio ay umalis daw ito sa mansion at walang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Maging ang dating asawa nito ay wala ring alam kung nasaan na ang kaniyang anak. Bukod doon ay sadyang iniwasan niya talaga ang makarinig ng kahit anong balita tungkol sa babae. Aaminin niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya tuwing naaalala niya ang huling pag-uusap nila nang anak nito.
BINABASA MO ANG
WE GOT MARRIED
Romance"Grow up faster sweetheart, so you can kiss me anytime you want." Dahil sa matinding galit at pag seselos niya sa lalakeng ampon ng kaniyang ama. She left her home town. She even left her father sa pag-aakalang ang buong atensyon nito ay nailipat n...