"SEÑORITA, may kailangan po ba kayo?" tanong nang isang kasambahay sa dalagitang si Maisha nang pumasok ito sa kusina.
"Si, Papa?"
"Naroon po sa kaniyang opisina." tugon ng babae. "Kakain po ba kayo?" tanong nitong muli. Sa halip na sagutin ang tanong nang huli ay hindi niya na ito pinansin at nagmamadaling muling lumabas sa kusina at nagtungo sa opisina ng kaniyang ama. Akma niya na sanang pipihitin ang seradura ng pinto nang makita niya iyong nakaawang. Mayamaya ay narinig niya ang tinig ng ama mula sa loob na may kausap sa telepono.
"Of course, hijo. Hindi mo na kailangan na bumalik dito sa linggo. Ipapadala ko na lang ang pera bukas na bukas din. Yeah. Gano'n ba? Ikaw ang bahala. Okay." anang kaniyang ama. Mabilis na muling nagsalubong ang mga kilay ng dalagita nang mapag-alaman nito na ang binata na naman ang kausap ng kaniyang ama.
"Pa—" bungad niya rito.
"Princess! Why? You need anything?" tanong ng Don Julio sa anak.
Mabilis namang naglakad si Maisha palapit sa kinaroroonan ng kaniyang ama pagkuwa'y umupo sa silyang nasa tapat ng lamesa nito. "Um... malapit na po ang Family Day namin sa school." aniya na nakangiti pa.
"Oh! Yeah? Kailan ulit 'yon anak?"
"Sa Friday po." tipid na sagot nito.
"Friday!" anito pagkuwa'y mabilis na kinuha ang maliit na kalendaryo na nasa gilid ng lamesa nito. "Oh!"
"B-bakit po, pa? May gagawin po ba kayo sa araw na 'yon?"
"Well..." anito na parang nagdadalawang isip pa. "Of course not, hija. I'll be there." turan nito.
Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Maisha at tila excited na para sa araw na 'yon. "Salamat, Pa. I know hindi makakapunta si mama. But I'm happy na makakasama ko po kayo do'n." anang dalagita sa kaniyang ama pagkuwa'y lumipat dito para yakapin ito at hagkan sa pisngi. "I love you, Pa." aniya at nagkukumahog na nilisan ang kuwartong iyon. Napapabuntong-hininga na lamang ang matanda habang nakatingin ito sa kakapinid lamang na pinto.
Ngayon niya lubos napagtanto kung gaano kahirap mamuhay kasama ang anak habang wala ang kaniyang asawa. Mahirap pala hatiin ang kaniyang oras at atensyon para sa kaniyang trabaho at sa kaniyang nag iisang anak. Isama pa na nakatuon ang kaniyang panahon kay Gatdula kung minsan. Kaya siguro gano'n na lamang ang galit ni Maisha sa binata at ang pagtatampo nito sa ama, dahil pakiramdam nito wala ng oras at panahon ang matandang Mondragon para sa kaniya. Maging ang laging pagpipili ni Don Julio kay Gatdula imbes sa dalagita.
HALOS isang oras ng naghihintay si Maisha sa kaniyang ama. Patingin-tingin pa ito sa labas ng gate nang kanilang eskwelahan, nagbabakasakaling naroon na ito at pababa ng kaniyang sasakyan. Ngunit kagaya kanina ay bigo pa rin siya. Napapabuntong-hininga na lamang ito kasabay ng pagkalaglag ng mga balikat.
"Maisha... ano, wala pa ba ang Papa mo?" tanong ni Maya isa sa mga kaibigan ng dalagita.
"Magsisimula na ang games, Maisha. Habol ka kaagad kapag nandiyan na ang Papa mo huh! Babalik kami roon kasi tinatawag na kami ni mama." turan pa nang isang kaibigan niya.
Napapatungo na lamang si Maisha pagkuwa'y mabilis na kinagat ang pang ilalim niyang labi upang pigilan ang mga luhang nag babadya sa sulok ng kaniyang mga mata. Halos lumipas na naman ang isang oras... nakatayo pa rin ang dalagita sa gilid nang gate habang naririnig niya ang malakas na hiyawan at tawanan na nanggagaling sa plaza ng eskuwelahan nila. Ang boses ng mga ka-schoolmate at kaklase niyang tuwang-tuwa at aliw na aliw sa mga games na inihanda para sa Family Day nila. Inggit na inggit si Maisha sa mga ito. Kung sana naroon ang kaniyang mama at tumupad ang kaniyang ama sa sinabi nitong pupunta ito roon... she might be happy as well. 'Yon ang iniisip ng dalagita habang unti-unti nang tumutulo ang mga luha nito sa mata.
BINABASA MO ANG
WE GOT MARRIED
Romance"Grow up faster sweetheart, so you can kiss me anytime you want." Dahil sa matinding galit at pag seselos niya sa lalakeng ampon ng kaniyang ama. She left her home town. She even left her father sa pag-aakalang ang buong atensyon nito ay nailipat n...