Araw ng Sabado, napagplanuhan nilang tropa na mag arcade.
Tutal naman tuwing Sabado nag shohopping si Sam, naisipan nilang makipag meet nalang sila doon kay Sam pagdating sa MOA.
Dialling..... Sam - 0910*******
"Oh! Bakit singkit? Anu problema mo?" Bungad agad sa kabilang linya.
"Wala naman! Masama bang tumawag?" Sagot naman ni Ethan.
"Hindi naman, kaso alam niyo namang busy ako tuwing Sabado sa pamimili ng mga damit at sapatos diba?" Pataray niyang sagot.
"Ang taray mo panget ah! Oh siya kitakits nalang in 10 minutes." Pasigaw naman ni Lance sa kabilang linya dahil naka-loud speaker ito.
"Magkakasama pala kayo! Oh sige bye na!" Sabi naman niya bago ito ibaba.
-
Pagkarating sa MOA nag ikot-ikot muna sila. Nagbabaka sakaling makita nila si Sam, dahil hindi ito nagrereply sa kanilang text. Nang di nila makita si Sam napagpasyahan nalang nilang dumiretso nalang sa Timezone. Tinext nalamang nila si Sam na siya nalang ang pumunta ng Timezone.
Naglalaro sila ng basketball nang dumating si Samantha.
"Akala ko ba susunduin niyo ko huh!" Sigaw niya ng makalapit siya sa apat.
"Nagreply ka ba nung nag text kami sayo kung nasaan ka?" Matamlay na sagot ni Tash
Tinignan naman ni Sam ang kanyang cellphone, "hindi pala na send yung reply ko, pasensya." Sabay tawang mahinhin.
"Tss." Sabay kabit ng earphone ni Tash sa tenga kahit walang tugtog.
"Alam mo Tash wala naman talagang tugtog yan eh! Kabisado na kita." Wika ni Ethan.
"Oo nalang! Porket nakasama lang kitang lumaki eh." Sabay ngiti niya kay Ethan.
"Haha! Buti namang ngumiti kana. Bihira ka lang naman ngumiti kahit sabay tayong lumaki." Natuwang sagot ni Ethan.
"Hoy! Tama na yang kwentuhan. Tara na sakto nag-aya si Sam mag Just Dance." Singit ni Darren sa kanilang usapan.
"Mag aaya kayo tapos ako nanaman mag babayad ng tokens." Wika ni Tash.
"Huwag ka mag alala 'tol, sagot nung magpinsan yung tokens ngayon." Nabuhayan naman si Tash sa sinabing iyon ni Darren.
"Oh! Anu pang tinatayo - tayo niyo jan? Tara na." Pagbungad ni Sam sakanila.
Unang sumayaw ang mag pinsang sila Sam at Lance. Tawa lang ng tawa sila Ethan dahil hindi masundan ni Sam ang steps sa screen. Kaya halatang halata ang mali niya, sumabay ba naman kasi sa pinsan niyang magaling sumayaw.
Pati na rin si Tash hindi napigilan ngumiti kaya ng lumingon si Sam sakanila, bigla nalang siyang nahiya dahil pati si Tash nakita niyang napapangisi sa ginagawa niya. Kaya iniwan na niya si Lance at agad namang pumalit si Ethan at Darren sa pwesto ni Sam.
"Ang galing mong sumayaw, daig mo pa yung nasa screen." Pang-asar na sabi ni Tash.
"Nakakahiya naman sayo! Atleast ako magaling sumayaw." Sabay dila kay Tash.
"Oo sa sobrang galing mong sumayaw, nakakagawa ka na ng sarili mong steps. Ang dami kong tawa sayo!" sarkistong sabi ni Tash.
"Halata nga eh! Ang saya mo masyado! Sige nga, sumayaw ka." Paghahamon niya.
"Baka ma-inlove ka sa akin pag makita mo kong sumayaw." Sabay kindat at ngiti niya kay Sam.
Namula naman si Sam sa sinabing iyon ni Tash, dahil bihira lang siyang kausapin ni Tash at dahil doon sa reaksyon niya mas lumaki ang ngiti sa labi ni Tash nahalata namang nagpipigil ng tawa.
BINABASA MO ANG
Pag-asang Magbago (NOW ON GOING STORY)
Teen FictionIsang Bata Ang Lumaki Ng May Galit Sa Kanyang Paligid. Mapunan pa kaya ng pagmamahal ang galit sa kanyang puso o tuluyan na itong maging bato. Maranasan pa kaya niya maging masaya sa kabila ng kanyang sitwasyon.