Nang makarating sila Tash sa airport, hindi agad siya pinauwi. Ipapakilala pa kasi siya sa ka business partner nila. Napag alaman niyang sila ang pinakatiwalang kaibigan ng kanyang lolo at lola pero ipinag tataka niya kung paano ito nangyare dahil hindi naman nila ito kaedad base sa mga naririnig niya pag dumadalaw siya sa kanilang opisina. Pero ni minsan hindi pa niya sila na meet kaya pumayag na rin siyang hindi muna umuwi para naman makilala na rin niya sila.
Maya-maya pa lamang dumating na rin ang mga makakasama ng lola at lolo . Hindi alam ni Tash na magulang pala ni Sam ang makakabusiness partners nila.
"Hi Tita Val and Tito Ace." Bungad ng mag asawang Madison.
"Oh hello, kamusta?" Tuwang bati ng lola ni Tash.
"Mabuti naman po, pasensya na po kung late kami. Naghahanap po kasi kami ng pwedeng kasama ni Sam sa bahay habang wala kami." Wika ni Mr. Madison.
"Ganun ba? Siya yung nag iisang anak niyo diba?" Tanong ng lolo ni Tash.
"Yes tita, kaya nga po medyo nag aalala kami kasi mahirap maghanap ng katiwala. Yung yaya pa naman niya umuwi ng probinsya dahil nagkaskit ang anak nito." Pag aalala ng mama ni Sam.
"Sabagay, buti nga yung apo naming si Tash eh. Wala kaming ganong problema dahil masunurin." Sabay turo sa naka headset na si Tash.
Dumating na si Sam sa airport at agad na nilapitan ang kanyang magulang nang makita niya sila.
"Mom, Dad!" Tawag niya sa kanyang magulang. Agad naman niya itong niyakap.
"Buti nakahabol kapa. Nga pala heto sila Tita Val and Tito Ace." Wika ng kanyang ina.
"Ay Hello po ahmmm..?" Nahihiyang bati ni Sam.
"Hello iha, lolo at lola nalang itawag mo sa amin. Ang ganda ganda mo naman." Bati ng lola ni Tash.
"Salamat po." Pasasalamat ni Sam.
"Mom, kelan po ba ang balik niyo galing U.S?" Tanong ni Sam sa kanyang ina.
"Hindi ko pa alam anak. Gusto mo kala Lance ka muna makituloy habang wala pa kami. Tatawagan ko nalang ang tita mo." Sagot naman nito.
"Nako 'my malaki na po ako kaya ko na sarili ko." Ngiting sabi ni Sam.
"Hayaan mo na Hail papabantayan ko nalang muna siya kay Tash habang wala tayo sa bansa." Pag aalok ni lola Val
"Tash??" Nagtatakang tanong ni Sam.
"Oo iha, nga pala Tash!" Sabay tawag sa kanyang apo.
Nagulat naman sila Tash at Sam ng magkatinginan silang dalawa.
"Sam?" Wika ni Tash.
"Mag kakilala kayo Sam?" Tanong ni Nick sa kanyang anak.
"Opo, Friend namin siya ni Lance. Kami po ang laging magkakasama sa school." Sagot ni Sam.
"Mabuti naman kung ganon. Lagi na kitang kakamustahin kay Tash." Pang aasar ng kanyang ina.
"By the way Tash I'm Hail, you can call me Mom if you want to and here beside me is my husband Nick, Samantha's dad. Pwedeng Dad na rin ang tawag mo sakanya haha" pagpapakilala ni Hail kay Tash
"Mom!" may pagkairita at the same time may halong hiya sa boses ni Sam.
"I'm just teasing you nakong, anyway Tash call me Tita"
"Tash, apo, pwede mo bang bantayan si Sam habang wala kami ng parents niya. Wala kasing mag babantay sa kanya." Tanong ni Lola Val kay Tash.
Napatingin naman si Tash kay Sam bago sumagot
"Sige po, bibisitahin ko nalang po siya sainyo Tita." Sagot ni Tash.
"Salamat iho. Mas kampante na ako ngayon. Kung gusto mo pwede ka rin matulog doon sa bahay para naman hindi kayo malungkot dalawa habang wala kami." Pag aalok ni Hail.
"Mom can you please stop? arghh." Namumula na si Sam sa hiya dahil alam niyang inaasar siya ng Mommy niya kay Tash.
"Sige po tita pag hindi na po ako masyadong busy doon na po muna ako matutulog." Nakangiting sagot ni Tash.
Nagulat naman si Sam sa pagsang ayon ni Tash, di niya maimagine na makakasama niya ito sa iisang bubong.
"Oh pano ba yan kailangan na naming umalis." Singit ni Lolo Ace sa pag uusap nila.
"Sige po ingat po kayo." Paalam nila Tash at Sam sakanila sabay beso.
Hinintay nilang maka alis ang eroplano.
Maya-maya ay umalis na rin sila Tash at Sam. Masungit parin si Tash kay Sam. Kaya minsan nag tataka si Sam kung bakit paiba iba ang mood ni Tash.
Pero naisip nanaman niya ang pag payag ni Tash sa alok ng Mommy niya. Natuwa naman si Sam ng pinagbilin siya ng magulang niya kay Tash. Gusto niya rin naman kasing mas makilala si Tash kaya feeling niya mas mapapadali ito ngayon.
Gusto rin niyang malaman ang totoong nangyari kay Tash kung bakit lumaki siyang tahimik at may galit sa paligid.
Gusto niyang tulungan mag bago si Tash lalo na ang pananaw nito sa paligid.
"Where did you park your car?" Napatalon si Sam sa biglang pagsasalita ni Tash.
"Ahm actually nag taxi lang ako kakamadali ko kanina. Tsaka nag pahatid lang naman ako sa driver kanina sa Mall."
"Okay? Tara na hatid na kita sainyo." Alok ni Tash.
"No need I can handle myself. I'll just take a cab."
"Hinabilin ka sakin ng Mom mo kaya sumunod ka nalang" sabay lakad na ni Tash papuntang parking lot.
Wala naman ng ibang nagawa si Sam kundi sumunod sakanya.
-
TO BE CONTINUE
BINABASA MO ANG
Pag-asang Magbago (NOW ON GOING STORY)
Novela JuvenilIsang Bata Ang Lumaki Ng May Galit Sa Kanyang Paligid. Mapunan pa kaya ng pagmamahal ang galit sa kanyang puso o tuluyan na itong maging bato. Maranasan pa kaya niya maging masaya sa kabila ng kanyang sitwasyon.