Sa pagtungtong ni Tash sa mataas na paaralan, natuto na siyang makihalobilo sa kanyang mga kaklase.
Sila ang tinuturing niyang pamilya dahil naiintindihan nila ang sitwasyon niya kahit hindi niya sabihin ang totoong nangyari sa kanyang buhay.
Halos ang mga naging kaibigan niya ay mahilig sa computer games. Nang tinuruan siyang mag dota ng kanyang mga bagong kaibigan, natuto na rin siyang lumiban sa klase para lamang makapaglaro.
"Lance, tara dota tayo wala naman si Ma'am Trish." Bulong niya sa kanyang katabi.
"Sakto! Plano rin talaga namin. Akala kasi namin hindi ka pwede sumama samin kasi baka pagalitan ka ng lola mo, kaya hindi ka namin tinanong kanina." Sagot naman niya kay Tash.
"Hindi yan wala naman silang pakielam sakin eh." Wika niya.
"Insan! Ikaw na bahalang mag dahilan kay ma'am kung sakaling dumating."Sabay kindat kay Sam.
"Urghh! Oo na, may magagawa pa ba ako?!" Iritang sigaw ni Sam sa kanila.
Maya-maya lamang lumabas na ng klase sila Tash, Lance, Ethan, at Darren.
Ganyan na ang naging takbo ng buhay niya araw-araw. Mayaman naman kasi siya kaya ayos lang yun sa kanya.
Lima sila sa barkada. Hindi naman sila totally isang grupo na sumasali sa kung ano ano pero sobrang sikat nila sa campus.
Sa sobrang pagiging misteryoso ni Tash, siya ang naging lider ng kanilang grupo. Mabait naman siya ngunit hindi lang talaga siya mahilig magsalita. Wala kasi siyang pakielam sa paligid niya at feeling nya pag naging friendly siya pakikielam lamang nito kanyang buhay.
Si Ethan Park naman ang Chinito sa kanilang lima. Magaling siya sa basketball, siya ang Captain ball doon. Matinik siya sa babae pero walang siniseryoso. Para sakanya bata pa siya para mag seryoso sa ganyang bagay. Laro lang ang habol niya kaya pinagbibugyan niya ang bawat babaeng lumalapit sakanya.
Si Darren Perez, ang magaling kumanta at mag gitara kaya kuhang kuha niya agad ang babae sa simpleng harana. Siya ang madalas kumakanta tuwing may program ang school. Hindi naman ito nakakawala ng angas para sakanya dahil mad marami siyang naaakit gamit lamang ang kanyang boses.
Si Lance Tomlinson, ang pinaka madaldal at slow sa kanilang tropa. Pero maraming nag kakagusto dahil sa husay niyang sumayaw. Inaasar siya lagi ng bading ng tropa dahil di matikom tikom ang kanyang bibig. Pero pag babae na ang kaharap seryoso naman siya kung umakto.
Samantha Madison, ang nagiisang babae sa kanilang grupo at pinsan ni Lance. Siya ay sikat, habulin ng lalaki dahil sa sobrang kagandahan ngunit may lihim na pagtingin kay Tash. Si Tash lang ang hindi niya gaanong nakakausap sa grupo. Kailangan pang buo ang tropa para lang marinig niya itong mag salita o tumawa kung minsan. Lingid sa kaalamam niya na may problema si Tash dahil nababanggit ito madalas ni Lance sakanya. Gusto niyang alamin ang tunay na kwento nito upang matulungan niyang mag bago sa kanyang ugali. Lalo na sa pagiging cold nito sa mga tao sa paligid.
Naging sikat sila sa kanilang paaralan hindi lang dahil sa itsura ngunit pati narin sa pagiging talentado at dahil na rin sa lagi silang nadadala sa guidance counsilor dahil sa madalas nilang pagliban ng klase.
Marami rin nag kakagusto sa kanila dahil sa pagiging mabait nila at dahil marunong sila makisama sa kapwa kaklase o estudyante hindi tulad sa ibang eskwelahan na pag sumikat ka wala ng pakielam sa kapwa estudyante.
Kaya pati ang mga guro bilib sa kanilang pinakikitang ugali. Siyemore maliban na lamang kay Tash dahil medyo tahimik nga ito lalo na pag wala ang tropa.
BINABASA MO ANG
Pag-asang Magbago (NOW ON GOING STORY)
Genç KurguIsang Bata Ang Lumaki Ng May Galit Sa Kanyang Paligid. Mapunan pa kaya ng pagmamahal ang galit sa kanyang puso o tuluyan na itong maging bato. Maranasan pa kaya niya maging masaya sa kabila ng kanyang sitwasyon.