Chapter 9: Lost has been Found

561 40 2
                                    

(Reality)
Mrs. Park's POV
Nung makarating na kami sa hospital at nacheck na ng doctor at nurse si May, dinala siya sa isang private room.

Actually, naawa ako sa sitwasyon ng bata. Andami niya talagang pasa. Mabuti na nga at hindi na masydong mataas yung lagnat niya.

Nung okay na ang lahat, tinawagan ko parents ni May. Mabuti nalang at na save ko to nung nakitawag sya.

*Ring ring ring

"Hello!?" Sabi ng nasa kabilang linya mukhang bagong gising pa lamang.
"Hello!? Pwede po ba matanong kung kilala niyo po ba si May Milleza!?"
"Oo!!kapatid niya ito. Asan sya!??" Taranta nitong sabi sa kabilang linya.
"Andito siya sa hospital, text ko nalang yung name nito." sabi ko.
"Salamat po talaga sige pupunta kami agad".
Pagkatapos ng tawag ay nag text ako at naghintay na dumating sila.

Hahay sana maging okay na lahat ng kung ano mang problema meron sa kanila.

Matthew's POV
Akoy nakatulog sa kakaisip kung ano gagawin ko para mahanap si May nang makatanggap ako ng tawag tungkol sa kapatid ko. Nabuhayan ako ng loob na may halo ding lungkot dahil mukhang maabutan namin sya ng di maganda ang kondesyon.
Sana naman ay okay lang talaga sya.. yung tipong hindi krital yung lagay niya.
Agad ko din namang natanggap ang pangalan ng hospital kung saan naroon si May.

Tumila na rin pala ang ulan at paumaga na.. cguro 5:00 am..
Napagdesisyunan ko na gisingin sila Mama at Papa para ipaalam sakanila ang balita.

Wala kaming sinayang na oras, agad kaming pumunta..

Habang papunta sa lugar sakay ng taxi nararamdaman ko na naman ang antok, pero pinipilit ko parin itong piligilin.

May narinig akong hikbi, tumingin ako sa salamin sa harap, si Mama umiiyak na naman habang naka-hug naman si Papa dun sa likod ng sasakyan.

"Magiging okay lang si May. Matatag yun." pagco-comfort ni Papa kay Mama.

Napagtanto ko na siguro pinagsisihan talaga nila na ganoon ang pag trato nila kay ate.

Binaling ko nalang sa iba ang attensyon ko para makalimutan ko saglit ang pag aalala.

@Hospital

"Miss asan room ni May Milleza!?" Tanong ko sa receptionist (tama ba!?😅)
"Sa room 103 sa 4th floor" sabi naman nya.
"Salamat!"

Sumakay kami agad ng elevator.
Pagka bukas nun agad namin nakita room niya.
Pumasok agad kami at bumuntod sa amin ang babaeng nakahiga at mahimbing na natutulog sa hospital bed ng may dextrose sa kabilang kamay.

Lumapit naman ng pabigla si mama at umiyak sa nakita nito at tumabi habang hawak ang isa pang kamay ng pasyente.

"Anak, nandito si Mama.." hikbi nito nitong sabi sa kapatid ko.

Tumingin ako sa paligid ko nang may nakita akong dalawang pang tao. Namumukhaan ko 'tong isang medyo may kaidaran na babae ahhhhh.
Ayyyy! Oo sya amo ng kapatid ko dun sa shop, yung isa naman di ko pa kilala.
Para silang nakakita ng multo. Siguro kasi nabigla nung pumasok kami.

"Ahhmmm, excuse me po. kayo po ba nagdala sa kapatid ko!?" Tanong ko sakanila.

"A-ahh oo kami nga iho." Sagot ng matandang babae.
"Salamat po talaga sa pag dala niya dito sa hospital. Matanong ko lang po. kayo po ba amo ni May!?"

Tumango nalang ito bilag pag sagot sa tanong ko.

"Ahhh, kaya pala namumukhaan po kita. Ikaw po si Mrs. Park!?"
"Oo ako nga. Atsaka walang anuman. di naman talaga ako ang nakakita sa kapatid mo, itong si Quitana. Siya pasalamatan mo." sagot nya.

Quitana's POV
Yup my name is Quitana.
Quitana Silvante.

Ayan! Kilala nyo na ko haaa.

"Salamat. Salamat talaga kasi ikaw nakakita sa kapatid ko." Sabi nya.

"Walang problema. Na tyempohan lang nakita ko siya sa eskinita ng building namin ni Mrs. Park." sabi ko din ng may ngiti.
At tumango nalang siya bilang sagot.

"Ayyy nga pala. Ako si Matthew kambal ni May." pagpapakilala nya.

"Ako nga pala si Quitana Silvante. kapitbahay ni Mrs. Park. Umupo muna tayo dito sa sofa." Pag anyaya ko sa kanila.

Nung makaupo na kami wala ng nagsalita samin, nakakabinging katahimikan.

Pero sandali lang iyon kasi naki-upo narin yung Parents ni Matthew.

"Ma, Pa!! Si Quitana po pala. Siya yung nakakita kay May." Pakilala nya sakin.
"At ito naman si Mrs. Park. Amo ni May sa shop na tinatrabahuan niya." patuloy nya..

"Salamat talaga sa inyo. Di namin alam kung pano makabawi sa inyo." sabi ng Papa nila.
"Ayy, walang anuma ho. No problem dina Mrs. Park." sabi ko sabay tingin sakanya.
"Oo naman!! Mabait na bata si May, dapat lang siyang matulungan." sabi ni Mrs. Park.

"Ahhmmm, Quitana iha. matanong ko lang. Bakit may pasa anak ko sa katawan!?" tanong ng naman ng mama nila.

"Actually po nung makita ko siya sa labas basang-basa po talaga siya dahil sa ulan tapos may pasa na po talaga sya nun. Siguro napagtripan ng tambay o ng holdaper, tapos dahil sa mga pasa nya nagkalagnat sya ng mataas kaya nagpagdesisyunan namin na dalhin siya dito." sagot ko naman.

Lalo naman itong umiyak dahil sa nadinig.

At ayun, since umaga na talaga at sure akong di lang kaming dalawa ni Mrs. Park ang gutom.
Umalis nalang muna kaming dalwang Matthew at bumili ng pagkain.

Magic Shop (Tagalog fanfic story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon