Hindi kailanman mapapanatag ang pusong punong-puno na ng pagdududa.
Hindi na matanto kung alin ang tama.
Tila isang pagbabalat-kayo sa tuwing kasama.
Hindi makatingin sa mata sa tuwing may katanungang kailangan ng kasagutan.
Hindi makasagot ng maayos at pautal-utal pa nga.Maraming tanong sa isipan at lahat ng iyon ay wala pang kasagutan.
Hinayaan mong walang sagot ang mga tanong na paulit-ulit gumugulo sa isipan.
Hindi ka gumawa ng paraan. Hinayaan mo Lang hanggang sa akala mo nawala na sa alaala niya.Maraming lihim ang nakatago.
At hanggang ngayo'y nananatiling misteryo.Kung wala ka pa Lang balak magseryoso.
Sana hindi mo na ako pinagod.
Sana hindi ka nagbibitaw ng mga salitang hindi naman dapat paniwalaan.
Sana hindi na Lang.
Sana wag na lang.Tiwala ang nasira.
At iyon ang pinakamahirap ibalik at buuin ulit.Babae ako.
At hindi babae Lang.
Kung wala kang balak at plano sa buhay.
Hayaan mo na akong bumitaw.
Hayaan mo na akong maging maligaya.🖊 Ms. P 👑
January 26, 2019
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Ms. P
PoetryLaman nito ang mga hinanakit at pighating naramdaman sa paglalayag ko sa mga kwento ng pag-ibig. Kailan nga ba magiging masaya ang puso na ang tanging nais lamang ay magmahal at mahalin?