Titigan mong mabuti ang taong nakasama mo ng matagal na panahon.
Tumingin ka sa kanyang mukha.
At pagmasdan mo ang ilang detalyeng nagustuhan.
Sa mata niyang nangungusap.
Sa bibig niyang ilang beses mong hinalikan.
Sa ilong niyang palagi mong pinipisil.
Sa pisngi niyang namula dahil sa mga kagat.
Sa noo niyang lagi mong hinahagkan bago matulog at bago umalis.
Sa mga kilay niyang inayos pa para maging maganda sa paningin.
Titigan mo nang matagal.
At tanungin ang sarili ng ilang ulit.
Siya pa rin ba ang isinisigaw ng iyong puso?
Siya pa rin ba ang gustong gusto mong makausap araw-araw?
Siya pa rin ba ang nais mong makasama hanggang sa pagtanda?
Siya pa rin ba yung dati mong pinapangarap?
Siya pa rin ba ang gusto mong paglaanan ng oras at panahon?
Siya pa rin ba? O meron ng iba?Saglit, kaibigan.
Bago ka magdesisyon at sagutin ang mga tanong.
Muli mong ibaling ang tingin.
Sa kanyang mukhang kanina pa nakatitig.
Isipin mong mabuti.
At balikan kung paano kayo nagsimula.
Dahil panahon at oras ang kailangan.
Upang malaman ang tamang sagot sa katanungan.🖊 Ms. P 👑
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Ms. P
PoetryLaman nito ang mga hinanakit at pighating naramdaman sa paglalayag ko sa mga kwento ng pag-ibig. Kailan nga ba magiging masaya ang puso na ang tanging nais lamang ay magmahal at mahalin?