Bukas na Kurtina Ngunit Saradong Bintana

8 1 0
                                    

Sumikat na naman si haring araw. Dala muli ang mga ngiting dapat mong makamtam. Ngunit ikaw ay patuloy pa ring kumakapit sa dilim ng kahapon. Tapos na iyon. Bumitaw ka na. Huwag mong sayangin ang mga araw na dapat ikaw ay masaya. Bumangon ka na riyan. Huwag mong hintaying bumagsak muli ang luha sa kalangitan kasabay ng iyong paghikbi na tila wala ng katapusan. Halika na, tumayo ka na riyan. Namnamin mo ang init ng pagmamahal ng mga taong nagtitiwala sa'yo. Kaya mo yan! Kaya buksan mo na muli ang pinto at bintana ng iyong puso at muling pagmasdan ang ganda ng mundo. Marami silang naghihintay sa muling pagbabalik mo. Maging si haring araw ay sabik na ring mapakinggan ang mga tawang minsan siya lamang ang nakakaalam. 😊💕

🖊&📷 : Ms. P 👑
June 22, 2019

Mga Tula ni Ms. PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon