Makailang Bitaw at muling pagbanggit ng MAGHIWALAY na tayo...

12 1 0
                                    

TAMA NA.
Pagod na ang mga tenga sa kasinungalingan.

TAMA NA.
Wala ng patutunguhan lahat ng away at sumbatan kundi sa sakitan.

TAMA NA.
Unti-unti ng bumabaon ang mga salitang binibitawan na siyang nagbibigay ng bigat sa kalooban.

TAMA NA.
Puro na Lang ako ang nag-aayos sa bawat away na dapat tayong dalawa.

TAMA NA.
Sa palagay ko, Ako na Lang ang lumalaban at naniniwalang kaya pa.

TAMA NA.
Kasi hindi na ito tama. Ang ipagsiksikan ang sarili sa taong iba naman ang gustong makasama at yun ay ibang babae at barkada.

TAMA NA.
Ayoko ng magpanggap pang ayos pa ang lahat.

TAMA NA.
Dahil punong-puno na ng lamat ang pusong wala ng tiwala.

TAMA NA.
Wala na akong tiwala sa'yo maging sa sarili dahil sa kagagawan mo.

TAMA NA.
Yung akala kong magbabago hindi din naman pala totoo.

TAMA NA.
Masakit na ang mga mata sa kakaiyak sa tuwing may hindi napagkaintindihan at napagkasunduan.

TAMA NA.
Ako'y hilong -hilo na sa kung ano ang tama. Sa tuwing nagpapaalam ka.

TAMA NA.
Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Ayoko ng lumaban pa.

At TAMA NA.
Kailangan ko na rin huminga nang malalim at mahalin ang sarili kahit alam kong masasaktan sa palayo sa'yong piling...

😪😒💔

🖊 Ms. P 👑
December 28, 2018

Mga Tula ni Ms. PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon