"Tell me what happened that night Celiesta and I will do my best to spare you from his family's wrath."Kumbinsi nito sa akin habang hawak ang kamay ko. Pero dahil narin sa poot na nararamdaman noon pa man sa kaniya ay mabilis ko itong binawi at puno ng galit na tiningnan siya ng deretso sa mata.
"Don't you get it? Sinabi ko na sa'yong wala akong nasaksihan nung gabing iyon kundi ang nakabitin na Vince sa kwarto niya."
Tagis ang bagang kong asik sa kaniya.
Napatingin tuloy sa amin ang lahat ng tao na nasa loob ng presento kung saan niya ako walang habas na ipinakaladkad sa mga pulis na kasama niya at pinosasan bago ipinakita ang kaso na isinampa sa akin ng pamilya nung dati kong nobyo.
"Pero ikaw ang hinihinalaan na pumatay kay Vince dahil na rin sa nakaraan mo sa kaniya."
Sa kabila ng pagiging mabalasik ng anyo ko ay nagawa niya pa ding maging kalmado sa sitwasyong ito. Marami na nga talaga ang nagbago mula ng magkagulo ang lahat.
"You know what? You are a moron. Ilang oras ng patay si Vince ng makapunta ako sa bahay niya. Matalino ka ba talaga o sadyang nagpapakabobo ka lang para maidiin ako sa kasong 'to?"
Mahabang litanya ko tsaka inirapan siya ng todo. Hindi na nga ako nagtataka kung bakit sa lahat ng abogado sa mundo siya pa talaga ang kinuha ng pamilya ni Vince. And as an asshole, he agreed to do this and didn't even consider what I'm going to feel.
"I'm just doing my job. Walang ibang suspect sa pagkamatay niya kundi ikaw. Lahat ng ebidensya nakaturo sayo Celiesta."
Inilabas nito ang iilang papel na nasa suitcase niya kanina pati na din ang ibang mga larawan namin ni Vince na nagpapakita ng ilang araw na naming enteraksyon sa isat isa. Huh. Ebidensya na bang maituturing iyon at tsaka hindi naman ako ang gustong makipagkita sa gagong iyon. Ito na mismo ang nagpupumilit na magkita kami dahil gustong makipagbalikan eh ginago na nga niya ako noon kaya hindi na ako magpapakatanga ulit ngayon. Pero mali naman sigurong pagbintangan nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Wala kayong mapapala sa akin Atty. Del Mundo, just talk to my lawyer and remove this handcuffs or you'll regret this."
Tumalima naman agad sila sa sinabi ko. Natakot yata ang mga pipitsuging pulis na to. Aba malamang, dapat lang no kasi wala naman silang sapat na ebidensya sa kasong inaakusa nila. Kahit ginago ako ni Vince, malaki parin ang naitulong niya sa akin kaya hinding hindi ko magagawa ang bagay na yun.
"We'll meet again soon Miss Fauste."
Paalam nito at parang maamong tupa na umalis sa harapan ko.
"You wish."
Sa sobrang gigil sa kaniya ay itinagilid ko na lamang ang tingin ko patungo sa labas ng presinto. Glass ang pinto, ganoon na din ang kabuuan ng entrance na iyon kung kaya kitang kita ko ang isang naka maskarang lalaki ngayon na nakaharap sa gawi namin na may dalang baril.
Ilang sandali pa ay walang habas na pinaputok nito ang dala na parang nahihibang na. Mabilis na itinumba ko ang lamesa na nasa harapan ko at iyon ang ginawang pangdepensa. Tangina naman. Hindi nga ako makukulong pero mamamatay naman ako ngayon. Dahil sa kumosiyon na yon ay nagkagulo ang lahat.
Narinig ko kung paano nabasag ang lahat ng harang sa entrance, ganoon din ang sigawan ng mga tao. Maingat na sumilip ako sa gilid ng tinataguan ko at nakitang hindi naman umurong ang mga pulis at nagpaputok din pero huli na dahil mayroon palang kasama pang apat pa ang nagpapaputok. Napatumba na nila ang iilang mga pulis kaya wala na akong nagawa kundi ang bunutin na din ang dala kong maliit na baril galing sa boots ko. Bahala na.
BINABASA MO ANG
Untold Story
ActionA tragedy changed Celiesta Fauste in a snap. Things happened. Too late to find out that everyone's hurting. But in the middle of that chaos, she found someone. He stayed like everyone didn't do. Edam Acryl Grayson did. Yet she discovered his untold...