I was in my last year in college at that time in a university in Toronto taking business administration. I'm million miles away from home and completely alone when a sudden tragic news came and ruin everything.

"Patay na ang Mama at Papa mo, Celiesta."

Balita sa akin ni Manang Amy. Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Ang akala ko pa naman ay magandang balita ang itinawag ni Manang.

Nanghina ang tuhod ko dahil sa narinig at nabitawan ang cellphone na ngayon ay naka loud speaker pa din. Unti unting tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ko at walang pakundangang humagugol.

"Hija? Nandiyan ka pa ba? Hello?"

Nanatili akong bingi sa sinasabi ng lahat sa akin.

Mula kay Manang, sa mga kamag anak ko at pati narin sa mga kaibigan na gusto lang na mapabuti ako.

Gumuho ang mundo ko kasabay ng pagguho ng lahat ng pangarap ko. Naibaon yata kasabay nina Mama at Papa. Hanggang sa huling hantungan nila ay wala akong naging imik. Akala ng mga taong nakapalibot sa akin na nabaliw na ako ng tuluyan dahil sa lahat ng nangyari. Papaano ba naman kasi nawala din dahil sa kapabayaan ko ang kompanya namin na halos tatlong dekada ng inalagaan ng pamilya ko. Bumulusok sa ibaba ang Fauste Corp. na ikinagulat ng lahat. Maraming bumatikos.

Lahat ng board of directors walang ibang sinisi kundi ako. Ano daw ang naging silbi ng pagkuha ko ng business ad kung hindi ko naman daw nagawa ng tama ang trabaho ko ng humalili sa posisyon ni Papa.

"How can you be so reckless Celiesta?! Alam mo ba kung anong mangyayari sayo ngayon? Mukang hindi na matino ang pag iisip mo."

Singhal ng isa sa mga Tito ko sa side ni Mama. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganiyan na lang ang turing nila sa akin. Kahit noon pa mang buhay pa Sina Papa at Mama ay wala ng sila ginawa kundi ang pagsalitaan kami ng masama lalo na si Papa. At sigurado ako ngayon na hahayaan nila akong bumagsak ng tuluyan.

"This is none of your business Tito Koko. So please leave while I still respect you. And for the record, I am not insane!"

Lalong lumayo ang loob nila sa akin pagkatapos nun. Inakusahan nila akong walang utang na loob at kung anu ano pang masasakit na salita.

"You'll rot in hell for doing this to us, to your family who only want the best for you."

Mataray na sabat ni Tita Ynilia matapos makipagsabayan sa init ng ulo ko pagkatapos ng huling board meeting bago ipasara ang kompanya namin. Napagkasunduan na ito ng lahat maliban sa akin pero wala din naman ako laban. Sabi nga nila isa lang akong hamak na baguhang wala pang alam industriyang ito.

"I'll wait for you in hell then."

Bastos kong sagot. Aba, inaapi na nila ako simula nung bata pa. Sana pagbigyan naman nila ako kahit ngayon lang. Mga tangina sila.

"Ungrateful bitch."

Iniwan ako nitong may ngisi parin habang nakaupo sa mismong opisina din ni Papa noong nabubuhay pa ito. Masaklap nga lang at mawawala din agad ito sa akin. Parang bula na nawala ang ngisi ko kasabay ng pagpapakawala ng hagulgol na ilang linggo ko na ring itinatago.

Pagkauwi ko sa mansiyon nasa may gate pa lamang ako kita ko ang lahat ng gamit ko na nakaempake na at nasa labas narin si Manang naghihintay habang umiiyak. Dinaluhan ko naman agad ito tsaka niyakap ng mahigpit.

"Wala na hija. Hindi na nila tayo binigyan ng palugit."

Hagulgol nito sa balikat ko. Hinagod ko naman ang likod niya para kahit papaano ay kumalma siya ng konti.

"How dare those assholes do this to us."

Nagtatagis ang bagang at kuyom ang kamay na sabi ko.

Mabuti nalang nung gabing yun ay pinatuloy kami ni EJ sa condo niya. He also lend me some help to have a stable job kahit na undergrad pa lang ako. Enoch Jove Del Mundo or EJ for short was my best friend since we were both in elementary. Even when I was still in Canada,  EJ and I never abandoned each other. We keep on chatting and never lost communication. He's a son of my father's colleague and now he's a licensed lawyer from a big firm.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon