Edam spared Popoy from death but still punished him by lashing the poor boy ten times. I can't even bear to see someone suffering but I didn't looked away because the psycho said so.Binantaan niya akong tataasan pa ang bilang ng latigo na matatanggap ni Popoy pag umiwas ako ng tingin so I mournfully obliged.
"Ate Celi kumain ka na. Alas otso na kaya ng gabi tsaka wala naman si sir Acryl kaya safe ka."
Umiling lang ako.
Natuto na ako dahil sa nangyari nung martes. Pagkatapos kasi maparusahan ni Popoy, si Iyah na naman ang pinagbuntungan ng galit ni Edam. Pinagbawalan nito ang bata na kumain hanggang biyernes pero matatag na sumalungat ako sa gusto nito. Kaya imbes na si Iyah, ako na lang ang binigyan niya ng parusa. Tsaka kahit wala ang abno na yun dito malalaman at malalaman parin niya na kumain nga ako. Bugged ang buong mansion na ito kaya kahit anong galaw ko alam niya.
"Okay lang ako Iyah. Matulog ka na kasi diba may pupunta na namang teacher mo bukas dito."
Bigong tumayo ito at tumango bago tinungo ang pinto ng silid ko sa tatlong araw na pananatili dito. Mula nung gabi nung martes hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Edam. Ang bilin nito kay Iyah ay pupunta lang ito sa ibang bansa at huwag na huwag daw kaming lalabas kasi protektado naman daw kami ng mga tauhan nito. Ni hindi ako nito tinapunan ng tingin bago umalis. Hmp. Edi wag niya. Abno.
Kahit nanghihina na ako pinilit ko paring tumayo at bumaba na. I'm not really comfortable of being alone in that large room. Inilibang ko na lang ang gutom na nararamdaman sa panonood ng tv sa may sala. Pero kahit anong concentrate ko sa panunuod walang rumirehistro sa utak ko kundi pagkain kaya napagpasyahan ko na lang na matulog na lang sa sofa na kinauupuan ko. Saglit lang naman. Mga five minutes.
Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang boses na nasa malapit ko lang.
"Kumain na ba siya?"
I know that cute accent! Nakauwi na pala siya. Dahil narin curious ako sa sasabihin pa nito nagkunwari muna akong natutulog.
"Hindi po sir Acryl. Pinaninindigan niya po ang naging parusa niyo sa kaniya."
Nakarinig ako ng marahas na pagbuntong hininga.
"You may now go to your room Iyah. Sleep and don't worry about your ate Celi."
Ilang sandali pa may mga yapak na papalayo na sa kinaroroonan ko. Ramdam ko naman ang isang mainit na tingin na nakadirekta sa akin. Paunti unti akong nagdilat ng mga mata at umarteng ngayon palang nagising.
Bumungad sa paningin ko ang walang emosyong muka ni Edam habang nakatutok ang mga mata sa akin. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili na tumili nagmuka siguro akong tanga. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatili kung ganyan ka perpektong nilalang ang bubungad sayo.
"Did I wake you up?"
Tanong nito bago lumayo na sa akin. Umiling ako bago napabangon pero mabilis naman agad na nabuwal at napabalik sa pagkakahiga dahil narin sa panghihina na nararamdaman. At ang walanghiyang tiyan ko tumunog pa talaga! Wow. Nice timing. Nagkatinginan tuloy kami ni Edam.
"Ebidensya na yun ha. Baka kasi sabihin mong hindi ako tumupad sa napagkasunduan natin."
Biro ko na may pagkatapos sarkastiko narin ang dating para maibsan ang kaba habang dumadadundong ng malakas ang puso ko.
"I didn't say anything Celi."
I chuckled because I realized that I sounded so defensive awhile ago. Silence immediately enveloped us after that.
"You should go to bed now. It's already late."
He said, breaking the silence between us.
"Hindi ako makatulog sa malaking silid na iyon tsaka hindi mo man lang ba ako papakainin?"
BINABASA MO ANG
Untold Story
ActionA tragedy changed Celiesta Fauste in a snap. Things happened. Too late to find out that everyone's hurting. But in the middle of that chaos, she found someone. He stayed like everyone didn't do. Edam Acryl Grayson did. Yet she discovered his untold...