OMN 58

1.3K 76 1
                                    

Flashback

"So kumpare, kailan nyo gustong ikasal si Dale at Edward?" tanong ng daddy nya habang nagdidinner sila sa bahay nila Dale.

Nagulat sya sa tanong ng ama.

Akmang magproprotesta sya nang hawakan sya sa kamay ng ina upang pigilan.

Tumawa ang daddy ni Dale.

"Sila ang dapat magdecide."

"Ahm Dad, ano ba kayo? May girlfriend si Edward kaya imposibleng ikasal kami!" nahihiyang sabi ni Dale.

Umismid si Edward.

"May utak rin naman pala ang spoiled brat na ito!" bulong nya sa isip.

Napasimangot naman ang daddy ni Edward.

"Eh di ba ikaw ang nagsabi na ikaw ang future wife ni Edward?" patuloy sa pang-aasar ang daddy ni Dale sa kanya.

"Dad naman eh! Bata pa ako noon!" namumula na si Dale at halatang umiiwas ng tingin sa kanya.

"Hahaha binibiro lang kita anak."

Aaminin ni Edward.

Nakakainggit ang pamilya na meron si Dale.

They let them do what she wants.

Hindi katulad ng pamilya nya.

Lalo na ang daddy nya na palaging nagdedesisyon para sa kanya.

"So iho, anong pangalan ng nobya mo?" tanong ng daddy ni Dale.

Bago pa sya makasagot ay nagsalita na si Dale.

"Si Lexie!"

"Lexie? Your best friend?" gulat na tanong ng daddy ni Dale.

"Yup! Kaya lagot yan sa akin si Edward kapag pinaiyak nya ang best friend ko!" pagbabanta pa sa kanya ni Dale pero hindi ito tumitingin sa kanya.

One More NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon