OMN 49

1.3K 84 1
                                    

"Una, nung humalik ako sa pisngi mo parang gusto mong umiwas."

"Pangalawa, yung sinigang na niluto ko iniluwa mo."

"Pangatlo, kanina sa shower ayaw mong samahan kita."

"Pang-apat, you keep on calling me by name eh dati naman you always call me love."

"What's with the effing countdown? Pagod lang ako! Yun lang yun! Kung anu-ano ng pinagsasasabi mo dyan!"

"Talaga Edward?" lumapit si Lexie sa cabinet at may kinuha.

Bumalik sya malapit sa kama at ihinagis ang envelope kay Edward.

Agad na kinuha ni Edward ang envelope at galit na tumingin kay Lexie.

"Bakit ba nakikialam ka ng gamit ko?!?" singhal nya dito.

Bahagyang napaatras si Lexie sa nakitang galit sa mga mata ni Edward.

Dumating na nga yata yung araw na kinatatakutan nya.

One More NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon