OMN 50

1.3K 81 5
                                    

Dumating na nga yata yung araw na kinatatakutan ni Lexie.

"Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang laman ng envelope na yan?" mahinahon na tanong nya kay Edward.

Lalo pang tumalim ang tingin sa kanya ni Edward.

Pero hindi nagpatinag si Lexie.

Umupo sya sa kama at hinawakan ang mga kamay ni Edward.

Bumuntong-hininga sya at saka pilit na ngumiti.

"Hindi kita pipigilan kung gusto mong umuwi."

Napakunot noo si Edward.

"And why would I do that? Ngayon pa ba na malaya na ako kay Dale?"

"Nakalaya ka nga ba kay Dale, Edward?"

"O....oo!" sagot ni Edward.

Pero bakit nauutal sya?

Umiling si Lexie at itinuro ang ulo ni Edward.

"Your brain might say yes but this... (sabay turo sa puso nya) your heart is saying no."

One More NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon