Wavee Wyndee Wheeler
PINK GIRLIES BAR
JANUARY 26, 2024
8:00 P.MThe noise in the bar had grown louder. It was past 8:00 p.m., and the crowd was losing themselves to the music, dancing wildly as the upbeat rhythm pulsed through the room.
I glanced up and noticed a woman sitting by herself in the corner. I squinted, trying to make out her features, but the dim lighting made it hard to see. The room spun around me, and I could feel the alcohol churning in my stomach, making me dizzy and queasy.
“She looks sad, too. At least I’m not the only one feeling miserable tonight. I wonder what her story is? This night feels so cruel,” I muttered under my breath, lifting my drink for another sip—until a hand suddenly caught my wrist and stopped me.
“Tama na ’yan, Wave. Umuwi ka na at lasing ka na. Hindi na kita maihahatid dahil may mga kasama rin ako,” pananaway sa akin ni Zinnia.
“Ano vang pakialam mo, wa?” sabi ko habang nilalabanan ang antok na siyang nagiging dahilan nang paunti-unting pagpikit ng aking mga mata. Sinadya ko lang ding bululin ang pananalita ko.
“Uuwi ka o tatawagan ko si Tito—”
“Sabi ko nga, uuwi na ako,” tuwid kong sabi sabay tayo. “Hey, ano sa tingin mo ang problema ng babaeng iyon? Kawawa naman, ’no?” pahabol na tanong ko sabay nguso sa babaeng nasa sulok pa rin.
“I do’nt know. Ano ba ang pakialam mo rin? Hayaan mo na lang na magluksa. Mas iniintindi mo pa ang kalagayan ng iba kaysa sa kalagayan mo. Kurutin ko ’yang hita mo, eh.”
“Oh, Zinnia. Hindi ka ganiyan kanina, ha?” panunukso ko pa rito. “Akala mo naman ay best friend kita kung manermon ka sa ’kin—”
Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang lumapat sa aking noo ang palad nito. “Bitch, I am your one and only best friend, hmm? Uuwi ka o—”
“Oo na ako, okay? Bukas na kita kakasuhan ng physical assault. Tse!” asik ko at pagiwang-giwang na lumabas ng bar.
Naalala kong wala nga pala akong dalang sasakyan. Akmang pipihit na ako papasok ulit para kausapin si Zinnia na isabay na lang ako pauwi nang magkabangga pa kami ng babaeng inaalala ko palang kani-kanina.
“Sorry,” sabay naming paumahin at napatitig sa mukha ng isa’t-isa.
Pamilyar ang kaniyang mukha ngunit dahil wala sa ayos ang diwa ko ngayon ay hindi ko alam kung saan ba kami nagkita. Napatingin ako sa lace ng ID na suot nito at nakita ko ang logo ng PIS.
Ah, she’s a professor at PIS, which explains why she looks familiar.
We’ve probably crossed paths on campus, or she might be one of the younger professors who occasionally demonstrates in our class during their monthly evaluations.
Nilagpasan ako nito at awtomatikong napasunod ang aking paningin dito. Huminto ito sa harap lang din ng bar at pumara ng taxi. Nakita ko ang signboard ng sasakyan na dadaanan ng LC Condo Units Building. Nagdalawang-isip naman din akong sumakay dahil baka hindi sa kaparehong LCCUB kung saan ako nakatira ang destinasyon nito. Bumukas ang pinto sa bandang front seat at nagtama ang paningin namin ng driver na nakasilip sa aking kinaroroonan.
BINABASA MO ANG
Time-Locked Romance (Timeless Series #2)
AdventureWavee Wheeler, a wealthy physics student, struggles under the pressure of her arranged marriage to Justice Huxley, especially since her heart belongs to his brother, Hance. Justice Huxley, a privileged and cold-hearted law student, is determined to...