WAVEE WYNDEE WHEELER
JANUARY 26, 2024
IN FRONT OF LC RESTAURANT
7:00 P.M⏱⏱⏱⏱⏱⏱⏱⏱⏱⏱⏱⏱
“Nasaan ka, Hance?” direktang tanong ko sa aking kausap habang nanginginig ang aking mga kamay at tuhod. Pigil-hininga rin ako para hindi nito mapansin ang panginginig ng aking boses.
“Nasa office pa ako, babe.”
“O-oh, office,” mahina kong usal.
“Uhm, tawagan na lang kita mamaya kapag nakauwi na ako, hmm? May urgent meeting pa kami. I love you, Wyndee. See you later!”
Kaagad na pinatay nito ang aking tawag. Pagak akong natawa at kinagat ang labi kong nangangatal din. Mas madilim pa sa kapaligiran ang aura na bumabalot sa akin ngayon.
Urgent meeting? I love you? Damn it! Kailan pa nagsimula ang ganitong klase ng kaniyang kasinungalingan?
People are the most terrifying creatures I’ve ever known. We can never truly understand the thoughts in their minds or the rhythms of their hearts. We don’t know when they’re being sincere or when they’re pretending. We can never foresee when they will betray us.
I’ve always been fascinated by the range of emotions people can experience. Now, I find myself feeling some of them— pain, anger, sadness, and regret.
Paanong hindi ako masasaktan? Eh, mula sa aking kinatatayuan sa labas ng LC Restaurant ay malinaw kong nakikita kung paano maglambingan ang boyfriend kong si Hance at ang babaeng ipinakilala niya sa aking ‘friend’ niya lang daw.
We’ve been in a relationship for seven years. I spent my teenage years with him, and we spent more time together than with our own family and friends. But in the end, he still chose to cheat on me with the woman he once told me not to worry about.
Tuluyang nagkapira-piraso ang puso ko. Nilamon ng sakit na hindi ko maipaliwanag ang aking buong sistema nang makita ko kung paano naglapat ang kanilang mga labi. Tahimik na nagsilandas ang aking mga luha habang nakamasid sa lalaking minahal at pinagkatiwalaan ko nang husto na nakikipaghalikan sa iba.
“W-why?” Iyon ang kaisa-isang tanong at salitang aking naiusal habang sapo ang sumisikip kong dibdib. Naririnig ko rin ang sarili kong hikbi.
I realized why “why” is often the first question someone asks when faced with pain and betrayal. We immediately searched for what we might have done wrong or where we fell short to make sense of why we were treated that way. It was also the question that led us to doubt our own value and the decisions we made in committing to the relationship.
It’s always “Why?” and “I don’t deserve this but…”
Pinilit kong tumalikod sa eksenang aking nasaksihan. Kahit na damang-dama ko ang panghihina ng aking buong katawan ay sinikap kong lumayo sa lugar na naging saksi ng pangloloko nila sa akin.
Wala sa sarili akong naglakad habang umiiyak at hindi ko rin mabilang kung ilang tao ba ang nabangga ko. Ang iba ay naririnig ko pang minumura ako ngunit hindi ko na iyon ininda pa. Kahit na isang katutak pa ng pang-iinsulto ang aking marinig ngayon ay hindi pa niyon matutumbasan ang sakit na namamayani sa aking sistema.
Pumasok ako sa unang bar na aking nadaanan. Alam kong wala akong mapapala sa paglalasing dahil hindi naman nito masosolusyonan ang aking pinagdadaanan ngunit ito lang ang paraan para kahit papaano’y mawala sa sistema ko ang sakit na unti-unting pumapatay sa akin.
BINABASA MO ANG
Time-Locked Romance (Timeless Series #2)
AdventureWavee Wheeler, a wealthy physics student, struggles under the pressure of her arranged marriage to Justice Huxley, especially since her heart belongs to his brother, Hance. Justice Huxley, a privileged and cold-hearted law student, is determined to...