I S A

13 0 0
                                    

J A I R U S

"O anak, galingan mo ha. Alam ko naman na kaya mo pero isipin mo magiging maganda ang kinabukasan mo kapag naipanalo mo 'tong quizbee na'to!" Paalala ni mama.

Tumango ako. Alam ko naman ang nakataya rito eh. Laki ako sa hirap. Ang tatay ko palipat-lipat ng trabaho sa construction. Ang mama ko naman naglalabada at naglalako ng kaunting paninda sa palengke para makaraos kami magkakapatid.

Tatlo kaming magkakapatid, ako- panganay. Si Blaine pangalawa at ang bunso naming si Kika. Lahat kami lumaki sa public school. Sinikap ko talaga mag-aral ng mabuti at dahil ako ang panganay, at mga bata pa ang mga kapatid ko gusto kong hindi na kumayod sina nanay at tatay para sa pag-aaral nila.

Pati sa college ko. Ayaw ko silang maglabas ng pera kaya hangga't maari, gagalingan ko ang quizbee na'to. Interhigh championships na at dito madalas ang scouting ng mga college schools para sa mga pwede nilang maging scholar.

Kapag nanalo ako sa interhigh quizbee na'to malaki ang chance ko na makapasok sa dream school ko- ang Top 1 sa buong bansa - Ang Musk International School of Science. Kapag nakapasok ako ron- madali akong makakakuha ng mabuting trabaho at mas mapa-paaral ko ang mga kapatid ko.

Kaya mo 'to Jairus! Pinaghandaan mo 'to 'di ba? Buong pagsisikap mo sa highschool eto na ang finish line oh! Malapit kana! Konting push na lang, talunin mo na lang ang mga taga-ibang skwelahan at maaabot mo na ang pangarap mo!

"Kuya! Galingan mo magche-cheer kami sa'yo!" Bati ni Blaine na nasa kabila ni mama.

"Oo kuya! We love you!" Hirit pa ni Kika.

"All participants, please go backstage in preparation for the start of the quiz bee. Participants of the quiz bee competition must be with their school coordinators for a final coaching session. We will start in 20 minutes."

"O siya ma! Punta na ako sa likod magsisimula na raw." Nginitian ko sila. Ayaw kong magalala sina mama. Pero ang totoo ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad papunta sa backstage.

Finally, andito na ako- sa simula ng mga pangarap ko.

Marahan ako tumapak paakyat ng hagdan sa daanan papunta sa backstage pero nagulat ako ng may biglang tumabig sa'kin mula sa likod. Bigla na lang dumaan kaya napakapit ako sa gilid ng hagdan. Kung hindi baka nahulog na ako.

"Aray! Dahan-dahan naman!" Gulat na sigaw ko.

Pero hindi man lang sumagot ang bumangga sa'kin. Bagkos nahuli ko pa siyang parang nagmamadali na umakyat sa backstage.

Navy blue na palda

Dark red  na trousers

Mukhang mamahalin ang sapatos at bag.

Sumimangot na lang ako. Sa uniporme pa lang at walang modong pagdaan na wala man lang excuse me alam ko na agad asan galing 'yong bumangga sa'kin. Taga- Scarlet Science Academy.

Sila ang makakalaban namin sa championship round ng inter-high quizbee.

Kahit noon pa lang, parati ng nagaaway ang Scarlet Science Academy at ang National School of  Tandag Sa NAT scoring, sa mga palaro, lahat na ata ng mga inter-high na competition papalit-palit lang ang school sa top 1 at top 2.

***

"Ano ba? Na-contact niyo na ba kung nasaan na siya?"

"Sorry coach hindi sumasagot o nagri-ring ang telepono!"

"What?! Alam niya ba na ngayon ang finals? Somebody contact her again! Hindi pwedeng wala siya madi-disqualify tayo!"

Napatingin ako sa gawi ng Scarlet Science Academy. Mukha kasi silang nagaaway-away.

Your Loving RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon