Chapter 14: My Driftwood

5.3K 136 3
                                    

Bahagya  isinara ni Penelope ang bintana ng bus na kanyang sinasakyan.  Malamig na ang samyo ng hangin kapag gabi na lalo na kung buwan ng Disyembre.  Namili siya ng mga pamaskong panregalo sa Divisoria.  Isang linggo na lang at pasko na.  Mas nakakamura kung sa Divi mamimili lalo na kung maramihan.  Konting tiis lang sa trapik at siksikan.

Banayad ang takbo ng bus.  Magaganda din ang mga awitin na pinatutugtog ng driver.  Heto na naman ang moment niya bulong ni Penelope sa sarili. Kapag ganitong nasa biyahe siya at nakakarinig ng malulungkot na awit o kaya naman ay kapag gabi o madaling araw, basta kahit na ano’ng oras na hindi busy ang isip niya, hindi niya mapigilang magemote. 

Mahigit isang buwan pagkatapos niyang  malaman ang tungkol kay Ulysses ay heto pa din siya.  Malungkot sa mundong pinili na niyang kasadlakan, ang pag-iisa.  Ewan  ba niya, siguro ay habambuhay nang magiging bahagi niya kalungkutan. Nasanay na din siyang umiiyak lagi.  Aminado naman siya na marahil ay kasalanan   din niya , ayaw niya  kasing  magmove on, sabi ng kanyang mga kaibigan .  Sa isang banda ay tama sila.  Ni hindi nga niya sinubukang  sabihin sa kanyang sarili na this time ay  kalilimutan  na talaga si Ulysses at titigilan  na ang kabaliwan.  Na kung tutuusin ay dapat nga siyang magalit sa lalaki dahil sa ginawan nitong pagganti sa kanya kesehodang masaktan at maagrabyado siya.    Pero sa hindi malamang dahilan ay kung bakit sa kabila ng lahat, hindi niya magawang  magalit sa lalaking iniibig. Parang  mas lalo pa niyang hinahanap-hanap ito  sa maraming sandali.  Parang mas lalo  pa nga niyang minahal.

“Ikaw ang taong matalino pero pagdating sa pag-ibig, nuknukan ng boba o istupida.”  Ang palaging sinasabi ng kanyang mga kaibigan.

Oo na. Boba na at istupida.  Pero mas gugustuhin  pa niya  ang maging ganon kesa lumimot.  Dahil kahit kelan, ang limutin kahit ang pinakamaliit na detalye sa pagkatao ni Ulysses ang kahuli-hulihan niyang gagawin.

Sapagkat masayang alalahanin ang mga sandali sa piling niya.  Kahit may dalang kirot, kahit may pait.  Pangalan pa lang niya ay sapat na upang naisin niyang mabuhay…at maghintay…

Katulad ng linya sa kanyang tula. ‘Only the thoughts of your keeps me hoping and alive…’

A solitary tear appeared on the corner of her eye.  Pumapailanlang kasi ang awiting “My Valentine”. Napapikit ng mariin ang dalaga.

Sa pagkakapikit ay naidlip ang dalaga at   nang magising siya ay  papasok na pala ang bus sa bayan  ng Dasmarinas. Sinulyapan niya ang relong pambisig, magaalas-nwebe na ng gabi.  Bahagya siyang luminga-linga sa ibang pasahero.  Nag-iisa siya sa pandalawahang upuan.  Hindi masyadong puno ng pasahero ang bus, ang iba ay nakatulog na din dahil sa haba ng biyahe..  May palabas na pelikula sa tv, pero hindi  naman niya maintindihan.  Nagpasya siyang  umidlip uli dahil malayo pa naman ang kanilang bayan.

Pero hindi pa  nakakatulog muli ay nagulantang siya  sa biglang pagkakagulo ng mga pasahero.  Pagmulat ng kaniyang mga mata ay nakita niyang may isang lalaking nakatayo sa tabi ng driver, nakatutok ang hawak na baril sa ulo nito habang sumisigaw.

“Walang papalag! Hold up ito.  Ilabas lahat ng pera, alahas, relo at cell phone.”

  Ang konduktor naman ay nakadapa sa sahig habang nakalagay ang dalawang kamay sa ulo. Sa tapat niya ay may isa ring mama na may hawak na baril.  Paminsan-minsan ay itinututok niya ito sa sinumang pasahero na nagkakamaling gumawa ng ingay o kakaibang kilos.  Sa bandang likod ay may isa pang sumisigaw habang nakatutok ang baril sa mga pasahero.

Kahit natataranta ay tumalima ang mga tao.  Nanginginig na inilagay sa itim na bag na  hawak ng mamang nakapwesto sa gitna malapit sa kanya ang kanilang mga gamit.  Ito ang nagsilbing kolektor sa pagkuha ng mga bagay na pinaghirapan ng kanilang kapwa pagkatapos ay lilimasin lang nila habang tuloy naman ang takbo ng bus ayon na rin sa utos ng holdaper na katabi ng driver.  Dahil madilim na sa paligid ay walang nakakapansin ng kaguluhang nangyayari sa loob ng bus.

My Blue ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon