Chapter 5: Tangled Autumn

4.9K 144 5
                                    

NGUNIT ang lahat pala ay nakatakdang magbago sa pagdating ng isang  Atty. Frank de Leon, isang substitute teacher sa law subject na biglang iniwan ng isang law professor.

            “Penny, meet Atty. Frank de Leon, siya ang kapalit ni Atty. Paz.” Sabi ni Jen nong minsang nagpang-abot sila sa  faculty room.  “He is only 30 years old and a certified bachelor.”  Makahulugang dagdag pa ni Jen.

            Isang simpleng ‘hi’ and hand shake lang ang simula pero mula noon ay nagpakita na agad ng interes kay Penelope ang binatang abogado.  May itsura naman siya, matangkad at balitang galing sa buena familia,  mga katangiang noo’y inaasam ni Penelope sa isang lalaki.  Pero noon iyon, hindi na ngayon, bulong ni Penelope sa sarili.  Ngayon kasi, isa lang ang gusto ng puso at isip niya, si Ulysses lang.

            “Jackpot ka sa kanya.” Biro ni Jen isang araw habang nanonood sila ng tv sa boarding house.

            “Anong jackpot?” iritadong tanong ni Penelope.

            “O, di ba?  Ganoong klase ng lalaki ang hinihintay mo?  Balita ko mayaman daw ang lawyer na yan at hindi lang basta mayaman, ubod daw ng yaman. Friend, mahihiga ka sa  salapi ka pag naging wais ka.”  May laman ang mga sinasabi ni Jen.  Alam ni Penelope na  medyo nakakahalata na ito sa kanila ni Ulysses.

            “Ayaw ko sa kanya, Jen.” Sambit ni Penelope.

            “Ano ka ba?  Akala ko ba iyong mga ganon ang tipo mo?  Mayaman?”

            “Noon yon.  Hindi na ngayon.” A slight smile curved on the corner of her mouth.

            “Hmm, I smell something fishy.  Nain-love ka na din ba kay Cdt Demonteverde?”

            Bahagyang ngiti ang naging tugon ng dalaga.

            “Kayo na ba?” Nanunuri ang mga mata ni Jen.

            “Yup.” Walang gatol na tugon niya.

            Natampal ni Jen ang sariling noo sa isinagot ng kaibigan.“Ano ka ba?  Alam mong bawal.  Paano pag nalaman ng admin?”  

Penelope breathed  a reply.  “They will not know not unless you tell them.”

            “Of course, I won’t.  You’re my bestfriend.  Hinding-hindi kita ipapahamak.  Pero hindi mo maiaalis sa akin ang mangamba.  You are taking a great risk, my friend.  Sumusugal ka sa isang sitwasyong mas malamang ang matalo ka.  At alam mong higit ang magiging epekto nito kay Ulysses pag may nakaalam ng relasyon ninyo.  Tapos ang kanyang cadetship.  Alam mo naming kapag nadismiss ang isang kadete sa academy, hindi na siya pwedeng makabalik.  Masasayang ang mga paghihirap na  pinuhunan niya dito.  At sa inyong dalawa, higit na magiging kawawa siya.  Ikaw kasi, kahit bata ka pa, kahit papano, stable na.  Eh si Ulysses?  Saan siya pupunta kapag pinalabas siya ng academy? Kahit pa sabihin na matalino siya at degree holder, iba na rin syempre iyong nakagraduate siya ng academy, sigurado na ang future niya.”

            “Am I getting selfish, Jen?  Was it wrong for me to accept his love?  Said Penelope meeting the gaze of Jen.  She can feel the accusing tone of her friend.

            “Wala akong sinabing ganoon.  Ang sa akin ay paalala lang.  Syempre, ayaw ko ding masaktan ka.” The concern in the voice of Jen soothed Penelope’s irritation.

“Kaya nga nag-iingat kami, friend.” Paniniyak ng dalaga pero sa sulok ng utak niya ay alam niyang may katuwiran ang kanyang kaibigan.

            “Kung sabagay, mapipigil ba ang pag-ibig?”  Malungkot na wika ni Jen.  “Good luck sa inyong dalawa.  Mag-iingat lang sana kayo.  Madaming mata sa academy, alam mo na.” Penelope could see the worry and sincerity in the eyes of her best friend.

My Blue ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon