Chapter 11: My Splendor

4.8K 135 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Penelope dahil sa mga boses na narinig niya.  Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya sa Ulysses na may kausap na tatlong lalaki sa bungad ng kuweba.  Hinagilap niya ang kanyang damit na nasa di kalayuan at mabilis siyang  bumangon.  Nagkubli siya sa likod ng malaking bato upang makapagbihis.

Nang masigurong maayos na ang isura niya ay lumabas na siya sa likod ng malaking bato.  Lumapit siya sa mga lalaking nag-uusap.  Nahinuha ng dalaga na mga pulis ang kausap ni Ulysses.

“Nandito lang pala kayo, sir.  Ang tagal naming naghanap sa inyo kahapon.” Wika ng isang  mukhang bagitong pulis.

 “Nagtaka kami dahil bigla kang nawala  pagkatapos mong mapatay ang pinuno ng mga NPA.  Hinanap ka namin hanggang gumabi pero hindi ka namin  nakita pati iyong hostage.”  Sambit naman ng isa pa.  

            “Nahulog kasi siya sa bangin,” Bumaling si Ulysses kay Penelope nang maramdaman ang paglapit ng dalaga.    “Bumaba ako ng bangin para iligtas  siya kaso nawalan siya ng malay at hindi ko naman siya kayang buhatin pataas mula sa bangin.  Sumisigaw ako noon pero hindi ninyo ako nadidinig, siguro ay malayo na kayo sa kinalalagyan namin.  Nagkataong low bat pa ako tapos nahulog kung saan yung handled radio habang bumababa ako dito.”

            Nagsimula na silang bumaba ng bundok.  Hindi nagsasalita si Ulysses habang naglalakad sila ngunit maagap naman ito sa pag-alalay kay Penelope sa mga parte ng daan na medyo delikado.  Panaka-nakang sumusulyap sa kanilang dalawa ang tatlong pulis ngunit wala namang sinasabi sa mga ito.

            Sa paanan ng Mt. Batulao ay naroon ang mga kaibigan ni Penelope at ilang kasama. Hindi daw sila umalis doon hangga’t hindi natitiyak na ligtas ang dalaga.  Umiiyak na yumakap sa kanya ang tatlo niyang kaibigan.  Bawat isa’y nagsabing nagsisisi  kung bakit pinilit pa nilang  sumama siyang umakyat ng bundok at humihingi ng kapatawaran kung bakit wala silang nagawa noong dinala siya ng mga NPA.  Puro ngiti at tawa lang ang itinugon niya sa pagdadrama ng  tatlo kung kaya ganoon na lang ang  pgtataka ng mga ito.  Sa halip ay nagpasalamat pa siya sa pagyayaya ng mga ito sa kanya na umakyat ng bundok hanggang sa pag-iwan ng mga ito sa kanya at maging sa pagkahulog niya sa bangin.     Sa pasikretong paraan ay sinabi niya sa kanyang mga kaibigan na ang pulis na nagligtas sa kanya ay si Ulysses, ang dati niyang kasintahan na laging laman ng kanyang mga kuwento sa kanila.  Ang pag-iyak ng tatlo ay biglang napalitan ng kilig.  Alam ni Penelope na  masaya din ang kanyang mga kaibigan   para sa kanya..

            Dumiretso sila sa ospital upang malapatan ng lunas ang mga gasgas at sugat na natamo niya sa pagkakahulog sa bangin.  Sa magarang sasakyan ni Ulysses sila sumakay at siya pa ang personal na nagmaneho.  Asensado na siya, sabi ni Peneope sa sarili.  Napangiti siya sa isiping  natupad na ni Ulysses ang kanyang mga pangarap.  At batid niyang may isa pa itong pangarap na kapwa nila bibigyan ng katuparan, at iyon ay kanilang pag-ibig.  Pero malapit na iyon, abot-kamay na nilang pareho.  Pagkatapos ng problemang ito, alam niyang hihilingin ni Ulysses  na mag-usap sila ng masinsinan.  Nagbalik na siya sa wakas.  Tinupad niya ang kanyang pangako na kung mawalay man siya sa  ay sisiguruhin niyang siya ay magbabalik.   At nangangahulugan ito na tapos na kanyang paghihintay. Parang lumilipad sa ulap ang pakiramdam ng dalaga. 

Pagkatapos ng kaunting gamutan sa ospital  ay pumunta sila sa presinto upang kunan ng mga salaysay.  Napag-alaman ni Penelope na  si Ulysses pala ang hepe ng pulisya doon. Naging abala siya masyado sa paghahanda ng report at sa pag-istima sa media na biglang nagdatingan matapos mabalitaan ang naging engkwentro nila sa NPA kaya tila ay bigla’y nakalimutan nito si Penelope.

            Nagyaya nang umuwi ang tatlo niyang kaibigan .

            “Tapos na tayong kunan ng statement,” si Espie.  “Pwede na tayong umuwi para makapagpahinga ka na.”

My Blue ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon