Chapter 1

110 6 3
                                    

Chapter 1: The Weeding Night


Mariing napapikit si Lysam nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at pinagmasdan ang malawak na kwarto. Pumapasok ang sariwang hangin sa nakabukas na sliding door at inililipad ang mga puting kurtina sa gilid ng pintuan.

Unti-unti siyang bumangon mula sa pagkakahiga, kinamot ang kanyang magulong kulot na kulay kayumangging buhok at humikab saka umunat. Naaninag niya ang kanyang salim na nakapatong sa headboard kaya kinuha nya ito at isinnuot.

"Anong nangyari? Kaninong bahay 'to? At bakit ako nandito?" 'Yan ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Pilit niyang inalala ang mga bagay-bagay.

Ang huli niyang natatandaan ay ang pagsakay nila ni Rafael sa isang private jet papuntang Hawaii nang matapos ang magarbong celebration ng kanilang kasal. Habang nasa byahe, nahilo siya at nakatulog. Then.... Wala na siyang maalala.

Pero sariwa pa sa pandinig niya ang mga boses na narinig niya nang gabi na natutulog siya.

"Ang ganda ng napiling location ni Master. Siguradong di kayo matutunton dito." Narinig niyang sabi ng isang lalaki.

"Mali ka. May nakamanman na sa pagdating namin." Sagot naman ng isa.

"Weeh?.... so anong plano mo?"

"Babantayan ko muna ang babaeng 'to."

"Ano naman ang gagawin ko?"

"Ano bang pinunta mo dito?"

"Vacation!..... ahm! Babantayan ko kayo syempre.... Hehe... 'yon ang trabaho ko.."

"Magmanman ka lang sa malayo. Kapag may nakita kang kakaiba iligpit mo na agad. Siguraduhin mo lang na pulido ang trabaho mo."

"Areglado Boss!"

Pinilit ni Lysam na idilat ang mabibigat na tulakop ng kanyang mga mata at sinilip ang dalawang lalaking nag-uusap.

Nakita niyang nakatayo sa harap ng nakabukas na sliding door ang mga lalaki. Mga ilang saglit lamang, naglakad palayo ang isa sa kanila at naiwan ang isa na nakatayo pa rin sa may pinto.

Nakita niyang bumuga muna ito ng usok, na marahil galing sa sigarilyo, bago humarap sa kanya at naglakad palapit. Nahiga ito sa tabi nya at niyakap siya.

"Wake up Mrs. Martinez." Bulong ng lalaki sa kanyang tainga.
Kahit na natatakot pinilit niyang inangat ang kanyang ulo para pagmasdan ang mukha ng lalaking katabi nya ngayon. Pero bigo siya, masyadong madilim kaya di niya maaninag ang mukha ng lalaki. Napansin ng lalaki na nagising si Lysam kaya bahagya itong napangiti.
"I want to enjoy this night with you." Hinapit ng lalaki ang beywang ni Lysam at masuyo siyang hinagkan.

Dahil sa takot at pangamba hindi nakakilos si Lysam para pigilan ang lalaki sa masamang balak nito. Kaya dahil sa pangyayaring iyon napagtanto niyang kinidnap siya ng isang goon o kaya'y gangster at pinagsamantalahan siya habang natutulog.

Sinuri niya ang kanyang sarili kung baga totoo ang mga alaala na nasa isipan niya o baka naman ay pawang panaginip lamang. Ang suot niya'y isang malaking kulay pulang T-shirt at panty lang ang underwear na suot niya. Niyakap niya ang sarili niya.

"Nooooo.......! Ano na lang ang mangyayari kapag malaman ni Rafael 'to? ...... Siguradong magwawala 'yon!" Kinakabahan niyang usal. Napasigaw na lang siya nang sobrang lakas. Pero napahinto siya nang maisip kung talaga bang magwawala si Rafael kung malaman nitong may nagtake-advantage sa kanya.

Kaya inisip niya ang magiging reaksyon ng kanyang asawa kapag sinabi niya ito. Marahil na pagtataasan lang sya ng kilay at sasabihing, "wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sayo, as long as you won't ruin my reputation!!!"

The Young Dreamers (Young Dee)--- OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon