Chapter 5

72 4 0
                                    

About the picture: Groupie sa bundok ng Tabangaw, insert Jane. #Spaghettinamayluya


Chapter 5- At the Bar

Nakarating din naman ang magbabarkada sa dapat nilang puntahan, kaso inabot sila ng 2:30 ng hapon. Sinalubong sila ng galit na si Marvin. Akalain mo ba namang paghintayin ka ng ganoon katagal?

"Traffic kasi e." Paliwanag ni Nestella.

"Marami ka bang niluto? " tanong ni Lysam. "Gutom na gutom na ako e." Sabi pa niya at hinilot ang tiyan niya na para bang humihilab sa gutom.

"Ipinainit ko na. Kanina pa kasi kaya lumamig." Sagot ni Marvin at pinagmasdan ang pinsan. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Marvin. Mahirap kasi kapag nagutom ang isang to.

"Oo naman!" Masiglang sagot ni Lysam.

"Wag kang mag-alala. Sya ang umubos ng isang balot ng crackers na dala ni Renzo." Sabat ni Grace. Gumaan ang pakiramdam ni Marvin dahil sa sinabi ni Grace. Nag-aalala lang naman sya para pinsan nya.

Patakbong lumapit si Lysam kay Jane na kasalukuyang nasa tabi ni Simon. Hinawakan niya sa kamay si Jane at hinila palayo. Talaga tong si Lysam, alam na alam ang great timing para manira ng moment nang may moment.

"Tara sa loob, Jane. Gutom na ako!" At nagpatianod naman si Jane sa pagkakahila ni Lysam.

Sumunod naman ang iba sa pagpasok sa RestoBar na pagmamay-ari ni Marvin. Sa umaga isa itong restaurant pero pagtuntong ng 6:00 ng gabi isa itong bar. Marami ang pumupunta rito na mga customers pero ang ibang pumupunta ang sadya lang ay makita ang BluSean o di kaya'y si Marvin. Pero mas pinaprioritize ni Marvin ang mga VIP customers nya. Kaya hindi rin basta-basta makakapasok sa kanyang bar ang mga fans.

“Buti nakasama kayo…” Bati ni Marvin sa dalawang lalaking kasama ni Nestella. Inabot niya ang kamay ng bawat isa sa mga ito at hinila palapit sa kanya para magbangga ang baso nila and then he pat their back. The boys also do the same to him.

“Nagyaya si Princess kaya sumama na ako.” Paliwanag ni Simon.

“Hindi ko matanggihan, masyadong mapilit e.” nangingiting sabi ni Kim. “Okay lang naman siguro?” 

“Ano ba naman kayo? Syempre! Masaya nga kung marami.”

Natawa sina Kim at Simon sa sagot ni Marvin. “Bakit?”

“Magpinsan nga kayo ni Lysam.” Natatawa pa ring sabi ni Kim na pinagtakhan naman ni Marvin.

“E yun rin ang sabi ng pinsan mo e. ‘Mas marami, mas masaya!’” sabi ni Simon at ginaya pa ang pagkaenergitic ng pagkakasabi ni Lysam. Natawa naman silang tatlo.

Lumapit sa kanila si Nestella. “Boys! Hurry! Gutom na kami. Ano pa bang pinag-uusapan nyo dyan?” 

“Wala naman, Baby.” Sabi ni Kim at hinapit ang beywang ng nobya para mapalapit sa saka ginawaran ito ng halik sa noo. “Nagkabatian lang.” 

“Wag nga kayo masyadong PDA!” saway ni Simon sa magkasintahan.

Pinaningkitan ni Nestella ang sinabi ng Kuya niya. “Bagay talaga kayo ni Jane, pareho kayong mga bitter. Ligawan mo na kasi yon para maging inspired naman kayong pareho…” pang-iinis ni Nestella sa Kuya pero napangisi lang ang kuya nya.

“Darating din tayo dyan….” Mayabang na sabi nito at pinuri naman siya ng dalawang lalaki samantalang pinagtaasan lang siya ng kilay ni Nestella. 

“Dito tayo!” sigaw ni Lysam para tawagin ang pansin ng mga kasamahan niyang naiwan. “Bilisan nyo! Gutom na ako!”

Pagkatapos nilang kumain, pumunta sila sa boutique ni Grace na nasa loob ng isang mall, di kalayuan. Pumili sila ng maisusuot para sa party na isinaayos nila. Marami marahil ang darating; nag-invite si Grace ng mga kakilala niya; sinabihan rin ni Nestella ang halos kasali sa sports na pumunta at nagyaya rin si Marvin ng iba, lalo na ang mga kabanda niya.

The Young Dreamers (Young Dee)--- OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon