Chapter 8

57 3 0
                                    

About the picture: Picture muna bago dumating ang Prof. Sa education building.


Chapter 8-There's Something Wrong!

Nang makalayo-layo na sina Jane at Kim mula sa bar, nagpalit sila ng pwesto, si Jane na ang nagmaneho.
Mag-iisang buwan na rin umpisa nang turuan ni Kim si Jane na magdriving at masasabi niyang malaki ang improvement ni Jane ngayon.

"Pwedi ka nang kumuha ng license." puri ni Kim.

"Talaga?"

"Pagkatapos, mag-apply ka ng driver ng cab para may sideline ka at dagdag kita." Natatawang sabi ni Kim. Bigla namang inihinto ni Jane ang sasakyan at pinaghahampas sa braso ang kanyang kaibigan na pinagtatawanan pa rin siya. "Aray ko naman! Bakit? Magandang idea naman ang naisip ko ah?"

"Bw3s8t!" singhal ni Jane at bumalik sa pagmamaniho. Hindi pa rin mawala ang tawa ni Kim nang dahil sa sinabi niya.

"Pinoproblema mo ang allowance, kaya binibigyan kita ng magandang option."

"Manahimik ka! Gagawa na lang ako ng paraan para magkapera ako."

"Bakit? Masama ba ang pagiging driver, marangal naman na trabaho yun, ah?"

"Nag-aaral ako."

"Time management ang kailangan mo. Pwedi ka namang mag-aral sa umaga then part-timer sa gabi. At least kumikita ka."

Napaisip naman si Jane sa sinabing iyon ni Kim. "Well, may point ka don. Pero ayaw ko parin, stick muna ako sa pagiging manager nyo. Teka! Malapit na ang game nyo, pero hindi kita nakikita sa mga practice, bakit?"

"Lay low na lang muna ako!"

"Huh! Hindi ka ba sasali?"

"Balak ko sanang mag-quit."

"What?" gulat na sigaw ni Jane at bigla siyang napaapak sa break. "Magku-quit ka? Malapit na ang game? At alam ba to ni Simon?"

"oo."

"Anong sabi nya? Okay lang ba sa kanya na mag-quit ka? Sinong papalit sayo?"

"Pwedi ba isa-isa lang, mahina ang kalaban..." biro ni Kim pero hindi man lamang natawa si Jane dahil hinihintay niya ang sagot ng kaibigan. "Hindi pumayag si Captain, pero binigyan nya ako ng option na makakapag-quit ako kung makahanap ako ng kapalit na mas magaling kungpara sa akin."

"So hindi ka magkakapag-quit?" tanong ni Jane pero batid na nya ang sagot dahil malabong makahanap siya ng kapalit na mas magaling kungpara sa kanya.

"Well, I already found one."

"What?"

"At sya ang makakasama nyo starting Monday." Muling pinatakbo ni Jane ang sasakyan at muling ibinalik ang pansin sa daan.

"Seryoso ka ba talaga sa desisyon mo? You really love basketball." Nanlulumong tanong ni Jane.

"Yes! Kailangan e."

"Why?"

"It's just that..."

"Alam ba to ni Nestella?"

"Hindi. Hindi ko pa nasasabi sa kanya at ayaw kong sabihin. Magtatanong lang yun nang magtatanong."

"May problema ka ba?" tanong ni Jane. Alam niya na may iniisip ang kaibigan na isang malaking problema dahil hindi nito basta-bastang iiwan ang basketball team kung wala.

"Huh? How do you say so?"

"I know there is something bothering you, what is it?"

"No, i-it's nothing. Really!"

The Young Dreamers (Young Dee)--- OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon