8.2

104 5 1
                                    

Chapter 8.2

-Ysabella-

I look at the glass window mainit ang sikat ng araw sa labas.

Medyo traffic nga dahil nakahinto ang mga kotse sa high way.

I was about to say something when someone arrived.

Kaiden looked tense. He keep on tapping his fingers sa table.

"Hi, you must be Ysabella.."

Maarteng sabi nito. I rolled my eyes.

Nakita kong tumayo si Kaiden and held her hand.

Seriously? Ito ba ang dahilan kung bakit ako inaya ni Kaiden na maglunch?

Sino naman 'to?

Ngumiti naman ng pagkatamis tamis yung babae.

Nakita ko naman na tumayo si Kaiden at sinenyasan din akong tumayo.

Ngumiti din ako pero.. Nag fade away din yun kaagad dahil sa sinabi nito.

"I'm Catherine. Girlfriend ni Kaiden"

ano girlfriend ni Kaiden?

Paano?

I thought.. I can't take it anymore.

Tumalikod ako para maitago ang disappointment.

Nawala yata ako sa sarili ko, bumalik na lang ako sa katinuan when I felt somebody tap my back.

Kaiden this is not funny. I said in my mind.

"Ysabella"

Ayokong tumingin sa likod ko. Ayoko syang harapin.

Basta ang weird sa feeling.

Yung parang masikip sa dibdib. Parang hirap huminga.

Hindi ko na alam. Nalilito na ako it's just like the world stops moving.

nasasaktan ako sa nakita ko,sa nalaman ko.

Joke ba 'to? Tatawa na ba ako?

Hindi pwede ito. Bakit ako pa ang napili mong saktan Kaiden? Pinaasa mo ako. Damn it . Kung kaylan alam ko na sa sarili ko na gusto na kita.

This is so wrong. Hindi. Hindi ko gusto si Kaiden.

Nilandi mo ako pagkatapos may girlfriend ka na pala.

Shit

I sigh and get my phone dahil naramdaman kong nagvibrate ito.

Tumatawag si Elisiah.

Lumayo muna ako ng kaunti.

Narinig ko naman na busy silang nagbubulungan at tumatawa pa.

Minutes later..

"Uuwi muna ako may biglaang meeting sa firm. Mauna na ako Kaiden" pagsisinungaling ko kahit wala naman talagang meeting.

He didn't even say anything. Jerk!

Nasa labas na ako ng restaurant ng ma-realize ko na naiwan ko pala yung wallet ko sa table.

Bumalik ako sa table. I saw my wallet na hawak nung babae na kasama ni Kaiden.

She's playing with it at halatang bored na rin siya.

Lalapit na sana ako but I got shocked when I heard what Kaiden said may kausap siya sa phone. Nakatalikod siya kaya malamang hindi niya ako nakikita.

"Thirty percent palang ang nakukuha ko sa shares ng mga Cruz .. But its a big privilege for me. For us "

Tapos tumawa siya

Tumakbo ako palayo..

Kasabay ng biglaang pagbuhos ng ulan.

I leave the restaurant. But hindi ko na kasama ang puso ko sa pag alis.

Naiwan ko.

------

"Hinihintay ka na nila sa board room" sabi ni daddy habang nakatayo sa harapan ko.

Then he leaves the room

Everything that happened yesterday is just like a nightmare.

Kahit anong distraction ang ipilit ko sa sarili ko hindi pa rin ako makapag isip ng tama.

Kagabi, may sarili yatang utak yung mga kamay ko kasi I found myself typing his name sa google.

Kaiden Fraser Salvatore.

Everything that you want to know about him is on the webpage.

Then I didn't know that I was sending him an email.

I request to his secretary to have an appointment with me.

Hindi ko kasi macontact ang phone niya kagabi.

I'm still confuse.

For now I know in myself that I can't stand alone. I can't be independent. Nasaan na ba yung Ysabella na binuo ko sa paglipas ng panahon?

Akala ko kaya ko nang maging matapang. Katulad ni Elisiah na kailan man hindi nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao, kahit na sa pamilya pa namin.

Akala ko na lahat ng bagay sa paligid ko, kaya kong pangunahan.. na ako lang ang may karaptan na magcontrol dito.

Pero nagkamali ako. Dahil lang sa nararamdaman ko na ito..

Ako ang naging talunan sa huli.

I should not let him be a part of my life. AGAIN

Dahil sa katangahan ko ako ang nasakatan.

Dapat hindi ko na siya hinayaan na makapasok sa buhay ko nung simula palang.

Now I regret that ako pa ang unang lumapit sakanya..

Dapat hindi na ako gumanti sa pang aagaw niya ng investors. Mas lalo ko lang napalala ang sitwasyon namin.

Hindi ko dapat pinaniwalaan yung mga sinasabi niya.

Hindi dapat ako nagtiwala.

I walk across the room and open the door para panuorin ang annual introduction sa naka line up na mga projects ng firm.

---

-Autumn

The wrong kind of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon