September 1, 2003...
Umuwi sa kanilang bahay si Gino galing America.
May dala dala itong sanggol na babae. Ang sanggol na iyon ay ang kanyang anak dahil nakahanap siya ng ibang babaeng mamahalin doon sa America pero di nagtagal ay iniwan din siya nito kaya bumalik siya sa original na asawa niya dito sa pinas.
Kumatok siya sa gate ng bahay nila na di gaanong malaki, maya maya ay binuksan ng asawa niya ang gate at nagulat ito ng makita siya at ang sanggol na dala dala niya which is yung anak niya.
"Walang hiya ka!!! Matapos mo kaming iwan ng anak mo dito, babalik balik ka at kasama mo pa yang anak mo sa labas!" Sabi ng asawa niyang si Stella at sinampal siya nito.
"Sorry" iyon nalang ang salitang nasabi ni Gino.
"Sorry? Sorry mo mukha mo!"
"Ma sino y----... Papa?" Sabi ng nag iisa nilang anak na si Leon na lumabas galing sa bahay nila.
"Anak...." sabi ni Gino habang nakatingin kay Leon.
"Sino.... yang....sanggol na yan pa?" Nagtatakang tanong ni Leon.
"Umalis ka na nga!!! Wag ka ng magpapakita samin ng anak mo!" Sabi ni Stella at tinulak tulak niya si Gino papalayo para masara na niya ang gate.
"Sandali, may ipapakiusap lang ako." Sabi ni Gino
"Ano?!!" Galit na tugon ni Stella
"Kakapalan ko na ang mukha ko para sa anak ko... Di ko na kasi alam kung paano ko bubuhayin ang anak ko. Kahit siya nalang ang tanggapin mo wag na ako." Sabi ni Gino habang umiiyak.
Napatingin naman si Stella sa bata, medyo payat na ito at parang kawawang kawawa.
Oo galit siya, pero hindi niya maintindihan kung bakit mas nangingibabaw yung awa niya kesa sa galit nang pagmasdan niya ang bata.
"Oh siya, sige. Pero asahan mong hindi magiging maganda ang trato ko sa anak mo." Sagot ni Stella.
Binigay na ni Gino ang bata kay Stella. At tumalikod na si Gino kay Stella.
Maglalakad na sana siya papalayo pero may naalala pa pala siyang dapat niyang sabihin kay Stella.
"Siya nga pala, Aurelia ang ipangalan mo sa kanya." Sabi nito habang nakatalikod. Matapos niyang sabihin iyon at tuluyan na siyang umalis
Nang medyo malayo layo na siya ay lumingon siya sa bahay nila habang lumuluha ang kanyang mga mata.
Pasensya ka na anak,
Magtiis ka muna diyan. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para maka luwag luwag sa buhay. At pag nangyari yun, Iaalis na kita diyan. Alam ko naman na magiging miserable ang buhay mo diyan pero mas mabuti na yun kaysa mamatay ka sa gutom.
BINABASA MO ANG
Hope On The Street
Novela JuvenilBecause of so many challenges that she faced in her life, she became downhearted or should I say hopeless. But one day, She found a HOPE ON THE STREET then she finally learn how to be happy. But is that happiness she feel will last forever?