HOPE 2

2 1 0
                                    

"Uy! Gumising ka na nga! Bakit wala pa kaming almusal ha? Takte anong oras na tulog mantika ka parin!" Galit na galit na sambit ng leon. Dahil dun ay agad bumangon si Aurelia at gulat itong napatingin sa orasan sa kanyang kwarto.

9:32am

Shocks bulong ni Aurelia sa kanyang sarili.

"Kami lang dapat ni mama ang nagigising ng ganitong oras. Ikaw, dapat maaga ka! Bwisit ka. Alam nang ikaw ang taga luto ng almusal bakit di ka gumising ng maaga?!" Di na tumigil kakatalak ang kanyang kuya. Upang maiwasan ito dahil rinding rindi na siya, pumunta nalang siya sa kusina at nagluto na ng almusal.

Matapos niyang magluto at kumain ng almusal, nag cellphone muna siya saglit at laking gulat niya ng makita ang mga chat sa kanya ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang Group chat

Group chat name: 👽ALIENS👽

Anna: Hoy Aurelia!!! Asan ka nang bruha ka?!

Clare: oo nga Aurelia, where na u? Late ka noh?

Anna: or baka absent siya ngayon. My ghad Aurelia, first day na first day!

Anna: Aurelia!!! Mag sstart na yung class!

Clare: Aurelia magsstart na yung class bahala ka na dyan.

Aurelia replied.

Aurelia: Sorry. Absent ako ngayon. Late ako nagising eh😭😭😭

Di na nila nireplyan or kahit sineen manlang si Aurelia.  Naisip ni Aurelia na baka kasi dahil nagstart na ang class.

Nanghinayang si Aurelia sa perfect attendance award dahil first day palang absent na ito.

**

Nang hapon na, naisipan na ni Aurelia na bumalik na sa bahay ni lola Karmen. Di na siya nagpaalam sa kanyang mama at kuya dahil naisip niya na wala naman itong paki kung saan man siya pumunta. Kahit nga siguro pag di na siya umuwi wala paring paki ang mga yun sa kanya.

Nang makarating na siya naabutan niyang nanonood ng TV sa sala ang matanda.

"Lola nandito na po ako." Dali daling pumasok si Aurelia sa bahay ni lola Karmen at nag mano ito sa matanda. Bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan ng makita niyang muli si Aurelia.

"Naku pasensya ka na apo ah. Medyo masakit ang tuhod ko ngayon, pwede bang ikaw muna mamalengke? Gusto ko sana ng sinigang. Ililista ko nalang ang mga kailangan mong bilhin."

"Ah sige po lola." Pag sang ayon ni Aurelia.

Nang nasa palengke na si Aurelia mabilis niyang nahanap ang mga dapat niyang bilhin at humingi pa siya ng tawad sa iba niyang pinamili just to save money.

Medyo hingal na huminto si Aurelia sa gilid ng isang tindahan habang dala dala niya parin ang mga pinamili niya.

Maya maya may pamiliar na lalaking bumili sa tindahan kung saan siya huminto.

"Ate, isa pong pakita? Pakiti? Patike? Pakite?" Natawa si Aurelia dun sa lalaki. Pati narin ang tindera. At dahil matulungin siya, nilapitan niya ang lalaking iyon.

Syempre habang dala dala parin ang kaniyang mga pinamili.

"Pakete." Nakangiting sambit ni Aurelia sa lalaki. Napatingin naman ang lalaking iyon sa kanya. At laking gulat ni Aurelia nang maalala niya kung sino ang lalaking iyon.

Yung lalaking nakita kong sumasayaw kagabi

Naka grey na oversized tshirt siya at ripped jeans. May suot din itong necklace. Kulay black na pang kpop star ang buhok nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hope On The StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon