After 16 years...
Saing ✔
Linis ng bahay ✔
Washing the dishes ✔
Washing lola Karmen's clothes ✔
Magligpit ng kwarto ni Lola Karmen ✔Napaupo muna si Aurelia sa hagdanan matapos nitong gawin ang sandamak mak na household chores. It's obvious that she's really feeling exhausted kasi naliligo na ito sa pawis.
Ginagawa niya ito para may pang gastos siya. Sagot ng mama niya ang tuition niya pero ang pang araw araw niyang pangangailangan ay sa kanya na. Kaya kinakailangan niyang mamasukan upang may pang gastos siya para sa mga pangangailangan niya.
Buti nalang may mabait na matandang babae na tumanggap sa kanya. Ang matandang babaeng iyon ay si lola Karmen.
Bakasyon pa naman niya, sa lunes pa magsisimula ang klase, kaya dito siya nananatili sa bahay ng matanda Monday to Saturday. Pag linggo lang siya umuuwi sa kanila. Ayos lang naman yun sa mama at kuya niya since ayaw din naman nilang makita ng madalas si Aurelia.
"Aurelia?" Lola Karmen called her. Agad naman lumapit si Aurelia at kinuha niya ang mga pinamili nito.
74 years old na ang matanda pero malakas pa ito. Namalengke ito saglit, malapit lang naman ang palengke sa bahay niya at konti lang naman ang pinamalengke niya since wala naman siyang ibang kasama sa bahay kundi si Aurelia lang kaya kayang kaya na nito mamalengke mag isa. At isa pa, mas prefer pa ng matanda lumabas at mamalengke kaysa gumawa ng gawaing bahay.
"Aurelia magluto ka na ng hapunan, nang makatulog tayo ng maaga." Utos ni lola Karmen. Tumango naman si Aurelia at nagsimula na siyang magluto ng sinigang para maka tulog na sila ng maaga.
**
Gumising ng maaga si Aurelia upang umuwi na sa bahay nila. Nakapag paalam naman na siya sa matanda dahil nagising din ito ng maaga.
"Aurelia, aalis kami ng kuya mo. Magsisimba kami.... At siya nga pala, baka gabihin kami. Mag bbonding muna kaming mag ina, Wag mo na kami ipagluto kasi kakain kami sa labas. Ikaw na bahala kung ano kakainin mo." Sabi ni Stella, ang kanyang ina. Tumango naman si Aurelia bilang pag sang ayon sa mama niya.
Pusturang pustura ito, naka dress na color blue, naka bun ang hair at nakamake up. Ang kuya naman nitong si Leon ay naka polo at naka jeans.
Madalas magbonding ang kuya at mama niya dahil mama's boy ang kuya niya. Wala pa itong girl friend kaya sa mama niya nilalaan ang pera niya na nakukuha niya dahil sa bussiness niya na Ice cream shop.
"Walang CREAMestry" ang pangalan ng Ice cream shop niya. Kaya ganun ang pangalan nun dahil naisip na kuya niya na gawin ang Ice cream shop na yun para sa mga sawi. At isa pa medyo bitter itong kuya leon niya pagdating sa pag ibig, di kasi masyadong jowable, char Hahahahaha!
Sadyang ayaw niya lang talaga muna magka jowa. He's single by choice.
Di nagtagal ay umalis na sila.
Anak din naman ako ni mama, kapatid ako ni kuya leon. Pero bakit ganun? Bakit kahit kailan hindi ko naramdaman na bahagi ako ng pamilyang ito?
Sabi ng dalaga sa kanyang isip. Sanay naman na siya pero hindi niya parin maintindihan kung bakit nasasaktan parin siya sa tuwing hindi siya sinasama ng mama at kuya niya sa lakad nila.
Parang pinipiga ang puso niya sa tuwing pagmamasdan niya itong umalis sa bahay ng hindi siya kasama.
Hindi napansin ni Aurelia na tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata habang naka tayo siya sa may gate nila at pinagmamasdang lumayo ang kotse ng kuya niya.
Nang mapansin na niya na umiiyak pala siya ay agad niyang pinunasan ang kanyang luha at naglinis nalang siya ng kanilang bahay.
**
![](https://img.wattpad.com/cover/192028353-288-k392062.jpg)
BINABASA MO ANG
Hope On The Street
Ficção AdolescenteBecause of so many challenges that she faced in her life, she became downhearted or should I say hopeless. But one day, She found a HOPE ON THE STREET then she finally learn how to be happy. But is that happiness she feel will last forever?