PROLOGUE

192 34 77
                                    

Puro putok ng baril ang umaalingawngaw sa lugar na ito. Umuulan. Nagkalat ang mga patay, pero patuloy pa rin kaming tumatakbo.

"Kumapit ka sakin!" Nawalan s'ya ng balanse at napaupo sa basang damuhan dahil sa tama ng baril sa kanyang t'yan.

"Pakiusap! Dave! Tumakbo ka na!"

"Hindi! Hindi kitang pwedeng iwan dito."

"Ikaw ang kailangan nila. Hindi ka nila pwedeng makita!"

Lagi na lang akong tumatakbo.
Lagi na lang akong tumatakas.
Sa pagkakataong 'to kailangan ko na silang harapin. Wala nang makakapigil pa sa akin.

'Di ko na hahayaan na may masaktan pa sa mga mahal ko.

Pinulot ko ang baril at agad na tumakbo sa dinaanan namin. Narinig ko pa ang pakiusap n'ya na bumalik ako pero buo na ang desisyon ko.

Kailangan ko nang lumaban.

Sinalubong ako ng taong kanina pa humahabol sa amin.

Nakamaskara.

Tinutok ko ang baril sa kanya.

Unti-unti nya'ng tinanggal ang takip sa mukha n'ya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko s'ya ng tuluyan. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko ng makilala ko kung sino ang taong nasa harapan ko.

Hindi maari!

"Patawad, mahal ko!"

Wala na akong ibang maramdaman,
kundi ang luhang sunod-sunod na pumapatak sa mga mata ko.

Sobrang sakit!

Bakit sa lahat ng tao siya pa!?

***

Edited

PRIAM'S ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon