CHAPTER 2: NEW STUDENT

129 37 104
                                    

A/n: Kapag may nakita po kayong ganitong note, ibig sabihin ay na-edit ko na nang tuluyan ang chapter na ito. Pero kung wala pa ay expect grammatically error at mga wrong typos. Kung may reklamo pa po, basa ka na lang iba.
Thank you! I love you pa rin. Muaaahh!

Dave Klein

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong isuot ang uniform na binigay sa akin ni Sir Robert. Talagang pinaghandaan na n'ya ang pagaaral ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na parang kahapon lang kumakain lang ako ng ensaymada sa gilid ng kalsada tapos ngayon nakatira na ako sa isang malaking bahay. Tapos pagaaralin pa ako ng may-ari nito?
Iniisip ko nga na baka nababaliw na ako, dahil sa kakaisip sa nagawa kong kasalanan dati. Sana may sumigaw sa akin ngayon at sabihing, "Totoo 'to, harapin mo ang totoo!"
Pero kahit wala namang magsabi 'non, alam ko sa sarili kong totoo ito.

Bakit ba kasi hindi ako masaya?

Kinuha ko na lang ang bag na pinatong ko sa kama ko. Wala na rin pala ang mga damit ko na dala-dala ko, dahil tinapon na lahat 'yon ni Sir Robert kanina at pinalitan ng mga bago. 'Di ba? tapon-tapon na lang, walang paalam-paalam. Hay buhay!

Kinakabahan pa rin ako dahil sinabi niya sakin na hindi ordinaryong paaralan ang papasukan ko kaya di ko maiwasan mapaisip siguro mayayaman ang mga pumapasok dun baka ibully lang nila ako. Wala pa naman ako masyadong alam dahil Grade 6 lang natapos ko. Pero kahit gano'n marami nagsasabi na matalino daw ako. Lagi kase ako nakakakuha ng matataas na marka sa probinsya namin. Pero alam ko rin na iba ang Maynila mas advance ang pagtuturo nila dito kaya 'di ko maiwasan na mangamba.

Kaya mo 'yan Dave.

"Dave, bakit 'di mo ginagalaw pagkain mo?" Tanong ni Sir Robert.

"S-sir kinakabahan po kasi ako." Nakayuko kong sabi

"Wag kang kabahan. Alam kong kaka yanin mo 'yan. Pag may problema ka tawagan mo lang ako," may inabot s'ya saking isang bagay.

"Ano po tawag dito?" Katulad ito ng nakita kong hawak niya nang unang magkita kami.

"Cellphone, gamitin mo 'yan para tawagan ako if in case magkaroon ng emergency. I-dial mo lang ang call button, nakasave na ang number ko d'yan."

"Sige po sir," sabi ko at kinuha na ang cellphone at nilagay sa bag ko.

"At pwede ba 'wag mo na akong tawaging Sir, Tito na lang. Nagmumukha akong matanda n'yan eh," aniya habang nagpipigil ng tawa.

"Sige po Sir- t-tito."

Masasanay din ako.

"Sumabay ka na sakin. Ihahatid na kita sa school mo."

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PRIAM'S ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon