CHAPTER 9: MARCUS BAR

46 5 10
                                    

DAVE POV

Nakarating na kami sa destinasyon namin. Bago kami lumabas ay may inabot sa amin si Luke na mga baril. Kakailanganin daw namin ito para proteksyunan ang mga sarili namin.

Nagaalinlangan pa akong abutin pero kalaunan ay tinanggap ko na rin.

Ito 'yong baril na pinakita nila sa akin, may nakaukit na D.K sa hawakan nito.
Stands for Dave Klein.
Ipinasok ko ito sa loob ng pantalon ko, siniksik sa mga bewang ko. Syempre tinanggal ko muna yung longsleeve na nakatuck-in para maitago saka ibinalik.

Si Emerald naman ay itinaas ang suot n'yang dress at nilagay sa hita n'ya ang baril. May nakatali na parang bulsa na lagayan ng baril dito. Medyo napilig pa ang ulo ko dahil sa legs n'ya. Ang kinis. Ngumiti pa s'ya sa akin.

Si Alissa at Feby naman ay nilagay ang mga baril nila sa hand bag na dala-dala nila.

Pinaliwanag na sa amin ni Luke ang gagawin. Kaya handa na ako, o baka handa na ako.

Medyo kinakabahan pa kasi ako.

"Hindi ba tayo kakapkapan?" Tanong ko sa kanila.

"Kakapkapan, pero 'wag kang pumayag." Sabi ni Wilson.

"Huh? Anong 'wag pumayag." Takhang tanong ko dito.

"Pagmamay-ari ni Sir Priam ang Bar na yan." Sabi naman ni Alissa.

Gets ko na? Alam ko na ibig nilang sabihin.

Isa-isa na kaming lumabas ng sasakyan, napabuntong-hininga ako dahil  'di pa rin nawawala 'yung kaba ko.

"Just breathe and relax" bulong sakin ni Alissa kaya sinunod ko s'ya.

Unti-unti naging normal ang paghinga ko.

"Dave, ikaw ang mauuna. Alam mo na ang gagawin." Tumango ako kay Luke at nagsimula ng maglakad papasok sa entrance agad naman silang sumunod sa akin.

Nakita ko ang dalawang bantay na pagkalaki-laki ng katawan na nakatayo sa main door. Tumingin sila sa amin.

Kaya mo yan Dave.

'Pagkalapit ko sa kanila ay agad  hinawakan ng isa ang mga hita ko pataas, kinakapkapan nila ako. Bago nila makapa ang baril ko ay nagsalita na ako.

"What are you doing?" Tanong ko sa matigas na tono kaya napahinto ang lalaking kumakapkap sa akin.

"Get your filthy hands off me!" Sinamaan ko s'ya ng tingin at nakita ko ang takot sa mga mata n'ya agad naman n'yang tinanggal ang mga kamay n'ya.

"Pero Sir, kailangan po namin kayo inspeksyun--"

"Don't you know I am?" Hindi ko na s'ya pinatapos sa pagpapaliwanag n'ya.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero hindi ko pinahalata.

Pasensya na trabaho lang.

"S-sino po ba k-kayo?" Nauutal na s'ya sa sobrang kaba.

Nakakatakot ba ako?

"Nagtatrabaho ka dito, 'di mo kilala ang mga amo mo. I am Dave Klein Priam. Robert Priam's Nephew." Nanlaki ang mata n'ya at agad napaluhod sa harapan ko.

"Sir, s-sorry po 'di ko sinasadya." Pagmamakaawa n'ya sa akin.

Tinignan ko naman ang isang kasama n'ya na parang naninigas sa kinatatayuan niya.

"I don't need your apology, I want your Resignation Letter. Ang ayoko sa lahat ang hinahawakan ako, basta-basta." Madiin ko s'yang tinignan at parang iiyak na siya.

PRIAM'S ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon