Prolouge

127 2 0
                                    

Prolouge

"Wag ka nang umangal!" sigaw ni Aaron habang tinutulak niya ako sa corridor.

"Last day na ng sem!" sabi naman ni Cali na nakakapit saakin na parang gwardya sa prisinto.

"T*ng ina lang! Bitawan niyo ako!" sinigaw ko bilang protesta.

"Wag ka ngang bading!" isinama naman ni Nigel na nasa kabila ko naman.

"Promise mo saamin yan bro diba? Sa katapusan ng sem, aamin ka na?"

"At bakit ko naman gagawin yun?" pasigaw kong tinanong na obvious na naiinis na

"Lilipat ka na din naman eh! Ano bang mawawala sayo? Kung may gusto siya sayo, edi okay! Kung wala eh hindi mo na din naman siya makikita ulit."

"Oo nga naman. Magkagusto naman siya o hindi, aalis ka na din naman." added Aaron.

"But..."

"Walang pero-pero! Gagawin mo to!"

Hindi ako tinigilan ng tropa ko para kumbinsihin...correction...Piliting mangumpisal ng aking nararamdaman para sa babaeng matagal ko nang crush.

Cha nga pala, ako si Erik. Erik Baylon. 5 foot 10, 2nd year college. At tulad nga ng sabi nila Aaron, lilipat na ako sa Adamson University. Bakit? Hindi ko na ieelaborate.

Moving on, nakaabot na kami sa labas ng classroom ng babaeng nagpapatibok ng puso ko.

"Ayan na brad! Matatapos na klase niya!" Sabi ni Aaron na sobrang naeexcite sa mangyayari.

Pero teka, sino nga ba ang bibisitahin namin dito? Ang pangalan niya ay Wendy at kahit anong gawin ko o kahit sino ang nililigawan ko, siya pa rin ang #1 sa puso't isipan ko. Napakaganda niya kasi. Hindi lang sa kanyang muka, kundi pati na rin sa kanyang ugali. Walang makeup-makeup pero DAMN! ang ganda niya talaga. Singer, dancer at siyempre scholar pa! Whole package mga pare at ate!

Alam ko sa isipan ninyo, naiisip ninyo, "Erik, ang t*nga mo nga naman! Kung siya nga naman ang #1 diyan sa puso mo, eh bakit hindi nalang siya ang ligawan mo at hindi na yung iba pa?" Eh kasi mga tropa pips, isa ako sa mga tao na tinamaan ng sakit na "TORPE". Sa sobrang lala ng case ko na pwede na din akong sumali sa "Urong Dila Gang" at sa "Nahihiya Clan". Kung hindi nga ako pinakilala sa kanya ng mga kaklase ko ay hinding hindi ko siya makakausap. -__-

At dahil nandito na nga kami sa labas ng classroom ni Wendy, sobrang kinakabahan na ako. Nararamdaman ko nang nawala ang kulay saaking mga muka. At ito na, tumayo na ang mga taong nasa loob ng klase.

Sh*t! Hindi na to kakayanin ng puso ko! Tumalikod na sana ako para umalis pero agad naman akong hinarangan ng mga kaibigan ko. SH*TE! Wana na akong takas dito!

Isa isa na ring lumabas ang mga tao na nasa loob ng classroom at ang alam ko, nakipagcoordinate tong mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Wendy.

Dahil ramdam ko na na hindi na talaga ako makakatakas dito, nilabas ko nalang ang mga bagay na ibibigay ko kay Wendy. Isang sulat at ang pinakaunang university jacket na nakuha ko sa school ko na ito.

Ang sulat na yun ay naglalaman ng lahat ng nararamdaman ko para kay Wendy. Simula una kong pagkahulog sa kanya, hanggang sa moment na ito na umaamin na ako sa kanya. Ang jacket naman ay nagsisimbolo sa lahat ng gusto kong kalimutan sa campus na ito. Ano naman ang logic nun? Kasi, sabi nga naman nila sa math, (+2) + (-2) = 0 kung saan ang numerong 2, ay ang aking mga alaala. *(nosebleeeeeeeeeeed)

Sinenyasan na ng isang kaibigan ni Wendy si Cali. Which means, ito na ang moment of truth.

"Ayan na. Pumasok ka na!" sinabi ni Cali habang hinahawalan niya ang pintuan para saakin.

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon