"AHHHHHHHHHH!!! Bakit wala nang laman bank account ko?!" sigaw ni Thalia.
"Kasi naman ate, kung gumastos ka, akala mo, milionarya ka!" sagot ko naman.
"Eh ikaw? May laman ba account mo?"
"Oo naman! Nagiipon kasi ako."
"Talaga? Pautang naman Erik!"
"Ano ako? Hilo? Ayoko nga!"
"Ang kuripot mo naman! Sige na! One time lang ito!"
"Ayoko nga! May sariling allowance at shares ka naman ah! At padadalhan ka na din naman."
"Wala akong pake! Pautang!"
"Bawal!"
"Hmph!"
Nagaaway kami ni Thalia sa harap ng isang ATM Machine. Nagchecheck kasi kami ng balance para sa ipapadala ni tita. Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi. Nung namatay yung magulang namin, yung tita namin ang nagtake over ng family company namin. Kada buwan, pinapadalhan kami ng pera na galing sa shares namin sa kumpanya.
Ako naman ang magchecheck ng balance...
You have currently have : 8,xxx.xxx php
Nagmulat naman ang mga mata ni Thalia. Aside kasi sa shares namin, may allowance din kami. Yung shares ko, hindi ko ginagalaw sa kabilang account. Ang nasa ATM ko ay ang three years worth ng pagiipon ng allowance.
"Uy! Pwede ko na bilhin yung 'bagay' na yun since na reach ko na yung goal amount."
"So... Pwede na ako mangutang?" Tanong ni Thalia with matching puppy dog eyes ay pout.
"Hindi pa rin. Tigilan mo yung muka mo kasi hindi bagay."
"Ang kuripot mo talaga!"
Matapos namin magaway ni Thalia sa harap ng ATM ay hinatid ko na siya sa dorm nila at umuwi na din ako. Nakakahiya nga eh. Buti nalang walang ibang taong nagwiwithdraw sa bangko na yun. -_- Pag pasok ko sa pintuan ng bahay, nakita ko si Niel na concentrated sa paglalaro niya sa kanyang laptop.
"Pre," sabi ko.
"May plano akong bumili ng kotse. Pahanap naman ako oh."
"Sige pre. Give me 15 minutes. Anong model ba ang gusto mo?"
"2010 Mitsubishi Lancer."
Computer genius itong si Niel. Kung nasa internet ito at legal ito, mahahanap niya. Pagkatapos ng 15 minutes ng pagtype type at pag click click ni Niel ay may nahanap na siyang seller. Pinakita niya saakin yung presyo at yung number ng seller. Maya maya ay tinawagan ko na din siya.
Kinabukasan, pinickup ko na yung kotse. Wala namang kaprobleproblema. Napagdesisyonan ko na ipapaayos ko itong kotse na ito. Ipapaayos meaning ipapatrick-out ko. Dinala ko siya sa isang car shop at iniwan ito.
-----
Two weeks na ang nagdaan matapos kong bilhin yung kotse. Hindi pa rin alam ni Thalia na bumili na ako ng kotse. Gusto ko kasing isurprise siya. Pinuntahan ko yung car shop na kung saan ko pinagawa yung kotse. Nabigla ako sa kinalabasan. Ang ganda kasi.
Yellow paint, black stripes, big exausts, new engine, transmission, interior, sound system and rims.
Proud na proud akong lumabas ng car shop at nagdrive papunta sa UP-Manila. Para saan? Edi para magpasikat kay Thalia. Pagdating ko dun, napansin kong lumabas ng gate sila Thalia kaya agad ko siyang binusinahan at binaba ang aking bintana.
"Hi Ate!" Sigaw ko kay Thalia
"ERIK?! Ikaw ba yan?" sagot niya naman na gulat na gulat
"Ay hindi hindi. Hindi ako ito. Kaya nga ate ang tawag sayo di ba?"
BINABASA MO ANG
Past, Present, Future
Romance"Kung binigyan ka ng pagkakataong pagalingin ang puso ng isang taong nakalimot na kung paano mag mahal, kaya mo bang gawin ang lahat para pagalingin ito?"