Chapter 1

104 2 0
                                    

Umagang umaga pa, nakaupo na ako sa isang classroom na halos walang laman. Nakaupo ako sa pinakalikod sa tabi ng bintana. Masayang nagdadaldalan lang ang mga kaklase ko habang nakatitig ako sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Kulay blue and white ang theme ng school, may mga nagtataasang puno at masayang nagkakantahan ang mga ibon. Pero ako, walang wala ako sa sarili ko. First day kasi ng 2nd sem at wala pa akong kilala. Iniisip ko kung paano ko ipapakilala ang sarili ko.

"Good morning! Ako si Erik Baylon. 2nd Year student from ... Transferee. Mahilig akong manood ng anime, sumayaw at sa musika."

O baka mas magandang english para professional. After all, operations management ang kinukuha ko...

"Good morning! I'm Erik Baylon. 2nd year Operations Management student from ... Transferee. I love watching anime, dancing and music..."

Pinagisipan ko talaga ng mabuti. Gusto ko kasing unang araw palang, malakas na dating ko sa mga bago kong mga kaklase. Tinry ko din lagyan ng kung ano anong lenguahe ang aking introduction para makabulohan.

"Ohayo Gozaimasu! Boku wa Erik Baylon desu. Dozo yoroshiku...."

"Annyeonghaseyeo! Chonun Erik Baylon iieoh. Mannaso bangapssumnida..."

Nangdumating ang professor nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kanya kanyang mga upuan. Ngayon ko lang napansin na halos puno na ang classroom namin ng tao. Agad namang nagpakilala ang professor at isa isa kaming nagpakilala. Nung ako na ang nagpapakilala, nagsimula magbulungan ang mga kaklase ko. Ninerbiyos naman ako.

"I'm Erik Baylon. Transferee from... Bachelor of Science in Business Administration Major in Operations Management. I like dancing, watching anime and listening to music. I am familiar with 4 different languages. Pagdating sa studies, I am the Jack of All Trades, Master of none. Thank you very much. I look forward to working with you all." sabi ko sabay upo. 

Nagsihiyawan ang mga babae sa classroom at nag palakpakan ang mga lalake. Mukang tuwang tuwa sila sa nging introduction ko. At simula dun, nagayos na din ng introduction yung mga natitirang magpapakilala. Gusto ata makipagtalbugan sa intro ko. -__-

Pagkatapos ng klase, nagunat ako sa upuan ko at lumabas agad sa classroom para sa susunod kong klase. Hindi naman ako snob. May mga lumapit naman saakin para makipagkilala at ako'y nagpakilala din. Merong mga babae na naghingi ng number ko para daw "incase may kailangan na project, macocontact nila agad." 

-----

Tapos na ang umaga at oras na para mag lunch. Habang naglalakad ako pa labas ng ST hall, nakita ko yung best friend ko na si Niel Bayani na nagaantay saakin. 

"Yo!" bati ko kay Niel

"Oh. Kamusta first day?"

 "Okay lang naman para saakin so far." 

"SUS! Kunyari ka pa! Balita ko pinagkagulohan ka ng mga babae sa class mo." sabi ni Niel na pabiro.

Tumpak siya! Wala nga talaga akong matatago kay Niel. Bestfriend ko kasi siya simula nung ika-2 taon ko sa highschool. Nakilala ko siya sa isang event na inorganize ng kaibigan ko. Agad kaming nagkasundo at ilang taon na ang nakalipas ay siya ang isa sa mga taong makakaintindi saakin. Kahit na galit na galit ang magulang ko sa kanya sa bagay na hindi ko pa rin naiintindihan, kaibigan ko pa rin siya. "Blood Brothers" ika nga nila.

"HOY! HALIKA NA'T KUMAIN NA TAYO! NAGUGUTOM NA AKO" sigaw ni Niel sa tenga ko. 

O.O

Natauhan naman ako. Tinakpan ko ang tenga ko at hinabol siya na nagmumura kasi ang sakit ng ginawa niyang yun.

Naglakad kami sa isang karinderya na suki na kung saan na si Niel. 

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon