5 am palang, gising na ako. Excited much? Konti. I don't know why pero feeling ko, may malaking pangyayari ang magaganap mamaya at sabi ko nga, pag ako ay nagkakakutod, madalas nangyayari. Hindi ko nga lang maramdaman kung magandang pangyayari ito oh hindi. Sabado naman ngayon at wala kaming pasok kaya bumaba nalang ako at nagwork out.
Streching... Push-ups.... Sit-ups.... Burpies.... Kick training... Streching...
At tapos nun ay nagsimula na akong magluto ng almusal. Nagtabi na ako ng para kay Niel at kumain na, naghugas ng pingan at lininis yung kusina. Sinama ko na din kwarto ko at ang sala sa paglinis. Maya maya ay bumaba na din si Niel at umupo sa kainan.
"Oh. Anong meron?" Tanong ni Niel.
"Wala. Napaaga lang ang gising."
"Teka. Excited ka no?"
"Ha? Hindi ah."
"Ul*l pre. Kilala kita. Nagigising ka ng maaga kapag excited ka."
"Aishh. Oo na."
"At bakit ka naman excited?"
"Lalabas kami ni Pat mamaya..."
"Patay tayo diyan..."
"Bakit naman?"
"Bro, sinabi ko na sayo di ba? Posibleng mahulog ka kay Pat. Kilala kita. Alam ko type mo at weaknesses mo sa babae. Pag ikaw talaga nadali diyan, hindi ako kakampi sayo."
"Hala. Bakit pre?"
"MAY BOYFRIEND YUNG BABAE PRE! Know your limitations. Kung ang girlfriend ko ba ganyan din sayo, makukuha mo bang mahulog sa kanya?"
"Malamang hindi. At oo. Alam ko na may boyfriend na siya. Nakikipagkaibigan lang ako sa kanya. It's not like I'm stealing her. Cumportable lang talaga akong kasama siya."
"Bahala ka bro. Basta sinasabi ko na sayo ngayon."
Kumain na siya at tinapos ko na din yung aking paglilinis. Pagpunta ko sa kwarto ko, naisipan ko nang maghanda. White polo, Jeans, Hikaw at Chuck Taylors lang naman ang porma ngayon. Nothing fancy. At pagkatapos nun, lumabas na din ako gamit yung kotse.
*I think I'm falling, falling in-love with youuuu~*
CHANGE STATION
*You can fly unless you let yourself, fly unless you let yourself fall~*
CHANGE STATION
*Catch me~ I'm falling for you~*
CHANGE STATION
*When he opens his arms and holds you close tonight... It just won't feel right. Cause I can love you more than this.~*
CLOSE RADIO
F*ck! Binabastos ata ako nitong mga radio stations ngayon ah. Ngayon palang, sasabihin ko na. I will never, ever, fall in love with Patricia Duyan.
-----
Pag dating ko sa bahay nila Pat, tinext ko siya at sinabi ko sa kanya na nakarating na ako. Sabi niya naman, magdoorbell nalang. Hindi pa daw kasi siya handa. Kainis naman. Ang tagal talagang maghanda ng mga babae. -___- Ganun din si Thalia eh.
Pag doorbell ko naman, sinagot ng lola ni Pat ang pintuan. Inobserbahan niya muna ako bago magsalita.
"Gwapong binata, ano ang maitutulong ko sayo?" sabi niya.
"Ah... Ehh... Magandang hapon po. Ako po si Erik. Nandiyan po ba si Pat?"
"Oo hijo. Halika muna't pumasok. Naghahanda pa siya."
BINABASA MO ANG
Past, Present, Future
Romance"Kung binigyan ka ng pagkakataong pagalingin ang puso ng isang taong nakalimot na kung paano mag mahal, kaya mo bang gawin ang lahat para pagalingin ito?"