Chapter 2

17 0 0
                                    

"Dalian mo ate! Parating na sina tito. Tsaka kasama nga pala si Kuya Migz! . . ."

"Tsaka kasama nga pala si Kuya Migz! . . ."

" Tsaka kasama nga pala si Kuya Migz! . . ."

" Tsaka kasama nga pala si Kuya Migz! . . ."

" Tsaka kasama nga pala si Kuya Migz! . . ."

        Parang naipako si KAte sa kinatayuan ng marinig niya sa kapatid ang pangalan ni Migz. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung ano ang dapat na maging pakikitungo niya sa binata. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga at isipan niya ang pangalang Migz.

        Mula pagkabata ay magkaibigan na sila. Bago pa man sila ipinanganak ay matalik na'ng magkaibigan ang mga magulang nila. Halos sabay lang din ang mga ito na nagpakasal kaya't magkaedad silang mga anak. Panganay pareho si Migz at Kate. Ilang buwan lang ang tanda ng binata sa dalaga. Ang mga nakababatang kapatid naman nila ay ipinanganak sa magkaparehong buwan. Dalawang taon ang tanda ni Kate kay Karl at ganun din si Migz kay Mike. Bestfriends, yan silang apat. Dahil nag-iisang babae, prinsesa si Kate sa tatlo. Bantay sarado siya dahil sobrang protective sila sa kanya, lalong lalo na si Migz. Habang lumalaki hinangad din ni Kate na sana ay magkaroon pa siya ng kapatid at sana ay babae. Pero wala talaga. hindi na nanganak pa ang magulang niya, hanggang sa dumating ang isang magandang balita sa kanila. Second year high school na sila ni Migz no'n nang mabuntis ang Tita Gelie niya- mommy nina Migz at Mike. Itinuring ring kapatid nina Kate at Karl si Morsie-ang bunso nina Migz at buns na rin nilang lahat.

        Ilang minuto pa ay narinig ni Kate ang pagtawag sa kanya ng kapatid kaya nagmadali na siyang mag-ayos at pagkatapos ay lumabas. Nasa labas na ng bahay nila ang kanyang mga magulang, nakita rin niya na dumating na ang sasakyan ng Tito Manuel niya.

" Ang tagal mo ate. tss" reklamo ni Karl at kinuha sa kanya ang mga dala niyang gamit bago pumunta sa likod ng adventure. 

"Hello ate Kate!" maligayang bati ni Morsie kay Kate.

"Hi, baby! How are you? Namiss ka ni ate ng sobra." nakangiting bati niya sa bata.

"I'm good, ate. may kwento ako sa'yo later!" sago ng bata.

"Hay naku, baby. Pati talaga si ate idadamay mo dyan sa story mo? wag nalang uyy." pang-aasar ni Mike sa kapatid.

"Hoy! ang aga mang-asar ba?" suway ni Migz kay Mike dahil naiiyak na si Morsie.

"Sorry na baby. Joke lang naman yun ni kuya pogi. Diba alam mo naman na love na love kita?" pagsusuyo ni Mike sa bata at tumango naman ito at ngumiti.

"Ayan, smile na ulit baby namin." ika nito at pinisil ang pisngi ng kapatid.

"Mga anak pasok na kayo ng makaalis na tayo. Mahaba pa ang byahe natin." tawag sa kanila ni Gelie.

"Opo" sagot nila at isa-isa ng sumukay sa loob ng sasakyan.

Papasok na sana si Miguel ng magsalita ang ama na nasa driver's seat.

"Miguel"

"Po, dad?" tanong nito.

"Magmumukha tayong tinapa dito kung magsisiksikan tayong lahat." sabi nito.

"Ito ang susi ng kotse ko, do'n kayo ni Kate. Mag convoy nalang tayo." sunod namang sabi ni theo na ama ni Kate.

"Po?" sabay na sabi ni Kate at Migz na mikhang gulat.

"Oo nga kuya. Ang sikip kaya. Tsaka mainit. Dun na kayo ni ate." dagdag ni Mike.

"ehh kung si Mike or Karl nalang po kaya ang sasabay kay Migz?" suhistyon ni Kate.

"Bakit? may problema ba ate? Lagi ka naman hinahatid sundo ni kuya--" sabat ni Karl.

"Eh malapit lang naman ang school eh. malayo kaya yung byahe!" putol ni Kate sa kapatid.

"Nag-away ba kayo?" diretsong tanong ng mga ina nila. Si gelie ay nakatingin sa anak na si Miguel at si Tina m=naman kay Kate.

"Ahh--" nauutal na sabi ni Migz.

"Hindi p. Gusto ko lang sana makasama si Morsie tsaka---"

Sige na, excuse ate, excuse kuya! Delayed na tayo." sabat ni Mike.

"Bye!" sabi naman ni Karl at pinagsarhan na silang dalawa ni Migz ng pinto ng sasakyan.

        Wala na rin silang nagawa kaya binuksan nalang ni Migz ang kotse gamit ang remote nito at inaya na si Kate.

"Uh-uhm, Ka? Let's go?" paanyaya nito.

"Okay." at tumalikod na si Kate at dumiretso sa passenger's seat. Hindi na niya inantay pa na pagbuksan siya ng pinto ni Migz.

        Nauna ang sasakyan ng mga magulang nila ngunit kita pa rin nila ito. Nasa mga tatlong metro lang ang pagitan ng kanilang sasakyan mula sa mga magulang. Ilang saglit na ang nakalipas ngunit wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa. Nakakabingi na ang katahiikan na namamagitan sa kanila. Pareho silang hindi sanay sa ganitong sitwasyon.Hindi man sila matatabil, pag silang dalawa naman ang magkasama ay walang patid ang kanilang kwentuhan. Kahit buong araw silang magkasama ay hindi nahihinto ang kanilang pagdadaldalan.

        Asiwang-asiwa na si Kate sa sitwasyon kaya't sinubukan niyang tumikhim ngunit pagkatapos no'n ay ibinaling niya naman sa bintana ng kotse ang paningin upang maiwasang makita si Migz.

        Nasa isang ras na ang byahe nila at medyo nakaramdam na ng gutom si Kate. Maliban sa ininom niyang gatas pagkagising ay wala ng laman ang kanyang sikmura dahil hindi na siya nakapag-agahan. Gustuhin man niyang kumain muna, ayaw niya namang kausapin si Migz na ihinto muna ang sasakyan.

        Nasa di kalayuan ay tanaw na ni Kaye ang signage ng Jollibee. Lalo tuloy siyang nagutom. Samantala si Migz naman ay ramdam na may gustong sabihin ang kaibigan ngunit patuloy lang siya sa pagtingin sa kalsada habang nagmamaneho. Nang makita niya ang sign ng Jollibee, naalala niyang nasabi ni Karl na hindi kumain si Kaye ng agahan. Naisip niyang baka yun ang gustong sabihin ni Kaye ngunit ayaw lang nito na kausapin siya. Nalungkot siya sa naisip. Dati, hindi nagdadalawang isip si Kaye na sabihin sa kanya lahat ng naiisip nito ngunit ngayon tinitiis nito ang gutom makaiwas lang sa pakikipag-usap sa kanya.

        Kumanan sa pagmamaneho si Migz at pumasok sa drive thru. Nagtaka si Kate ng biglang lumiko si Migz ngunit napansin niya naman agad na pumasok pala sila sa drive thru. Naisip niya na baka nagugutom si Migz kaya ito sumaglit ngunit nagtaka naman siya ng ang inorder ni Migz ay spaghetti. Tuwing kumakain sila sa Jollibee, burger o di kaya'y hotdog sandwich ang inoorder ni Migz samantalang si Kate naman ang parating umoorder ng spaghetti. Lunod sa pag-iisip si Kate ng biglang nagsalita si Migz na ikinagulat naman niya.

        "Kain ka muna, Ka. Hindi ka raw nakapag-agahan." sabi nito sabay abot sa kanya sa spaghetti at kape.

        Napalingon naman dito si Kate at tinanggap ang pagkain. "Salamat. Ikaw?" sabi naman niya.

"Nakapagbreakfast ako. Sige ikaw nalang." paliwanag ni Migz. "Gusto mo pasok tayo para makakain ka ng maayos?" dagdag nito.

"Uhm. wag na. okay lang sa akin kumain while nasa byahe." tanggi ni kAte.

Tumango na lang si Migz at muling binaybay ang highway.

Just FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon