Chapter 3

4 0 0
                                    

"Uhm. wag na. okay lang sa akin kumain while nasa byahe." Yan na ang huling salitang narinig sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sina Kate at Migz sa resort.

        Ibang-iba ang kasamang Kate ni Migz sa loob ng sasakyan. Hindi nagsasalita, walang komento, walang reklamo, hindi nakikisuyo.

        Tahimik itong kumain. unang beses na kumain si Kate sa loob ng sasakyan habang nasa byahe. Dati, kahit gaano pa sila kagipit sa oras ay sinisigurado nito na maayos ang pagkain niya. Ayaw na ayaw nitong kumain sa sasakyan dahil nahihilo at nasusuka siya. Alam ni Migz na pilit lang nilalabanan ni Kate ang pagkahilo kaya sa abot ng kanyang makakaya ay sinigurado niyang hindi uuga ang sasakyan.

        Alam ni KAte na mahihilo siya. Gusto niyang magsisi nang hindi niya tinanggap ang offer ni Migz na pumasok sila sa loob ng fastfood upang makakain siya. Ayaw niya kasi na magtagal sila masysdo ni Migz. Pero damang dama na niya na nasusuka na siya.

        Sigurado siya na nag-aalala si Migz sa kanya. Alam nito ang kalagayan niya ngayon pero nagdadalawang isip ito na kausapin siya. Kahit hindi sila nagkikibuan ay ramdam niya pa rin ang concern at pag-aalaga ng kaibigan. Alam niyang sinadya nitong hindi bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan at sinisikap nitong hindi ito umalog.

        Hindi pa man siya tapos kumain ay isinara na niya ang styro box ng kinakain. KAhit gutom pa siya ay mas pinili niyang wag na itong ubusin para hindi siya maduwal. At least nagkalaman ang tiyan niya.

        Pagkatapos iligpit ang kinakain, sinandal nalang ni Kate ang ulo sa may windshield at ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa nakatulog na sya.

        Nang mapansin ni Miguel na nakatulg na si Kate itinabi niya muna ang sasakyan at ibinaba inayos ang backrest para hindi ito mahirapan. Binuksan niya ang compartment at kinuha ang naka lagay doon na kumot pagkatapos ay dahan-dahan niyang ipinatong sa balikat ni Kate.Napangiti siya ng maalala kung ilang beses na siyang natanong ng mga kaibigan sa college kung bakit may dala siyang kumot parati sa sasakyan ngunit ayaw niya naman ipagamit sa kanila. Isang taon na rin niyang parating dala ang kumot. Regalo niya ito sa kaibigan no'ng nanalo ito sa Creative writing no'ng academic Fest nila. Nilalabas lang ito ni Kate sa kotse kapag nilalabhan.

        Bahagyang gumalaw si Kate. Akala ni Migz magigising na ito, laking pasalamat nalang niya ng hindi ito nagmulat ng mata. Inayos niya na rin ang seatbelt ni Kate bago muling paandarin ang makina ng sasakyan at pinagpatuloy ang byahe habang nakikinig ng kanta upang hindi antukin.

        Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating na rin sila Migz sa resort. Nakita niya ang sasakyan ng magulang at doon na rin niya ipinarada ang sasakyang dala sa tabi nito. Marahil ay kanina pa ang mga ito dumating hinid na niya ito nakita at mukhang nailabas na rin ang kanilang mga gamit.

        Pinabayaan lang ni Migz na matulog si Kate. Hinidi na muna niya ito ginising upang makabawi ng tulog. Ibinaba niya naman ng kaunti ang upuan at kinuha ang isang libro upang magbasa habang nag-aantay na magising ang kaibigan.

       

        Nang ibaling niya kay Kate ang tingin, mahimbing pa rin ang tulog nito. Alam niyang hindi na naman ito natulog kagabi. Kapagka kasi walang pasok kinabukaan ay inuumaga na si Kate kakabasa ng mga paborito niyang libro. Nangingiti siyang pinagmasdan ang kaibigan ngunit nawala din iyon ng maalala niya ang sitwasyon nila. Hindi siya sanay na ganun sila. Nahihirapan din siyang hindi kinikinbo ng dalaga. Komplikado. Yun lang ang masasabi niya. Unang beses nangyari ito sa kanilang dalawa. Kung nagkakatampuhan man sila dati, wala pang isang oras ay nagbabati rin sila agad, pero ang sitwasyon nila ngayon hindi niya alam. Mag-iisang linggo na silang hindi nag-uusap tulad ng dati. Kung nagsasalita man si KAte sa kanya ngayon, yun ay upang hindi magtaka ang mga magulang nila.

        Nagising si Kate ng masanggi ang kamay niya sa windshield. Naalala niyang nakatulog pala siya sa byahe. Dahandahan niyang minulat ang mata niya at una niyang napansin ang nakapatong na kumot sa kanyang balikat. Hindi na siya nagtaka pa kung bakit dahil sanay na siyang kinukumotan ni Migz tuwing nakakatulog siya sa byahe. Kahit may hindi sila pagkakaunawaan alma niyang hindi mawawala ang pag-aalaga nito sa kanya. Ganun din naman siya para sa kaibigan. Titingin sa sya sa daan ng mapansin niyang naka park na pala ila. Paglingon niya ay nakita niya si migz na nagbabasa bago nito inangat ang tingin at bumaling sa kanya.

        "Kanina pa tayo?" tanong niya.

        "Medyo." maikli namang sagot nito.

        "Medyo?" dagdag ni Kate.

        "Mga 30 minutes." paliwanag ng binata.

        "Thirty minutes? Ba't di mo ako ginising?"

        "Ang himbing ng tulog mo eh, tsaka ayos lang." paliwanag ni Migz. " Andun na naman sila eh. Okay ka na?" pagtatanong nito.

        "Aish. Uhm, uo okay na ako."

        "wala ka ng hilo?" nag-aalalang tanong ni Migz.

        "Wala na. Okay lang talaga ako. Sige na!" medyo mataray naman na sagot ni KAte.

        Pagkatapos no'n ay bumaba naman si Migz sa kotse at binuksan para kay Kate ang pintuan ng sasakyan.

        Naglakad na patung sa mga cottage sina ng Migz upang hanapin kung saan sila pumwesto. Mabuti nalang at habang malayo pa ay nakita na niya sina Karl at Mike na nagtatawanan habang nag-iihaw.

        "Uy kuya!" sigaw ni Karl ng makita nito papalapit sina Migz at Kate.

        "Tagal niyo naman?" tanong ni Mike habang inaayos ang inihaw.

        "Nag-agahan pa kasi ako." sagot ni KAt bago pa makasagot si Migz. "sige, duon na ako sa cottage." sabi niya at tumalikod na agad sa tatlo at diretsong naglakad sa kinaroroonan ng magulang.

        Samantala, tiningnan nalang ng tatlo si Kate.

        "Kuya, enemy pa rin?" tanong ni Karl.

        "Kuya, nakakahalata na sina mama." pag-aalala naman ni Mike.

        "Kaya nga eh. Tss. Hirap naman kasi i-explain sa kanya ng lahat eh. Kung ngayon nga cold treatment na baka next time unexsisting na ako." malungkot na sabi ni Migz.

Just FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon