Chapter 4

10 1 0
                                    

        Hindi pa gaanong nakakalayo si Kate mula kina Migz kaya narinig niya pa rin ang pag-uusap ng tatlo.

        "Kaya nga eh. Tss. Hirap naman kasi i-explain sa kanya ng lahat eh. Kung ngayon nga cold treatment na baka next time unexsisting na ako." Parang gustong kumawala ng luha ni Kate ng mga sandaling iyon. Matagal tagal na rin niyang tinitikis ang sarili na kausapin ang best friend niya. Hindi lang ikaw ang nahihirapan MAT, ako rin. At mas mahirap para sa akin na iwasan ka. Gustong sabihin ni Kate ang mga katagang 'yun kay Migz ngunit wala siyang lakas ng loob para bigkasin yon. At alam niyang mali iyong nais niya.

        Isang malalim na buntng hininga ang pinakawalan ni KAte bago lumapit at bumati sa magulang.

        "Ma, Pa!" tawag niya sa ama't ina at humalik sa pisngi nila. Ganun din ang ginawa niya sa Tita Gelie at tito Manny.

        "Oh, gising na pala ang dalaga namin. Teka? Asan si Migz? Iniwan ka. Sinabihan na yun na bantayan ka habang natutulog." dire-diretsong sabi ni Manny.

        "Ayh, hindi po Tito, inantay po ako ni MAT. Nadaanan po kasi namin sina Karl kaya ayun sumama sa dalawa." paliwanag ni Kate.

        "Ah ganun ba. O di pa pala tapos yung dalawang yun. Kanina pa yun ah." sabi naman ni Gelie.

        "Naku! nagtaka ka pa sa dalawang yun, Gelie. Kung anu-ano na naman siguro ang inatupag." nakangiting sagot ni Theo.

        "Naku, baka magka-apo tayo ng wala sa oras nito. Hirap magkaanak ng mga gwapo pre!" natatawang wika ni Manny.

        "Hoy! maghunos dili kayo. ang babata pa ng mga anak ninyo." bulyaw naman ni Tina.

        "Mga walang modong tatay, natutuwa pa kayong isipin na makabuntis ang anak niyo?" sumbat naman ni gelie habang tawa lang ng tawa sina Manny at Theo sa reaksyon ng kanilang mga asawa.

        Habang maingay na nag-uusap ang mga magulang ay minabuti ni Kate na maglakad nalang muna sa tabing dagat. Hindi pa namn siya gutom kaya naisip niyang masd mabuting mapag-isa muna.

        Habang naglalakad, hinid maiwasang alalahanin ni Kate ang mga nangyayari sa pagitan nila ni Migz. Mas gugustuhin niyana sya ang masaktan kesa sa ibang tao, kaya kahit mahirap ay pipilitin niyang iwasan ang best friend hanggang sa sumang-ayn ito sa gusto niya. Siguro nga unfair ang gusto niya para sa panig ni Migz pero wala rin namang mawawala kung susubukan ito ng kaibigan.

        Patuloy lang siya sa paglalakad habang iniisip ang mga iyon kaya' hindi niya namalayang nakalayo na pala siya sa cottage nila at napunta pa siya sa area ng katabing resort.

        Pabalik na sana si Kate ng may narinig siyang tumawag ng pangalang niya kaya nilingon niya ito.

        "Ikaw nga! akala ko hawig lang. Hi Kate!" nakangiting bati sa kanya.

        "Oh, hello, Joshua!" sagot naman ni Kate at matipid na ngumiti.

        "Alone? Di ko yata nakita si Cathy." komento ni Joshua.

        "No, di si Cathy kasam ko. Family." pagtatama ni kAte.

        "Oh, I see! Akala ko sumama kayo sa outing." ani Joshua.

        "Hindi naman ako mahilig sa ganun." sago naman ni Kate.

        "Pansin ko nga. Ni minsan di pa kita nakitang sumama sa lakad ng class natin eh." komento nito habang sinasabayan si Kate sa paglalakad.

        Nahihiyang ngumiti nalang si Kate sa kaklase. Ni minsan nga ay hindi talaga siya nakasama sa mga lakad ng klase nila. Kahit parents niya ay sinasabihan siyang sumabay sa mga uting pero siya naman ang tumatanggi dahil maliban sa hindi niya hilig ang gumala ay talagang hindi siya sanay sa mraming tao na hindi niya close. Nahihiya naman siyang tanggapin ang alk ni Migz na samahan siya kung gusto niya kasi alam niyang busy rin ito sa pag-aaral lalo na't mahirap ang kursong kinukuha nito.

        "Ahmm, ikaw? Sino kasama mo?" medyo naiilang na tanong niya kay Joshua.

        "High school friends! Semi reunion, kaya nga di ako nakasama sa outing ng class eh." masigasig na sagot nito.

        "ah, ganun ba." tumango si Kate.

        "Wow! swerte ko ata ah." nakangiting wika ni Joshua.

        "Huh? bakit naman?" nagtataka namang tanong ni Kate.

        "First time kaya na nakausap kita ng medyo matagal maliban nalang kung related sa klase yung napag-uusapan. Achievement! Alam mo ba yun?" lalo pang lumaki ang ngiti nito.

        "Achievement?" lalong nagtaka si Kate.

        "Oo! halos lahat kaya kami sa klsae natin maliban kay Cathy iniisip kung pano ka kaya namin makakausap na hindi lang oo o hindi ang sagot mo. Fourth year na tayo tsaka marami na rin kaming nagawang kalokohan o ano mang tawag dun para makapasa lang pero ni minsan di ka talaga namin nakasabay. Kaya ayun, naging pangarap naming lahat na maging kaibigan sana yung pinakamatalino naming kaklase kaso nahihiya talaga kami sayo." paliwanag ni Joshua.

        "Eh. pasensya na. Nahihiya lang talaga akong makiapaghalobilo sa iba, tsaka sanay rin ako na ang nakakasama ko lang talaga ay kapatid ko tsaka bestfriends namin." nakayuko naman si KAte pagkasabi non.

        "uy, wag kang mailang sa akin Kate. tsaka sorry medyo daldal ko."

        "Snobbish at mataray ba ako sa tingin ng kaklase natin?" tanong ni Kate.

        "Hindi ah!" depensa naman ni Joshua. "Hmm, serious. yun ang tingin namin sayo. Tsaka alam namin na mabait ka. kahit naman di ka nakikipag-usap sa amin ni minsan naman wala kang napagsabihan ng di maganda tsak wala ka namang nao-offend."

        "Ah. ganun ba."

        "Yep! kaya nga ikaw yung dream girl ng boys eh. Grabe, kung alam mo lang gaano kadami ang natotorpe say-" napatigil naman si Joshua ng marealize niya ang sasabihin. "Hala. umandar na naman bunganga k. Pasensya na Kate. hehe. pero totoo yun madami may gusto sa'yo. Maliban sa natotorpe, alam lang ng lahat na wala kami sa kalingkingan ni Miguel Tolentino. Sige, una na ako! thank you ulit! bye." naglakad na ito bago lumingon ulit at sinabing " pakisabi nga pala kay Miguel Tolentino na sobrang idol ko siya" at patakbo na itong bumalik sa mga kaibigan niya.

        Pagtalikod naman ni Kate ay nasa harapan na niya si Migz.

        "Classmate mo yun di ba?" tanong nito sa kanya. at tumago nalang siya bilang sagot dito."Ano pangalan niya? tanong ni Migz.

        "Hmm Joshua."

        "Joshua!" sigaw ni Migz sa direksyon ni Joshua at ng mga kaibigan nito. Lumingon naman ito pati na rin ang n=mg kasama." Narinig ko sinabi mo, salamat!" sabi nito at kumaway bago lumingon pabalik sa Kate.

        "Pinasundan ka nina mama. Tagal mo daw kasi baka napano ka na." mahinang paliwanag nito.

        "Sorry, di ko lang namalayan malayao na pala nalakad ko."

        "Okay lang. tara, baka mag-alala pa sila." sabi nito at inalalayan si Kate hanggang makabalik sila sa cottage.

        Pagka dating nila, napansin ni Kate na nakayuko sina Karl at Mike, mukhang napagsabihan ang dalawa. Nang tingnan niya si Migz, nakita niya sa ekspresyon ng mga mata nito na pareho silang nagtataka sa mga kapatid.

        "Kayong dalawa! Mag-uusap tayo." diretsong sabi ni Theo sa kanila.

Just FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon