Chapter 3: Name over Death

26 2 1
                                    


MADDY

"That was the day she went missing."

"That was the day she went missing."

"That was the day she went missing."

"Dy, you okay?" Hell said as she pours coffee on her mug.

Hindi ko namalayan na nalulunod na pala ako sa kakaisip ng sinabi ni Fred... Too much information and it is very disturbing.

"I'm fine, just wondering if you still remember the night Zach called you." I said as I fix my robe and jump off my bed.

Minasdan ko si Hell na tila ba'y pinipilit alalahanin yung panahon na yun. Kumurba ang lungkot sa mukha niya at lumapit sa akin.

"Omaygash, may natatandaan ka na?!" tanong nito sa akin. Umiling ako bilang sagot.

"Then, why are you asking questions like that?" dagdag niya pa.

"Fred told me she went missing the night she called us."

Namutla si Hell, umatras ito at natabig niya ang kape na nakapatong sa side table. Hindi makapaniwala sa narinig.

"No... That wasn't true!" she pulled, "She seems fine, she just called to say hi and told me she missed us." She added as she rushed her hands to her messy hair.

Napasinghap ako at inisip ang posibilidad na iyon. Hindi... hindi maaari.

"What are you doing,Dy?" tanong ni Hell nang kuhain ko ang bag ko at nagsimulang magimpake. Pinuyod ko ang buhok ko at naglagay ng lipbalm at hinarap siya.

"Pack your things, we will gonna find out."

***

ZOEY

Isinilid ko sa bag ang nahanap kong mga lumang dyaryo at tumungo kung nasaan sila Fred at Jade. Si Jade ay kasalukuyang nagbabasa ng mga dyaryo mula sa iba't ibang pagawaan samantalang si Fred naman ay kasalukuyang nakaharap sa laptop niya.

"Sup,palaka?" saad ni Jade ng mapansin ang presensya ko at humarap sa akin na tila ba'y nagaantay ng bagong impormasyon.

Hinila ko ang upuan sa harap nila at umupo rito. Binagsak ko ang sandamakmak na dyaryo mula sa taong 1996 hanggang taong 2018.

"I found these in the archieved, they're hiding so much things. These are just  few of it." I said as I bite on his sandwich.

"It wouldn't even call archives if it's visible to public, duh" I rolled my eyes as I heard Fred murmured.

"Kaya ka iniiwan eh." Saad ni Jade na nakapagpakunot ng noo niya.

"FYI, Ako yung nang-iwan." Akmang sasagot pa sana si Jade nang makita kong papalapit ang isang ulupong. Hay nako, hindi maaari.

Kinuha ko ang laptop at iba ko pang gamit at dare-darechong lumabas ng silid.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad papuntang Subwae PizPa, ang pinakasikat na sandwich and pizza parlor dito sa Lixry Mount South, akmang itutulak ko na ang pinto ay may bumangga at nakipagunahan sakin. Punyeta naman 'to, lahat naman tayo gutom bulong ko sa sarili ko at tumuloy na lamang sa loob. Bumati sakin ang nakakalokong ngiti ni Aldrin, ang cashier na naging close ko na rin dahil sa lagi kong pabalik-balik dito.

"Hey, Good afternoon Zoey. Same order?" tanong nito at tango lamang ang naging sagot ko at ngumiti ako pabalik senyas ng pasasalamat ko.

Umupo ako sa pinakadulong table, my perfect spot to gaze to my surroundings.

"Andito nanaman yung weirdong babae."

"Lagi namang nandito yan, wala atang ginagawa sa buhay."

Rinig ko ang bulungan ngunit imbis na sumagot ay nilabas ko na lang ang gitnang daliri ko at hinarap sa mga ito.

Ang satisfying talaga makita ang mga reaksyon ng mga deputang 'to.

"1 Hawaiian pizza with extra pineapple, 2 veggie sandwich,a vegetable salad,and big diet coke. Wow I'm really amazed whenever you are here eating..."

"This bundle menu." I continued that made Adrian chuckled.

"How come you eat this much and still not gaining weight? Lakas ng metabolism mo." Saad nito.

Kumuha ako ng slice ng pizza, at kumagat dito, "my middle name is hungry, that's why." At kumagat muli.

"hahaha, alright. Enjoy your food." And with that he leaves my table and went back to the counter.

"Thank you, come again!" sambit ni Adrian paglabas ko ng PizPa shop.

Naglakad ako sa espasyo ng Wilbur street papunta sa street namin. Iniisip ko pa rin ang posibilidad na iyon... Hindi malabong ayon nga ang nangyari at pinapaikot-ikot lang kami ng kung sino man ang salarin.

Biglang bumugso ang damdamin na tila'y may sumusunod sa akin. Lumingon ako at wala naman akong nakita maliban sa isang basurahan 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Binilisan ko ang paglalakad at mas kinabahan ako dahil ramdam ko ang pabilis na pabilis din na yapak ng kung sino man ang sumusunod sa akin, hindi ko ito malingon sapagkat baka matapilok pa ako. Ang lakad ay naging takbo, binalewala ko lahat ng na sa isip ko at ang tumatatak lang dito ay kung paano ko ito matatakasan. Sa 'di inaasahang pangyayari ay bigla akong bumangga sa isang katawan at natumba sa kawalan. Nang akin itong tanawin ay may kahindik-hindik itong ngiti sa kanyang mukha.

"Huli ka." Tinig nito bago ako andayan ng sapak.

Unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa nilamon na ako ng dilim.

***

DEMI

Tanaw ko ang bawat pangyayari ngunit nanlumo ako sa katotohanang wala akong ibang magagawa kun'di ang manuod. Kitang-kita ko kung paano niya walang pusong binuhat ang duguang dalaga pagkatapos niya itong gutayan at indakan ng ilang beses at paulit-ulit na suntok. Pilit kong pumikit at tumalikod dito.

"ang sabi ko kasi sayo, huwag ka ng manuod. That's their fate, we can't interfere with death. You knew the rule." Saad ni Sav habang binubuklat ang libro ng buhay at sumulat dito.

"Hindi ba natin siya talaga pipigilan? That girl is still breathing and alive, there's still a chance of life!"gigil kong giit at kinuha ang libro sa kamay niya bago man siya matapos sa pagsulat dito. "You can't put name if she's still alive! That's rule 38! How dare you." Dagdag ko at binura ang Zoey na nailagay niya.

"I'm just doing my job here, don't fucking question my things and pay attention to what you're doing right now, We're seekers, we just here to write dead people's names so they can go through wherever they should be!" Pilit niyang inaabot pabalik ang libro subalit agad ko itong tinapon sa likuran ko. "If you don't have mercy on them, how could you consider yourself as human?" I pointed out and slap her hard.

Wake up, baka sakaling bumalik humanity mo. 

Through Someone's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon